Ika-labing apat na Kabanata
Akala ko talaga loyal ako kay sir Clyde. Ngunit bakit naguguluhan na ako sa loyalty ko? Sa tuwing lalapit sa akin si sir Aguinaldo ay mas pinagugulo niya lang ang nararamdaman ko. Nagugustuhan ko na ba talaga siya? Hindi ito maaari. Sabi ko sa sarili ko, si sir Clyde na ang mapapangasawa ko. Kaso anong ginagawa ko sa sarili ko?
Matapos ang nakakahiyang combat namin noon, nakapagdecide na si sir Aguinaldo na maipromote na at maging leader ng SAF. Sabi ni kuya Gideon, huwag daw akong papaya na mapunta ako sa Special Action Force. Kaso parte ito ng trabaho at tatanggapin koi to kahit na labag sa aking kalooban.
Unang araw namin ni sir Aguinaldo kasama ang ibang mga tenyente at mga myembro ng SAF sa Manila. Mga corporal at private ang mga kasama namin. Napakalaki ng Manila na gaya ng aking inaasahan. Kaso, ang pinagkaiba nito sa Baguio ay masyadong traffic at masyadong ma-usok ang siyudad na ito.
"Josefa Love..." Napaharap ako kay sir Aguinaldo na suot ang damit ng Special Action Force. Nakakadagdag lang sa kaba ko kapag nakikita ko ang uniporme namin. "Mukha mo.."
"Maganda?" pang-aasar ko sa kanya.
Ngunit napahiya ata ako sa pagsabi ko nu'n. "Lalagyan natin ng uling iyang mukha mo."
"Ay..." Napahalakhak ako. "Shem na pempem, medyo assuming"
Mabilis lang ang pagkakalagay ng uling sa akin. "Sa grupong ito, mayroon tayong labing-pitong sundalo. Kami ni Captain Buntis ang magli-lead ng squad na ito. Sa Cagayan de Oro at ang target ay Armed. May mga tauhan na silang nakabantay doon."
Inilapag ni Captain Aguinaldo ang isang baril at isang logo. "Kapag nakita niyo 'yang ganitong klaseng armas, Armed na iyon. Maging alerto kayo. May mga ibang squad na nagbabantay sa mga dulo ng siyudad. Kailangan nating mahuli sila within 24 hours. Ayaw ko nang patagalin ang gyerang ito. Kailangan mag-ingat kayo. Hindi natin kabisado ang Cagayan de Oro."
Ako naman ang nag-lapag ng mapa. "Maghihiwalay ang squad. Grupo ko at grupo ni sir Aguinaldo. Sa amin ang norte. Pito ang hawak ko at walo kay sir. Tandaan niyo, ang goal natin ay 24 hours."
Hinawakan ni sir Aguinaldo ang braso ko. Mahigpit iyon at parang natigil ang pag-daloy ng dugo ko. Sobrang kinakabahan na talaga ako. "Hindi tayo pwedeng maghiwalay, Josefa."
"Sir, mas madali po natin silang matutugis kung nag-hati ang grupo natin."
"Pero baka kung anong mangyari sa inyo."
"Sir..." Tinanggal ko ang pagkakahawak ni sir sa braso ko. Hindi ko alam kung naramdaman niya ba ang napakalamig kong kamay. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sundalo kami. Sundalo tayo. We will fight for our country either we live or die."Hindi ako tinignan ni sir sa mata. "If that's your decision, I'll respect it. We will follow Captain Buntis' plan." Binuksan ni sir ang napakalaking box. "Heto ang mga armas niyo. M4 Carbine ito. Alam niyo naman na iyan gamitin. Ito pa. Sa'yo ko ibibigay ito, Loyzaga. M203 Grenade Launcher. Ito naman itago niyo for safety purposes, hand grenade. Throw this grenade 10 meters away from you."
Ibinigay na 'yung mga baril at bala at pati mga Granada sa amin. Isinilid ni sir Aguinaldo ang isang pistol sa bulsa ko. Binigyan niya pa ako ng isang balisong na itinago ko sa bra ko. Ang mga bag ng mga sundalo ay ibinigay na.
"Mag-pray muna tayo, squad." Nag-hawak kamay kami. "Panginoong Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat, maraming salamat po ama sa walang sawang pagbibigay Niyo ng napakaraming biyaya sa amin. Maraming salamat po Ama sa buhay na ibinigay Niyo sa amin. Salamat po ama dahil safe po kaming nakarating dito sa Mindanao. Maraming salamat po sa proteksyon Ama. Patawarin Niyo po kami sa aming pagkakasala at patawarin Niyo po kami sa mga gagawin naming pag-patay Ama. Inihahabilin na po namin ang lahat sa Inyo. Ang aming buhay, ang aming pamilya, ang aming mga kaibigan at ang mga mahal namin sa buhay. Nawa Ama ay mapagtagumpayan po namin ang misyon namin dito sa Mindanao."
May tumulong luha mula sa aking mata. "Tulungan Niyo po kami na masugpo ang mga teroristang iyon. Nawa ay magkaroon na ng kapayapaan dito. Gabayan niyo po kami at bigyan ng lakas sa aming pakikipaglaban. Iligtas niyo po kami." Tumigil ako upang punasan ang aking luha. "Ito po ang aming panalangin sa pangalan ng inyong bugtong na anak na si Hesus, Amen."
At nag-korus lahat sila, "Amen."

BINABASA MO ANG
Fafa Buntis: Ang Sundalo
ActionSimple lang sana ang kwento ni Josefa, o sa kaniyang palayaw, Fafa. Pagkagraduate niya sa PMA ay nagtrabaho na siya agad bilang 2nd Lieutenant, hanggang sa dumating sa buhay niya si 1st Lieutenant Keanu Apollo Aguinaldo.