Kabanata 09

67 1 0
                                    

Ika-siyam na Kabanata

"What the heck, Josefa?" Sising-sisi ako na tinanong ko pa iyon sa kanya. Bwisit kasi, sa sobrang curiousity ko ay natanong ko pa talaga iyon. I deserve to be punished. "Did you actually think I'm gay?"

"Sir naman kasi eh! Mula sa mga galaw niyo kapag nandyan si sir Clyde, talaga namang mapapaghinalaan talaga kayo. Nagseselos pa talaga kayo sir, eh. So ano na nga, bakla ba kayo o hindi?"

"Kanina, balak kitang bigyan ng 30-minute push up. Pero ngayon, lilibutin mo na ang buong oval na hanggang lumubog ang araw." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Clyde and I are mortal enemies since high school. Hindi kami close. At mas lalong hindi ako bakla."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Wala naman na-kwento si sir Clyde sa akin sir? Ibig sabihin, magkataunan kayo? Woah. Since high school? Bakit sir? Inggit kayo sa kagwapuhan niya 'no?"

"Aba Josefa. Namimihasa na talaga iyang bibig mo ha. At saka anong mas gwapo? Mas gwapo ako sa kanya!" He sipped from his café latte. Ang kapal ng kilay niya. Nahiya tuloy ako sa kilay ko.

"So ano nga sir, magkasing-edad kayo ni sir Clyde?"

Umiling ito. "Nah. He's five years older than me."

"What? Tapos sabi niyo mortal enemies kayo?" Kinunot ko ang noo ko. Nahihiya talaga ako sa kilay ko. Bakit ba bigla akong na-conscious sa sarili ko?

"Akala ko ba crush mo siya?" Tsk tsk tsk, he said. "Clyde was a rebel since high school. At dahil bagsak nang bagsak ang grades niya ay paulit-ulit din siyang nag-second year. Ayun, naging magkaklase kami."

"So talagang para sa kanya ang pagsusundalo. Basagulero eh!" Nakaramdam ako ng uhaw. Buti hindi nagalit si sir Aguinaldo sa akin. Kanina pa good mood. "Eh kayo sir, bakit kayo nag-sundalo?"

"Ako?" Tumawa siya ng malakas. "Because of a promise I've made?" Hindi pa sigurado ang tono niya.

"Naks! Marunong tumupad ng pangako. Proud siguro ang parents niyo sir." Kung hindi lang balahura ang ugali nito e. Crush ko na siguro siya. Kaso balahura!

"E-wan." Ngumiti siya. "Tara nuod tayong sine."

"Hala sir? Tayong dalawa lang? Hindi ko po kayo type sir. Loyal ako kay sir Clyde." Nakaramdam ako ng hiya. Bakit ang kapal ng mukha ko?

"Lol. Tara na kasi. May gusto akong panuorin na ni-recommend ng kaibigan ko."

Tinignan ko ang oras. Matagal pa naman ang curfew. "Game! Libre niyo sir."

Matapos ang napakahabang sine na tungkol sa isang babaeng may cancer at isang lalaki na putol ang isang paa at spoiler alert: namatay ang lalaki, ay tumayo na ako agad at naubos ang natitirang popcorn. "Sir, tara na po! Nagaalisan na sila."

Hindi pa rin siya umiimik. "Sir Aguinaldo."

"Ser...."

Nako naman ang pabebe ng sundalong ito!

Nakarinig ako ng hikbi na galing sa kanya. Lumapit ako upang kumpirmahin kung sa kanya ba galing iyon at kumpirmado nga. "Umiiyak ka sir? What the heck?"

"Tae naman kasi. Bakit ba kasi namatay 'yung lalaki?" Binigyan ko siya ng panyo. Mas emosyonal pa siya kaysa akin. Kaya napapagkamalang bakla e. "Bwisit. Tara na nga. Matawagan nga si Aurghm mamaya."

"Teka... Aurghm?" Napahinto ako. "Aurghm Mallari Ore Buntis?"

Tumango siya. "Oo, bakit?"

"Kuya ko iyon. Baka ngayon mo lang na-realize, sir Aguinaldo. Paano mo nakilala ang kuya ko, sir Aguinaldo?"

Sa pagkakaalam ko, maingay at pabibo ang kakambal kong iyon. Sa kanya nga pinakanaiinis ang mga kuya ko. Paano niya naging kaibigan ang isang sir Aguinaldo na sobrang sungit na akala mo'y isang babaeng dinadatnan?

"We were friends since high school. Hindi ba sa Manila siya nag-aral dahil kaaway niya raw 'yung mga kuya mo kaya siya ipinatapon sa Manila? Ayun. Naging kaklase ko. He was my best friend, ever since." Pinunasan niya ang natitirang luha sa mata niya. "At siya ang nag-recommend sa akin ng movie na ito."

"Weh... Baka naman stalker kita sir kaya alam mo na may kuya akong anim?" Humalakhak ako ng malakas. "At lalo na si Aurghm! Ano sir, stalker kita 'no?"

"I'm more than that Josefa."

Actually sir Aguinaldo, I wouldn't mind being stalked by you. Kasi alam mo sir, I am the female soldier who is beautiful and empowered inside and out.

"Josefa... Look." Itinuro niya ang isang lalaking naka-cap ng itim. Sinusundan niya ang dalawang babae na nagtatawanan. "Nakita ko ang mukha niya sa isang wanted sa PNP nu'ng bumisita ako roon noong isang araw. He's a thief."

"Anong gagawin natin sir?"

"Corner him. Saktan mo ang ego niya hanggang sa malimutan niya ang tungkol sa mga babae. Tapos ako na ang bahala sa kanya. Don't shoot, Josefa. Ayaw kong malagay ka nanaman sa ospital." Bilin niya.

Mabilis kong sinundan ang lalaki. Bagamat nananakit ang mga tahi ko ay hindi ko na ito inalintana. "Hoy, lalaki!"

Napatingin ito sa akin. Hinabol ko siya hanggang sa labas ng mall. Nang makita ko ang isang dead end ay doon ko siya pinapunta. "Paano ba iyan? Titigil ka na ba?"

Hindi na siya makaakyat dahil puro pader na ang lugar na iyon. "Aww, kawawa ka naman. Nahuli ka ng isang babaeng sundalo? Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggaga-gawa mo, kuya?"

"Huwag mo akong lapitan!" Sigaw niya. Napaparanoid na ang isang ito.

Nang makita ko si sir Aguinaldo sa likod niya ay sinipa ko ang lalaking magnanakaw sa binti. Napaluhod ito sa sakit. Matulin na umaksyon si sir Aguinaldo at pinosasan ang lalaking iyon. Nahuli na namin siya.

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon