Kabanata 11

59 3 0
                                    

Ika-labing isang Kabanata

Kasal na raw ang isa sa mga pinakaimportanteng okasyon sa buhay ng isang tao. Ihaharap ka na ng pinakaimportanteng lalaki na makakasama mo panghabang buhay.

Laking tuwa ko nang makita si Jhapagna na suot ang wedding dress na sobrang elegante. Dinugtungan ng hair extensions ang buhok niya at kinulot pa ito na nakapagpalabas ng tunay niyang kagandahan. Naiiyak ako ngunit pinigilan ko ito.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na, Jhapagna." Hinawakan ko ang kamay niya. "Tignan mo nga, babaeng-babae ka diyan sa damit pangkasal na iyan."

She chuckled. "Hindi nga ako makapaniwala na magiging kapitan ka after eight months sa serbisyo. Captain Josefa Love Ore Buntis."

"Atleast ako, hindi pa ikakasal." Pilya kong sinabi. Nagphotoshoot pa si Jhapagna ng napakarami. Akala ko ay hindi na matatapos ang photoshoot na iyon. Buti nalang ay sumilip sa kwarto namin si Lieutenant Colonel Clyde Kardinal. "Hello, sir!"

His eyes formed a crescent moon. Sobrang namiss ko ang ngiti niya. "Hello, fafa Buntis!"

"Hanap niyo ba si Jhapagna, sir? Magpapicture din kayo?" Pasimple kong inunat ang gown ko. Laking pasasalamat ko na si Jhapagna ang namili ng isususot ko dahil kung ako ang pumili nito ay magmumukhang tomboy ako.

"Hindi..." ngumiti siya at inilapit ang mukha sa akin. "Ikaw ang hinahanap ko. Jhapagna, pahiram muna si Fafa, ah?"

Namimilosopong ngumiti si Jhapagna. "Kahit huwag niyo na ibalik sir."

Syempre, dahil ako si Fafa Buntis, nagpabebe ako kahit gusto ko na talagang makasama si sir Clyde.

"Congratulations."He offered his hand. "Captain Josefa Buntis."

At tsansing ito! Shem na pempem! "Naku sir, mapo-promote palang."

"Ganun na rin iyon. Kelan ba blowout?"

"Wow sir ha, sa SAF nga ako na-assign tapos magpapablowout pa ako? Parang sinabi ko lang na.." Huminga ako ng malalim, "Guys, mamamatay na ako! Tara magcelebrate!"

Hinawakan niya ang balikat ko. "Who says you will die? Magaling ka. Maparaan. You'll survive Josefa. Matutugis niyo ang Armed. Tutulungan ka namin, huwag kang mag-alala."

"Si sir Clyde talaga! Ang galing mambola." Pinalo ko siya (syempre malandi ako.) .

Matapos ang maikling kwentuhan namin ni sir Clyde (na kung saan nag advice pa siya ng nga survival tips) ay bumalik ako sa kwarto ni Jhapagna upang magpapicture. Dumiretso na rin ako (kasama ng ilang mga brides maid at si Lieutenant Colonel Kardinal na best man) sa simbahan. Ang tema ng kasal nila ay navy green. Halatang sundalo ang mga ikakasal. Kulang nalang ay gamitin nila ang mga baril bilang bulaklak nila.

Maraming litrato ang nakuha sa amin. Kaya ayaw kong magsalita o tumawa ng malakas dahil baka makuhanan ako ng bad shot.

Nang lapitan ako ni Lieutenant Colonel ay tinawag na niya ako upang luminya na sa likod. "Tara na, andiyan na si Jhapagna."

Tapos, tumugtog na 'yung dandandanan. Ano kaya ang feeling na maglakad sa altar na naghihintay 'yung mahal mo sa harap at nakangiti pa? Siguro, sobrang saya ni Jhapagna ngayon. Paano kapag kami na ni sir Clyde?

"Fafa.. your hand please?" Patuloy pa rin sa pagpapakilig si sir Clyde sa akin. Trabaho niya na ata ito, forever.

Isinabit ko ang kamay ko sa braso niya. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

At kami naman ang naglakad sa aisle. Walking with someone who makes me smile, makes my heart flutter with happiness. Kapag may nakita akong picture namin ay gagawin ko talagang wallpaper, promise!<

"You may now kiss the bride." Tumayo ako agad pagkasabi ng pari na pwede nang halikan ni Captain Vane Yoo si Jhapagna.

"GO VANE!!!" Tawa nang tawa si sir Vane pagkasabi ko nun. Jhapagna balled her hands into a fist.

Agad na hinarap ni Vane si Jhapagna sa kanya. Hinalikan niya ito at gulat na gulat si Jhapagna sa ginawa niya.

Tumungo agad kami sa reception. Doon mas naharas si Mr. and Mrs. --- or i should say Captain and Lieutenant Ralph Vane Yoo. "Ngayon, dumako naman tayo sa tradisyon na ginagawa sa kasal. Mga brides' maid, especially the maid of honor, halina sa stage."

Mas mabilis pa sa alas singko akong tumayo at pumwesto sa harap. Willing ako kasi isa sa mga lalaki na makakapartner ko ay si sir Clyde.

At ako nga ang nakasalo ng boquet na napakabaho ng amoy. "YES!!"

Kinikilig naman ako nang makita na si sir Clyde ang nanalo sa mga lalaki. Hinampas ako ni Jhapagna na tawa nang tawa. "Nagmaat, Fafa!"

"Once in a blue moon lang, pagbigyan mo na." Sir Clyde Giovanni Garcia Kardinal held my hand like there's no tomorrow. Oo, alam kong wala akong karapatan na mag assume pero kahit isang sandali lang, naramdaman ko na may pag-asa ako sa kanya.

"Unang game! Gagayahin niyo kung ano man ang gagawin ng mag-asawang ito."

Unang ginawa nila Jhapagna ay magyakapan. Sobrang kinikilig ako nang higitin ako ni sir. "Sabi ko sa iyo, hindi iyon ang last time na mayayakap mo ako."

Tawa ako nang tawa. Napatigil ako sa pagtawa nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. "Sir Aguinaldo?"

"Ano 'yun Fafa?" Bulong ng katabi kong si Lieutenant Colonel Clyde. Nako, nakakakonsensya 'to! Kasama ko si sir Clyde ngunit pangalan pa ni sir Aguinaldo ang nasabi ko.

"Wala po sir. Tapos na po 'di ba?" Ihiniwalay ko ang pagkaka-yakap ko kay sir at ngumiti sa kanya.

Umupo na kami pagkatapos nu'n. Bakit parang may ewan na nangyayari sa sistema ko? Dapat, kinikilig ako ngayon. Dapat talaga. Bakit parang may mali?

Tinawag nila ako upang mag-bigay ng message kay Jhapagna. "Hello, Jhapagna. Bakit palagi nalang ako ang nagbibigay ng speech na para sa iyo? Madaya ka talaga."

Tumawa silang lahat. Kinusilapan naman ako ng best friend ko. "Tutol po talaga akong ikasal sila ni Captain Yoo. Ayaw ko na may mapapangasawa si Jhapagna na sundalo. Alam kasi namin kung gaano kahirap ang mag-sundalo. Parang lagi kang nasa pustahan. Hindi mo alam kung mananalo ka ba o hindi.

"Pero nang tinanong ko siya kung masaya ba siya, oo ang sinagot niya. Punong-puno ng sinseridad ang mata ni Jhapagna nu'ng oras na iyon. Kaya naisip ko, 'ah... Siguro nga natamaan na talaga ang babaeng ito.' Kaya wala akong nagawa kung hindi ay pumayag na lamang sa kasalang ito.

"Captain Yoo, huwag mong sasaktan ang best friend ko ha? Magsama kayo sa hirap at ginhawa. Kapag may problema... Lapitan niyo lang ako. Nawa ang Panginoon ang maging sentro ng inyong pagsasama. Ayan, Jhapagna, nawala ka na talaga sa akin. Naitali ka na. Sana naman walang kalimutan ha?"

Tumayo si Jhapagna at niyakap ako. "Mahal na mahal kita, Fafa. Tandaan mo iyan. Kahit na SAF officer ka na, ingatan mo ang sarili mo. Huwag mo akong alalahanin. Mahal kita Fafa. Mas mahal pa ata kita kaysa sarili ko. Pero huwag kang matakot Fafa. Gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo. Huwag mong itali ang sarili ang sarili mo sa kalungkutan. Mahal kita, Fafa."

"I love you too, Jhapagna. Be Happy."

Ngumiti siya sa akin. "I am happy."

Fafa Buntis: Ang SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon