Kabanata 13

56 1 0
                                    

Ika-labing tatlong Kabanata

Childhood really played a big part of my life. Dahil kay Jhapagna at Japong ay naging sundalo rin ako. Syempre, isang rason din si Heneral Kardinal. Kaso naapektuhan nila akong dalawa.

"Josefa! Matatamaan ka na ng baril na ito. Sabihin mo sa akin kung gaano ito kasakit!" Itinutok ni Japong ang baril niya sa dibdib ko. Mabuti na lamang ay naagapan ito ni Jhapagna na binaril si Japong sa binti.

"Iyak na Japong." Pang-aasar pa nito.

"Kapag ako naging sundalo, kawawa kayong dalawa sa akin." Lumayo si Japong kay Jhapagna at umakbay sa akin. "Saan tayo? Kila Josefa Love?"

"Patay gutom" Umirap ako.

"Im not patay gutom Josefa Love! I'm just too hungry! Lets eat na.. hmm?" Ngumuso pa ito.

Pinigilan ko ang pag-ngiti ko nang maalala ko ang pangyayaring iyon. Mabuti nalang ang Japong na Englishero noon na medyo matatas mag-tagalog. Medyo lang, wala pa rin siya sa lebel ng isa kong kakilala noong highschool na kulang nalang ay maging sikat na makata dahil sa kagalingan niyang magsalita ng Wikang Filipino.

"Ilang beses na kitang sinabihan na huwag sumama sa Special Action Force na iyan mukhang wala na ba akong magagawa?" Ngumuso si kuya Gideon na tila isang bata.

"I'll be safe kuya, I promise." Hinigpitan ko ang pagyakap ko sakanya. "Ikaw ba, kailan magpapakasal nang magkaroon na ako ng pamangkin, ha? Thirty ka na! Twenty-one pa lang ako! Kailangan ako ang magpangalan samagiging pamangkin ko."

"Josefa Love ba ang ipapangalan mo? Naku naman Fafa,huwag." Humiwalay siya mula sa pakikipagusap.

Umiling ako. "Please name her, Andromeda."

"Idol ko pa rin ang pangalan mo." Singit ni kuya Cole. "Hindi ako makapaniwalang hindi mo nakilala sa isang tingin si Apollo." Tsk tsk tsk, sabi niya. "Makapoy ka, Fafa."

"Dapat kasi sinabi mo na sa akin agad." Inirapan ko ang manipulator kong kuya. Si Cole ay mahilig magmanipula ng mga tao. "Payakap, kuya Cole." He embraced me with his arms.

"Kuya Castell..."

"Kailan ba kasi hahaba ang buhok mo?" Ginulo niya ito. "Kapag humaba na iyan, huwag ka nang babalik sa Mindanao."

Siya naman ang niyakap ko. "Regaluhan mo kasi ako ng magandang shampoo."

"Ako rin, dali na kuya Castell. Aalis na si Fafa."

Inagaw ako ni kuya Matthew at hinalikan sa noo. "Mag-iingat ang bunso ha? Magpakataba ka. Manalig ka sa Diyos lagi."

"Oo naman kuya Matt." Niyakap ko siya. Si Aurghm naman ang yumakap sa akin na tyinansingan pa si kuya Matthew.

"Oh, bat ka umiiyak, Aurghm?"

"Bwisit ka kasi." Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya.

"Huwag kang magpapapatay doon ha? Tandaan mo laging nasa paligid ang kalaban."

"Ikaw ba talaga si Aurghm?" Napabulalas ako ng tawa. "Kuya Voide ayaw mo ba akong yakapin?"

Inilahad niya ang mga braso. Kuya Voide is so awkward with this. "Be safe. Be safe Fafa. Trust God. Pray always."

"I will, kuya Voide." Niyakap komg sunod sila mama at papa. Nang matapos ang iyakan nila mama at papa ay ipinaalam na ako ni sir Aguinaldo sa kanila. Kami ang nasa harap ng kotse habang ang ibang tenyente ay nasa likod ng kotse.

"Kinakabahan ka ba, Josefa?"

"Yung totoo sir?" Tumawa ako ng malakas. Buti nalang ay nakaheadset ang mga tao sa likod. "Oo, natatakot ako."

"Pray when you're afraid, Josefa." At tama nga naman ang advice niya. Iyon ang ginawa ko. Ang magdasal sa maykapal kapag natatakot tayo. He said, He will never leave us nor forsake us. I will trust God with all my life.

Nang makarating kami sa Pampanga ay kumain muna kami sa isang sikat na fast food chain na libre ni sir Aguinaldo. ''Akalain mo yun sir, ang bilis nga talaga ng buhay. Noon nag-aaral pa lang ako sa PMA na akala ko'y 'di na matatapos pero ngayon magiging kapitan na ako.''

''Good for you.'' Tipid syang ngumiti at ibinalik ang atensyon sa pagkain. ''Magaling ka naman kaya ka na-promote.''

''Hindi kaya sir. Dahil sa inyo kaya. Pabebe kasi ikaw.'' Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. ''Bakit kasi ayaw mong maging captain noon pa? Bakit kahit first lieutenant ka ay nagturo ka sa PMA?''

Umiling ito. ''Dahil gusto nga kitang makita ulit. Remember, sabi ko magsusundalo ako. Sabi mo susubukan mo.. kaso napamahal ka sa public speaking.'' Itinuloy niya ang pag-nguya. Napapansin ko ang perpektong panga niya. Ang gwapo ni Japong. ''Buti nalang nagsundalo ka. Hindi ko maatim na malagay ka ulit sa ganoong sitwasyon.''

Iniisip niya ba ang sinasabi niya? ''Mamamatay naman ako sa pagsusundalo.''

''Hey!'' Singhal niya. ''Dont say that.''

Matapos kumain ay tumungo na kami sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines. Kinamayan kami ni Major General Lazada. Inawardan kami ni 'Captain' Apollo Aguinaldo.

''Salute!'' Nang ma-meet na namin ang squadron ay agad kaming nakipagkamayan. Labing-pito kaming lahat at isa lamang ang grupo namin sa napakaraming SAF na dineploy sa Mindanao.

Ito na talaga... Magsisimula na ang gyera.

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon