Ika-labing dalawang kabanata
Ang pangarap ko simula noong bata ako ay ang maging newscaster. Nais kong humarap sa kamera at magbalita doon ng pawang katotohanan lamang. Nais kong makita ng mga tao ang nagaganap na korupsyon sa pamahalaan, mga trahedyang nagaganap sa bansa at ang mga nangyayari sa pang araw-araw na buhay ng lipunan.
Kaso nasira lahat ng pangarap kong iyon nang malagay ako sa isang aksidente. Tungkol iyon sa isang gobernador na nangidnap sa mga bata. Kasama ako sa mga nakidnap. Sabi nila, gagawin nila kaming human carrier. May isang newscaster na pumunta doon sa warehouse pero pinalabas sa TV na may mga dinonate sa amin ang gobernador na iyon. Lalo kong kinamuhian ang mga newscaster nang nalaman nilang nakidnap na kami pero wala pa silang ginawa.
Mabuti na lamang ay may isang sundalo ang tumulong sa amin. Si General Kardinal iyon na binata pa lamang noon at isa pang tenyente noon. Kaya malaki ang utang na loob ko sa pamilya ng Kardinal. At nung madiskubre ko na may anak pala si General Kardinal ay naging crush ko iyon agad.
At kinikilig parin ako hanggang ngayon.
Kaso letse! Naalala ko nanaman si sir Aguinaldo kagabi. Teka, si sir Aguinaldo nga ba iyon?
Nagbihis ako at dumiretso sa PMA. Mabilis lang naman ang byahe mula Panggasinan papunta sa Baguio. Nang nakarating na ako ay isinuot ko ang jacket ko. Napakalamig ng Baguio ngayon.
Nadatnan kong natutulog si sir Aguinaldo na parang lalaking-lalaki. Nakayakap siya sa unan at naka bend ang knees na parang natatakot. Hinintay ko na lamang na magising siya. Hay, hindi siya isang gwapong tao na natutulog. Kung ang ibang lalaki ay ang gwapo matulog, siya hindi! May laway sa gilid nang labi tapos magulong buhok... grabe siya! Shem na pempem!
"Josefa Love..." mahinang usal ni sir Aguinaldo.
"Hala si sir, pinapanaginipan ako.."
"Huwag assuming, Josefa Love, nakakamatay."
Napabalikwas ako at for the nth time, nauntog na naman ako sa double deck. Bwisit. "Gising ka sir?"
"May umutot ba naman... paano akong hindi magigising?" Bumaba siya sa taas. "Ang baho talaga ng utot mo kahit kailan, Josefa."
"Compliment ba 'yan sir? Salamat ha?"
Tumabi siya sa akin. "Josefa, kwentuhan mo nga ako tungkol sa childhood mo?"
Napatawa ako. "Ewan ko kung anong trip mo sir pero sisimulan ko na. Pero don't judge sir, ha?"
"I don't judge people Josefa. Ayaw ni God iyon." Naalala ko si Japong na englishero. "Para kang si Japong."
Nginitian niya ako, "Ituloy mo na ang kwento mo."
"My childhood was simple. Bahay, school,church tapos laro with Jhapagna at Japong. Si Japong nga 'yung childhood friend naming mas matanda sa amin ng tatlong taon. Gaya nga ng sabi ko sa inyo nu'n sir, hindi ko na matandaan ang pangalan niya."
"Bakit 'di mo na matandaan?''
"Kasi... kasi nag-punta sila sa Manila ng pamilya niya. Kami, naiwan sa Pang asinan. Pero wala 'yun. Matagal na 'yun."
Ngumiti siya, "paano kapag nagkita kayo muli? Gusto mo ba siyang makita?"
"Syempre naman sir! Gusto naman. Kung bibigyan ng chance. Titignan ko kung makapal pa rin ba ang kilay niya. Tapos kung mataba pa rin ba siya... Kaso baka may asawa na 'yun ngayon. Teka sir, bakit ba lagi niyong tinatanong ang tungkol sa childhood ko? Stalker talaga kayo sir e?"
Iginalaw ni sir Aguinaldo ang kilay niya. Teka... Bakit parang si Japong siya?
"Sir... Don't tell me..." Napatayo ako at nauntog muli. Hindi ko na inalintana iyon at hinarap si sir Aguinaldo. "Japong.... Japong? Ikaw si Japong!"
"Akala ko makikilala mo ako sa isang tingin lang. Grabe, hindi mo ako nakilala..." ngumuso ito.
"Paano ka naman makikilala agad? Noong bata ka, mataba ka! Pero ngayon... Hay... ang nanatili lang ay ang kilay mo! 'Yung boses mo pa, sobrang lalim. Hindi ko akalain na naging sundalo ka nga!"
Umiling siya. "Akala ko nahalata mo na nu'ng sinabi kong si Aurghm ang nag-recommend ng movie na pinanood natin."
"Isa pa 'yun! At saka oo, ikaw nga talaga si Japong kasi 'di ka makaintindi ng Ilocano." Humalakhak ako ng malakas.
"I know. That's why I've been pissed off all this time." Wika niya. "Josefa Love... Magkasama na rayo sa AFP, SAF to be exact. Bakit ka bumalik dito sa Baguio? You should spend more time with your family.
"I'm here to get my things. Luluwas din ako mamaya." Pinasadahan ko ng tingin ang cabinet namin. "So heto na nga ang nag-convince sa akin na pumunta rito. Sir Aguinaldo, ikaw ba 'yung nandoon kagabi? I mean, nag-punta ka ba sa Pangasinan kagabi?"
Ngumiti ito ng malawak, "yes. I was with Castell last night."
"So... pumunta ka sa reception ng kasal ni Jhapagna?" I tilted my head a bit to the right. It was to get the perfect angle of his face. "Ikaw 'yun sir e!"
Kinunot ko ang noo ko. 1) Bakit siya pumunta doon sa reception? 2) Bakit niya inamin iyon? 3) Bakit ang gwapo niya?
BINABASA MO ANG
Fafa Buntis: Ang Sundalo
AcciónSimple lang sana ang kwento ni Josefa, o sa kaniyang palayaw, Fafa. Pagkagraduate niya sa PMA ay nagtrabaho na siya agad bilang 2nd Lieutenant, hanggang sa dumating sa buhay niya si 1st Lieutenant Keanu Apollo Aguinaldo.