Kabanata 08

74 1 0
                                    

Ikawalong kabanata

Sabi nila, ang oras daw ang gamot na nagpapahilom sa ating mga sugat. Tunay nga iyon sapagkat hindi ko na ramdam ang mga sugat ko at ang mga tahi matapos ng tatlong linggo. Balik na rin ako sa PMA at heto, binigyan ako ng welcome party sa chapel service namin.

Katabi ko si sir Aguinaldo na puno ng icing ng cake sa mukha. Ang mga kadete ay sinamantala na ang pagkakataon na maasar siya habang nasa matino pa siyang kundisyon. Nitong mga nakaraang araw ay medyo bumabait na rin si sir sa akin.

Pinag-stay ni General Kardinal si sir Clyde dito sa PMA dahil sa past incidents pero good for one month lang. Isang linggo nalang siyang mamamalagi kaya sinusulit ko na ang bawat stay niya rito. Sabi namin, ang way of greeting namin ay ang licking of lower lip. Heto, sobrang blessed ako dahil ang hot hot niya kapag ginagawa niya iyon.

"Bakit k aba dila nang dila ng labi mo, aso k aba?" Tanong ng panira kong katabi. Kung may living definition ng epal at papansin, siya 'yun. "Nasa chapel ka pa man din ang dugyot ng ginagawa mo. Itigil mo nga 'yan!"

"Problema mo ba?" I decided to drop the sir. Bahala siya sa buhay niya. "Bakit ba ang hilig mong mangialam?"

"Mukha ka kasing nauulol na aso sa ginagawa mo. Nakatingin na sa iyo ang mga private sa likod. Gusto mo ba talagang pinagtitinginan ka?" Inis na sinabi nito.

Napatigil kami sa girian namin nang mag-salita na ang pastor sa harap. "Magandang umaga, mga sundalo. Tayo'y tumayong lahat at sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pag-awit, pagdarasal at pakikinig sa kanyang salita. Amen ba?"

We chorused, "Amen!"

Maligayang umawit ako ng punong-puno ng kagalakan sa puso. Nagpapasalamat ako dahil binigyan pa Niya ako ng ikalawang buhay. Nagpapasalamat ako dahil hindi Niya ako iniwan sa sandaling iyon. Nagpapasalamat ako dahil hindi malalim ang natamo kong mga sugat at dahil iyon sa Kanya. Napakarami ng biyaya na handog Niya sa akin.

Nang matapos ang awitan ay nagdasal kami sa pamumuno ni pastor. At iyon, nakinig kami sa preaching of the Word of God. "Ang Diyos ay laging nandyan kung may problema tayo. Hindi nangunguha ang Diyos. Siya pa nga ang bigay ng bigay sa atin. He is an outgiving God."

Tahimik lamang kami na nakikinig sa mga salita niya. "Mayroon akong ikukwento sa inyo kung saan may isang babae na pupunta sa ibang bansa at nasa airport na. Hinihintay niya ang pag-dating ng kanyang eroplano kaya bumili muna siya ng isang newspaper at isang balot ng cookies.

"Pagdating niya doon sa aiport, naupo muna siya doon sa mga upuan at may nakatabi siyang isang lalaki na naka-tuxedo. May dala ring newspaper ang lalaking iyon at nag-basa ito sa tabi ng babae.

"Nang tumagal na, kumuha na 'yung babae doon sa cookies. Ngunit napapansin niya na kumukuha na rin 'yung lalaking naka-tuxedo doon sa cookies na iyon. Ang ginawa niya, tig-dalawang cookies ang kinukuha niya dahil ayaw niyang maubusan kasi nga kumukuha rin 'yung lalaking iyon doon!

"Iisa nalang ang natira. Hinati pa iyon ng babae. Pagkatapos nu'n ay dumating na ang eroplano nila. Ngayon, ni-confront niya 'yung lalaking tumabi sa kanya. 'Manong grabe naman ho kayo. Sa susunod po na kukuha kayo ng cookies mag-paalam naman po kayo. Naka-tuxedo pa naman po kayo.' Sabi nu'ng babae. Hindi siya inalintana nu'ng lalaki at sumakay na doon sa eroplanong iyon."

"Nang may kukunin na siya sa kanyang bag..." tumawa ang pastor. "Pagkabukas niya ay nandoon pa pala 'yung cookies na binili niya! Ibig sabihin sa lalaki 'yung cookies! Ibig sabihin siya pa 'yung mas nakakahiya dahil hindi kanya 'yung cookies at pinagsabihan niya pa 'yung lalaking iyon na huwag kumuha ng hindi kanya!"

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon