Kabanata 17

55 0 0
                                    

Ika-labing pitong Kabanata

"Sir Aguinaldo.." Iyon na lang ang nasabi ko nang imulat ko ang aking mga mata. Napatunayan ko na siya nga talaga ang nag-ligtas sa akin. Nang tinignan ko ang paligid ay nasa damuhan kami.. kasama ang mga napakaraming sundalo na nakahimlay sa damuhan.

"Sir... Anong nangyari sa kanila?" I gathered up all the strength that I have to stand up. Oo, masakit ang likod ko pero kailangan kong inspeksyunin ang mga mukha ng mga namatay na bayani ng bayan.

"Namatay sila sa pakikipaglaban sa kakahuyan. Hindi namin kabisado ang lugar na ito kaya maraming namatay. Ang nakaligtas lang ay lima. Si Captain Eluama Imbuido, si Lieutenant Bryna Loyzaga, si Lieutenant Windell Sico at si Lieutenant Eduardo Tanguilig. Lilima lang kami, Josefa..." Hinawakan niya ako sa balikat nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.
"Teka.." Napaluhod ako dahil nawala lahat ng lakas ko nang makita ang lalaking iyon na nasa damuhan at walang malay. "Sir.. Bakit.."

"Sir! Huwag niyong sabihin na nandito rin siya!"

"Josefa, calm down..."

"How can I calm down?!" Sigaw ko. Puno ng galit, poot at pighati ang pakiramdam ko. "Captain Ralph Vane Yoo is lying here on the ground without breathing! Joke ba ito sir? Joke ito, ano?"

"Josefa..."

"He's dead! Calm down? That's pure shit! Patay si Captain Yoo! Patay siya! Huwag niyong sabihin na nandito rin ang best friend ko sir... Parang awa niyo na...." Napapaiyak nalang ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na dito siya nadestino, pilit kong tinatanggi sa isip ko na nandito siya. Hindi pwede.

Isa-isa kong tinignan ang mga mukha ng mga sundalo. Sa bawat pag-tingin ko ay todo ang pagdagundong ng kaba ko.

Napa-atras ako nang makita ang mukha ng best friend ko na nakahiga sa damuhan at puno ng dugo sa mukha. Niyakap ko siya at patuloy na inilabas ang damdamin ko. "JHAPAGNA REIGH!!!! Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba magkasama tayo, habang buhay?! Gumising ka riyan!!!"

Niyugyog koi to. "Jhapagna bakit? Hindi pa ba sapat na kinasal ka at iwanan ako ng napakaraming buwan? Jhapagna bumangon ka! Huwag mo akong niloloko dito dahil magpapakamatay ako ngayon din!"

"Bakit mo pa kailangan na iwan ako ng permanente ha? Sineryoso mo masyado ang till death to us part. Bakit Jhapagna? Sabi mo mas mahal mo ako?! Bakit mo ako iniwan?!"

Patuloy lang ang pag-iyak ko habang kalong ang katawan ng best friend ko. Sobrang sakit ng liikod ko ngunit mas malakas ang sakit na nararamdaman ko. Ganito pala kasakit ang mamatayan ng isang mahal sa buhay. Parang nawala ang isang kidney mo sa katawan pero mas masakit pa yon.

Kagagaling ko lang sa torture... Torture nanaman?

"Jhapagna..." Pinunasan ko ang aking mga luha. "Jhapagna masaya ka ba riyan? Isunod mo na rin ako oh. Hindi ko na rin kasi kaya. Jhapagna kunin mo na ako. Please... Sobrang sakit na..."

"No Josefa." Nagsalita si sir Aguinaldo na nasa likod ko. Hindi ko siya tinignan dahil minememorya ko ang mukha ni Jhapagna. "Live for me.. Live for your family. Especially, live for God! That's an order!"

"Order niyo 'yang mga mukha niyo! Nang dahil sa letseng mga order na iyan namatay ang best friend ko! Hindi ko na kaya Apollo! Sobrang sakit na!" Sigaw ko rito. Unang beses ko siyang tinawag na Apollo. "Masyadong masakit na. Hindi ko na kayang mabuhay."

"Kakayanin mo. Just pray to God. Talk to Him. Please..." Huminga ito ng malalim. "You're life is worth saving. Tingin mo ba, gugustuhin ni Jhapagna na sumunod ka sa kanya?"

Umiling ako. Iyon na ang hanggangan ko. Nagising ako na nasa Camp Bagong Diwa na maraming kumukuha ng litrato sa amin. "Ma'am ano pong masasabi niyo sa mga nag-hostage sa inyo?"

Hindi ako makapagsalita. Pagkagising ko ay umiiyak nanaman ako. "Sir Aguinaldo... doon nalang ako sa walang camera, please..."

"Oo nga pala, may phobia ka." Inalalayan niya akong tumayo. "Tara na, doon tayo sa staff office.''

Tumango ako. Nang maalala ko si Jhapagna ay napaiyak nanaman ako at parang hindi makatayo. Pilit akong tumayo ngunit hindi ko talaga kaya. Nanlalambot ang tuhod ko. Napansin ata iyon ni sir at binuhat na lang ako. Batid kong na-picture-an kami ng media ngunit wala na akong paki-alam. Nakakatakot ang paligid. Bakit parang puno ng suliranin ang buhay ko?

Tinulungan ako ng isang nurse na mag-palit into hospital gown. Isinakay nila ako sa kotse ni sir Aguinaldo at pinunta sa pinakamalapit na ospital.

Buti na lang ay hindi ako iniwan ni sir Aguinaldo kahit na anong nangyari. Kahit na nagda-drive na siya ay nagsasalita siya upang i-encourage ako at i-cheer up. Bakit parang nakumpirma ko na talaga ang nararamdaman ko sa kanya?

Nang makarating kami sa ospittal ay may sinaksak silang dextrose sa akin. Mayroon din silang pinahid na ointment sa likod ko upang maibsan ang sakit na dala ng mga sugat ko.
May ointment din ba sila na gamot para sa nararamdaman ko ngayon?

Napangiti na lamang ako nang mapansin si sir Aguinaldo na hawak ang kamay ko. "I can't afford to lose you, Josefa. I just can't. Please choose to live."

Tumango ako at bumulong, "lumalabas nanaman si Japong sa mga pananalita niyo sir."

"I'll be Japong forever if you want." Ibinaon niya ang ulo niya sa kamay ko upang hindi kami magkatinginan.

"Ay mahirap iyan.. sir Sir Aguinaldo ang minahal ko eh?"

Awtomatikong napa-angat ang ulo niya. "Anong sabi mo?"

"Bawal nang ulitin. Wala na akong boses." Pang-aasar ko rito.

"I was just waiting for you to say it, Josefa. I love you so much. I will always love you." Hinalikan niya ako sa noo. "Please huwag mo nang isipin na magpakamatay muli."

Tumango ako.

"Hay.." Huminto ito. "I badly want to change your surname, Josefa."

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon