Kabanata 03

98 1 0
                                    

Ikatlong Kabanata

Natanong niyo na ba sa sarili niyo kung anong kahulugan ng inyong mga pangalan? Nakakainggit kaya 'yung mga may pangalan ng Athena, Aphrodite, Artemis, Hera at kung anu-ano pang mga Greek goddesses. 'Yung iba pa nga, ipinapangalan mula sa mga ninuno nila; o di ka'y sa mga sikat na artista at mga karakter sa libro.

Hustisya...

Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na makapangasawa ako ng isang lalaking napakaganda ng apelyido at 'yung magarang pakinggan. Iyong kapalit-palit talaga ng apelyido ko.

Buntis. I am not pregnant prens!

Madalas akong nabu-bully noong bata ako. Kesyo kay bata-bata ko pa raw pero buntis na agad. Idagdag mo pa ang pangalan kong Josefa; na mas lalo pang pinabaho dahil sa palayaw kong Fafa. Tinanong ko sila mama at papa kung bakit iyon ang pinangalan nila sa akin. Alam niyo ba ang sagot nila? "Josefa kasi ang pangalan ng nagpa-anak sa akin nu'n."

Ilang beses ko na kinuwestyon kung bakit ako lang ang may makalumang pangalan sa pamilya. Monroe ang pangalan ni mama, Melquisidec kay papa, tapos ang gu-gwapo ng pangalan ng mga kuya ko. Tapos sa akin, shem na pempem, Josefa 'day! Josefa Love Ore Buntis! Pangit na nga ako, pangit pa pangalan ko! Peste!

Napaisip lang ako. Kanina pa kasi binabanggit 'yung mga pangalan ng mga mapo-promote. Ang gaganda ng mga pangalan nila. Samantalang sa akin, "Second Lieutenant Josefa Buntis."

"Sir, yes, sir!" Kanina pa ako nakasaludo at naka straight body. Buti na lamang ay sanay na ako sa ganito. Sa PMA, hanggang sa pagtulog, kailangan laging straight body!

"I am appointing you as the instructor of the Cadet second class Mabagsik. You will be instructing them along with First Lieutenant Keanu Aguinaldo." May ipinasang papel sa akin si General Kardinal. Ipinasa sa akin ang bago kong uniporme. Sa wakas! Sundalo na talaga ako!

Nang makaupo ako ay agad kong hinanap si kuya Gideon at ate Artemis. Nandoon pala sila sa gilid at kinukuhanan ako ng matinong litrato. Peste, kuya Gideon... pinapahiya mo ang lahi natin.

Bumalik din agad sila sa upuan namin. "Picture kayo ni Gideon, Fafa."

Inakbayan ako ni kuya Gideon. Laking pasasalamat ko na nandito si ate Artemis upang makuhanan ako ng 'matinong' picture. "Salamat ate."

"Nako proud talaga ako sa'yo Fafa. Keep up the good work, lieutenant." Sumaludo si ate sa akin. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang tawagin niya akong lieutenant.

Nakuha ni General Kardinal ang atensyon ko nang banggitin niya ang pangalan ng instructor partner ko. "I am appointing you as the main instructor of the mabagsik, First Lieutenant Keanu Apollo Navarro Aguinaldo."

"Sir, yes, sir." Sobrang lalim ng boses nito. Ang una kong napansin kay sir Aguinaldo ay 'yung matangos niyang ilong. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Ilang taon na kaya 'to?

May nakapukaw sa aking atensyon na isa ring first lieutenant. Pero sa Special armed forces siya inilagay. Vaughn Lacsamana ang pangalan. Gwapo niya.

Nang ma-awardan na si Jhapagna ay bumalik kami nila kuya Gideon at ate Artemis sa dorm namin ni Jhapagna. Wala lang, last na pagbisita lang. Ililipat na rin kasi ako ng quarters. "Kuya Gideon.."

"Huwag kang matatakot, Fafa. Limang taon nga rito, kinaya mo. Buti nga hindi ka isasabak sa gyera. Magpasalamat ka. Masyadong mapanganib ang Armed ngayon. Sila halos ang laman ng balita." Hinawakan niya ang balikat ko. "Hangga't maaari, gawin mo ang lahat upang hindi ka mapasama sa Special Action Force. Naiintindihan mo ba, Fafa?"

Tumango na lang ako kahit na alam kong darating din ang araw na mapapasama ako sa SAF. "Kuya mamimiss ko kayo.."

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nagulat kami nang may sumigaw ng napakalakas. "KUYA GIDEOOOOON!!!!"

Sa matinis at nakakainis na pakinggan na boses, siguradong si Jhapagna iyon. "Oh, Jhapagna."

"I love you kuya Gideon!" Niyakap agad ni Jhapagna ang kuya ko. Akala ko ba si kuya Cole ang crush nito? Kung makaasta siya parang wala si ate Artemis sa harap namin. "Ay sorry po ate.."

"Ayos lang. Aalis na rin kami. Take your time." Pagbibiro ni ate Artemis. Isang katangian na gusto ko kay ate ay napaka-considerate niyang tao. Mapagbigay pa kahit na sobrang yaman niya.

"Aalis na kami, Jhapagna at Fafa. Mag-date pa kami ng ate niyo." Niyakap muli ako ni kuya. Sobrang higpit na nu'n. Alam kong matagal nanaman kaming hindi magkikita.

Nang hindi na namin makita sila ate Artemis ay nagyakapan kami ni Jhapagna. "Naiiyak ako, Fafa.. Ito na talaga, magkakahiwalay na tayo.."

"Panandalian lang ito. Mag-ingat ka sa Mindanao.. 'Yung Armed daw.. Masyado silang mapanganib. Ingatan mo ang sarili mo Jhapagna." Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko.

"Ikaw din.. At saka balitaan mo ako! Ang gwapo ng partner mo!" Pagbibiro pa niya. Umiiyak na rin siya. "Sa susunod na buwan na ang kasal namin. Sa Pangasinan gaganapin kaya huwag kang mag-alala. Magkikita pa tayo, Fafa."

May isang hingal na hingal na sundalo ang lumapit sa amin. "Corporal Derrick Xenon, ma'am!" He is panting. "Pina-pa-ta-wag na po ka-yo ni Captain Yoo."

Niyakap na ako ng mahigpit ni Jhapagna. "Second Lieutenant Jhapagna Reigh Lopez bids her comrade Josefa Buntis a warm goodbye." At saka sumaludo.

Ganu'n din ang ginawa ko. "Second Lieutenant Josefa Love Buntis bids her comrade a safe goodbye."

Tumalikod na siya at dire-diretsong nag-martsa kasama nu'ng corporal. Nang mawala na siya sa paningin ko ay tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko. Hindi pa kami nagkakahiwalay ni Jhapagna ng matagal. Ito ang unang beses.

Tumakbo ako papunta sa hideout namin. Tinatawag naming ito na panririnnaan. Jhapagna is my other half. Parang ako nga ang leader sa aming dalawa pero siya ang mas malakas sa amin when it comes to emotional side. Siya rin ang taga-gawa ko ng gawaing bahay at taga-laba ko. Paano na ako ngayon? Masyado akong dumepende sa kanya..

Ang hideout naming ay isang napakalaking puno ng Acacia. Malilim dito at malaming at wala pang masyadong mga sundalo ang nakadiskubre sa lugar na ito. Nang humampas ang napakalamig na simoy ng hangin ay naramdaman ko muli ang kawalan ng presensya ni Jhapagna.

"Kailan ka ba kasi babalik, Jhapagna?" Sigaw ko sa kawalan. "Wala ka na.. Nasa Mindanao... Paano na ako mamumuhay? Alam mo namang napakaburara ko, Jhapagna. Bakit ngayon mo pa napagdesisyunang mag-pakasal? Talagang hinintay mo pang maka-graduate tayo bago mo ako iwanan.."

"Bakit ba kasi ako umiiyak?" Muling tanong ko sa lumulubog na araw. "Ang drama ko talaga. Jhapagna kasi e."

"Ang ingay.."

Shem na pempem! May tao rito?

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon