CHAPTER 4

2 1 0
                                    

Summer's POV,...

Tahimik akong sumakay sa jeep na pagaari nitong lalake. At least, mukhang mas komportable pa ditong sumakay kesa sa bwisit na bus na yun. Walang pasahero, kami lang ni Aelus at yung lalakeng nagmamaneho pati narin yung babaeng katabi nya.

Sa hulihan ako nakatingin at hindi sila tinitingnan. Naririnig ko lang ang pinaguusapan nila ni Aelus.

"Aelus Madrigal, my name. And she's my sister Sum--I mean Ynnah, Ynnah Madrigal!" muntik na akong masamid ng marinig ang second name ko together with Aelus surname Madrigal.

Hindi ko naman sinabi na sabihin nya ang pangalan ko sa ganoong paraan.

"I am Gavrielle, Gavrielle Helton and she is Francine Mendoza," narinig kong pagpapakilala nung lalake. Pansin ko na kinamayan nila ang isa't isa kahit pa nagmamaneho Yung Gavrielle Helt----

Helton?

Awtomatikong nagkuyom ang dalawa kong kamao at dahan-dahang lumingon sa unahan. Nagtama ang paningin namin sa rear view mirror ng sasakyan, ngumiti rin sya pero mas nangibabaw ang galit ko sa kanya.

Kamuntikan na kong tumayo at sigawan ang lalakeng yun kung hindi lang mabilis na nahawakan ni Aelus ang kamay ko ng mahigpit. Napapikit ako at sunod-sunod na napamura sa isip ko.

"Akala ko pa naman girlfriend mo sya. Hahaha,.."

"Huh! Hindi, she was my sister,.."

I keep myself calm. I didn't bother to talk to him kahit pa ang nice ng pakikipagusap niya kay Aelus.

"So, taga St. Agustin din kayo? Bakit parang ngayon ko lang kayo nakita?" paguusisa nya. As if we're close.

"No! Our grandmother. Dito muna namin naisip magbakasyon pansamantala, kailangan din ng kapatid ko ng sariwang hangin,"

"Why? May asthma ba sya?"

"No! Para lang makapag isip isip sya ng maayos. Yung malayo sa masalimuot na problema!" gusto kong palakpakan si Aelus sa husay nyang gumawa ng kwento. Ang galing. Tss,

"Ah, tama. Maganda nga dito. Mabuti yun,.. " hindi ko na pinakinggan ang Iba pa nilang usapan. Narinig kona lang na pinahinto nani Aelus ang sasakyan hudyat na nakarating na kami.

"Dito kayo titira?,"

"Yeah!"

"Nice! Malapit lang dito yung samin. Halos magkapit bahay lang pala tayo eh," humarap ako sa kanila at kamalas-malasang nagtama na naman  ang paningin namin ng lalakeng ito.

Nakasalamin ako at umaasang hindi nya sana nakita ang ginawa kong pagirap sa kanya.

Tatalikod na sana kami ng bigla syang bumusina.

" Birthday celebration nga pala ng Ate ko ngayong gabi. Gusto ko sanang I-invite kayo. Sana makapunta kayo mamaya, dyan lang yun. Ipag tanong nyo lang , maraming nakaka kilala samin." he smiled again before he bid his good bye.

Gusto ko sana syang murahin ng malutong, pasalamat sya at masyado ko pang pinag iisipan ang gagawin kong desisyon.

" What a coincidence, Mona. Pinaglalapit talaga kayo ng kaaway mo,. Anong plano?" pabagsak nya ring pinaupo ang sarili sa maliit na sofa na kaharap ko. Same as me, Alam kong pagod din sya.

"Kailangan kong mapalapit sa kanila, Aelus. Ginusto nila ng laro, makikipaglaro ako. I have to look some traps na mahuhulog Sila. At sa pagkahulog na yun, sisiguraduhin kong hindi na sila makakaangat pa,.."

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon