Kabanata 10

70 1 0
                                    

Ikasampung Kabanata

Sir Clyde Giovanni Garcia Kardinal was so busy. Hindi ko na nga siya nakikita nito sa PMA. Baka nakabalik na siya sa staff office niya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang mga ideya ko patungkol sa Serpente at Armed. Hay, miss ko na siya. Sobrang miss.

As usual, kami nanaman ang nagte-train sa barracks. Sa tamang pagplaplantsa, sa tamang ayos, sa tamang postura, sa tamang paglakad, itinuturo namin iyon lahat.

"Josefa, I will be in-charged of training the firsties today, you can go. Ipinapatawag ka ni General Kardinal." Sobrang lawak ng ngiti ni Sir Aguinaldo dahil kinausap din siya ni General kanina.

"Bakit daw, Sir?"

"Attention! Lahat ng firsties ay pupunta sa shooting area. Maghahanda tayo dahil magkakaroon ng friendly game. Team Josefa vs. Team Apollo. De Vera hatiin mo sa dalawa ang grupo." Humarap siya saakin. "For now, go to General at pabalik mo ay mag kakaroon tayo ng combat."

I giggled "Call."

Sigurado namang mananalo si Sir doon. Lalake siya, babae ako. Tapos lieutenant siya, 2nd lieutenant lang ako. Bakit kaya natututo pa rin siya sa PMA e 1st lieutenant naman siya?

Matulin akong tumungo sa headquarters ni General Kardinal. Bumisita siya upang may kausaping ilang sundalo. At sa tingin ko, ako at si Sir Aguinaldo iyon.

"Second Lieutenant Josefa Buntis, Sir!" Sumaludo ako kay Heneral Kardinal. Bakit napaka gwapo ng tatay ng crush ko? Hindi siya mukhang matanda bagkus parang magkasing edad sila ng anak niya.

"Sit, lieutenant." Agad kong sinunod ang utos niya. "Josefa hindi ka na pwede rito sa PMA. Lalo na't pumanaw na ang leader ng SAF. I'm making you their assistant leader."

Tumayo ako agad. "Sir? Pero second lieutenant pa lang ako. Masyado pa akong hindi bihasa upang mamuno ng isang grupo."

"That's why I'll promote you into a Captain. At magkapartner kayo ni Aguinaldo sa task na ito." Umiling-iling siya. "Hindi ko nga alam kung bakit pilit na tinatanggihan ni Aguinaldo na maging kapitan samantalang ang galing galing niya. Sinasayang niya ang kakayahan niya rito." Dagdag pa niya.

"Bakit po ba hindi siya umaalis dito? Ibig sabihin, magiging isang kapitan siya pero ayaw niya?" Punong-puno ng kuryosidad ang tono ko.

"Yes. That's why I'm bringing a girl with her para tanggapin niya ang position na iyon." Uminom si General mula sa baso ng kape niya. Kape, sa oras na ito? "But don't think that I'm promoting you because you've been a great cadet and a skilled lieutenant. So, will you accept my offer, Lieutenant Buntis?"

"Sir pero sa Special Action Force kami? At kami pa ang magli-lead ng grupong iyon?"

"Yes." Bumugtong hininga ang heneral. " Alam mo naman na ang hirap tugisin ng lider ng mga Armed. Ilang buwan na naming pinaghahanap ngunit wala pa ring balita. Please, tanggapin mo na, lieutenant."

"Tinanggap po ba ni Sir Aguinaldo ang posisyon na iyon?" Nagtataka kong tinanong.

"Yes. Kung sasama ka." Nanlaki ang mata ko. I composed myself. Hindi pwedeng walang respeto sa harap ng heneral.

"Sige po sir."

"Call Aguinaldo after your combat. Pack your things. Pupunta kayong Camp Bagong Diwa. Mamimeet niyo na ang troop niyo."

Tumayo ako upang sumaludo "Sir, yes sir!"

"Off you go." Malumanay na tugon ng aming Heneral. Pumanhik agad ako sa combat area kung saan nadatnan kong nakapamewang si sir Aguinaldo.

Inaayos na ang mga sundalo ang imitated gun na gagamitin nila. Ang Imitated gun na iyon ay parang laruan lamang kung tignan ngunit kapag natamaan ka nito ay mararamdaman mo ang tunay na sakit ng isang bala.

"Lieutenant Buntis, ma'am!" Tumuwid ng tayo ang mga kadete. Nakita ako ni Sir Aguinaldo na unti-unting lumapit sa akin. Bakit ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya? Ang kapal talaga ng kilay niya. Napakatangos pa ng ilong at mapula ang labi. Kahit na tan ang kulay ng kanyang balat ay mas pinagwapo pa siya nito dahil ang ganda ng pangangatawan niya. Halatang sundalo nga.

"Shall we . . ." Pumalapit pa siya sa akin. "Start the combat?"

Tumango ako, "Sir, yes, sir!"

"Good." ngumisi siya. "We'll divide the groups into two. My team and Josefa Love's team." Diniinan niya pa talaga ang Josefa love.

"Ladies first."

"Cadet First Class Natasha Kuan." Tinuro ko siya. Siya ang pinakamaliit na kadete sa mga firsties.

"Daniel Baltazar."

I smirked. "Kathleen Sion."

"Eduardo Estrada."

Girls vs. Boys ba ito? "Gwen Famis."

"Iverson Landagora." He proved me na boys vs. girls nga ito.

"Elisa Navarro." Itinaas ko ang kanang kamay ko. "Devy Dulay."

"Norberto Ordiz III, Anfernee Buado."

At sinimulan na ng referee ang start. Agad akong lumayo mula doon sa combat area. Kailangan kong bumuo ng plano.

Kinasa ko ang baril ko at nilagyan iyon ng maraming bala. Nang may nakita akong sundalo ay binaril ko iyon agad. Napahiga siya sa sakit. "One point."

Narinig ko ang pagkaluskos sa bandang kanan ko. Agad akong nagtago doon sa may damuhan. Inasinta ko ang tira ko hanggang sa nakita ko na dalawa sila. "Killing two birds in one stone."

At tama nga ang pag-asinta ko. Agad silang natamaan ng bala. "Tatlo."

"You're good in shooting, Josefa Love." Agad akong napatalikod at nakita kong napatalikod at nakita ko si Sir Aguinaldo na may tutok na baril sa akin. "Shoot me."

Bakit niya hinahayaang barilin ko siya? "Sir?"

Huminto siya ng mga limang segundo at saka bumaril. Dahil mabilis ang reflexes ko ay agad akong napatalon―naiwasan ko ang bala. "You want a real combat, Sir Aguinaldo, huh?"

"Can you give me a real fight?"

Ipinutok ko ang baril ko sa kanyang binti. Agad niya itong naiwasan at bumaril sa akin. Nang mahuli niya ako ay agad niyang itinutok sa ulo ko ang baril. "Okay sir . . . I surrender.

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon