Ikalabing siyam na Kabanata
Gaya ng dating gawi, sinundo nanaman ako ni sir Aguinaldo this time. Matagal nanaman ang eksena namin ng mga kuya ko. Umiiyak na nga si Aurgum at si kua Gideon dahil ayaw na raw nila akong umalis muli.
"Awat na Gideon.." Pang-aasar ni kuya Voide sa kanya. Mas hinigpitan pa ni kuya Gideon ang yakap niya sa akin.
"Kuya Gideon, huwag kang mag-alala. Babalik ako. At kapag nakabalik na ako, dala ko na an glider ng mga terroristang iyon."
"Liligawan ko po si Josefa!" Sigaw ni sir Aguinaldo na naghihintay sa labas. Kahit kalian talaga wala siyang pakisama.
Ang kaninang mahigpit na yakap ni kuya Gideon ay nakalas na. Sabay-sabay nilang nilapitan si sir Aguinaldo.
Kaya hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo eh. Letse 'tong mga kuya ko. Buti pa si tatay, nakaakbay lang kay nanay na parang isang lider ng sindikato.
"Liligawan ko po si Josefa, sigurado na po ako doon. Kahit po ayawan niya ako ay liligawan ko pa rin siya."
Ngayon ko lang nakita si sir Aguinaldo na natakot. Unti-unting nilapitan siya ng mga kuya ko. Akala ko ay mamaltratuhin nila si sir Aguinaldo ngunit niyakap nila ito at pumaikot-ikot sa kanya.
Ni si Kuya Voide ay kasama.
Nagbubunyi raw sila dahil sa wakas, may naglakas loob daw na pumunta sa bahay at ipaalam na liligawan ako. Akala raw nila ay tatanda na ako ng matanda. Shem na pempem! Nakakainis ang mga kuya ko!
"Aalis na kami ni sir Aguinaldo." Hinila ko si sir at nakaani iyon ng napakaraming panunukso sa amin. Hinalikan ako ni papa sa noo at binilinang laging mag-dasal.
Mabilis lang ang byahe dahil sa TPLEX. May mga magagandang nagagawa ang gobyerno ngunit hindi nila ito pinapansin dahil pinupuna nila ang kamalian ng ating pamahalaan.
Pinuno ni sir Aguinaldo ang byahe namin ng tawanan. Kahit ngayon man lang ay makatawa ako at makalimutan ang mga sugat ng kahapon. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya ang lalaking ito sa akin.
Masaya kaya si Jhapagna ngayon?
Kinalimutan ko muna ng sandal ang mga pangyayaring iyon. Kailangan kong i-report sa heneral ang lahat. Pasikreto kaming umaksyon ni sir Aguinaldo papunta sa office niya.
Laking tuwa namin nang madatnan siya kasama si Lieutenant Colonel Clyde. "Sir, we have something to tell you."
"Sit, Captains." Alok ng heneral. "Ano iyon? Magaling ka na ba Josefa? Ang likod mo?"
"Ayos na po sir!" Umupo ako sa tabi ni sir Aguinaldo. Napansin ko ang pag-ngisi ni sir Aguinaldo kay sir Clyde. "Sir, noong araw nan a-hostage ako, I discovered something." "Spill." Humigop siya ng kape.
"Major General Antonio Lazada is the leader of the Armed Terrorists sir. Hindi ko alam kung siya rin ba ang leader ng Serpente ngunit malaki ang tyansa na siya nga iyon. Ikinulong po nila ako sa isang underground area."
"Alam mo pa ba ang daan, Josefa?" Tanong niya sa akin.
"Opo sir.." Natawa ako nang maalala kong hindi nila ako blinindfold. "Hindi po nila ako ni-blindfold."
"Magpapadala tayo ng battalion sa Mindanao. Ikaw ang mag-lead, Clyde. Susuong tayo sa Cagayan de Oro ngayon. 'Yung mga trinaining mo, Clyde. Ipapasama ko ang air Force at Navy upang mabantayan ang borders ng Mindanao. Captain Buntis, samahan mo si Clyde upang masugod ang underground location na iyon."
Tumayo ako upang sumaludo. "Sir, yes, sir!"
Agad kaming kumilos at nakita namin ang napakaraming sundalo na naka-linya. Iyon yata ang battalion na sinasabi ni General. Nagsidatingan na rin ang mga military plane ng Air Force. Si sir Clyde ang nag-aabot ng uniporme nila at si sir Aguinaldo ang naglalagay ng uling sa mukha. Ako ang nag-bibigay sa mga armas nila.
Sa prosesong ito, naaalala ko si Jhapagna. Gagawin ko ang lahat upang hindi mapunta sa wala ang effort ng mga taong namatay dahil sa gyerang ito.
Sumakay kami sa military plane at nag-kasya kaming lahat doon. Ibang-iba ito sa isang regular na eroplano. Tinabihan ako ni sir Aguinaldo na hawak ang kamay ko. "Are you afraid?"
"No sir. I'm with God. Whom shall I fear?" I caressed his hand. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat.
Tumayo si sir Clyde at pumunta doon sa pinakaharap. Nang tignan ko siya ay medyo kinilig ako. Pero mas matimbang talaga si sir Aguinaldo sa puso ko.
"May tatlong grupo dito. Ang aatake sa norte ay ang grupo nila Colonel Panelo. Sa kabisera naman ay ang grupo nila Colonel Marcial. Ang grupo ko ang sasalakay sa underground. Walang susuko! We'll fight until we die!"
Sinaluduhan siya ng napakaraming sundalo at kabilang na kami ni Apollo. "Sir, yes, sir."
Nang makalapag na ang military plane ay mabilis kaming kumilos. Kasama ako sa grupo ni sir Clyde at kasama ko rin si sir Aguinaldo.
Let the games begin.
BINABASA MO ANG
Fafa Buntis: Ang Sundalo
AzioneSimple lang sana ang kwento ni Josefa, o sa kaniyang palayaw, Fafa. Pagkagraduate niya sa PMA ay nagtrabaho na siya agad bilang 2nd Lieutenant, hanggang sa dumating sa buhay niya si 1st Lieutenant Keanu Apollo Aguinaldo.