Summer's POV,..."Ano sa tingin mo, maganda ba?" narinig kong napahagikhik si Gavrielle sa tabi ko kaya napairap ako sa kanya. Kanina ko pang idene-deny sa kanya na natutuwa ako sa lugar nato. Ayokong tanggapin, ayoko ding tanggapin kahit alam ko ang totoo.
"Tatango ka Lang naman o iiling eh, mahirap ba yun?"
"Why do you care? Manahimik ka nga!," hindi kona napigilang magtaas ng boses. Kanina pa syang paulit-ulit. Naririndi nako. Sa halip na mainis sya sakin narinig ko syang humalakhak kaya inis ko syang nilingon.
"Anong tinatawa-tawa mo?"
"W-Wala, pffttt hahahaha!" halos hindi kona makita ang mga mata nya dahil sa sobrang kakatawa. Napabuntong hininga na lang ako bago pumikit at sumandal sa punong mangga na nasa likuran namin.
"Kuya, mas mataas yung sakin. Tingnan mo oh hahaha,..."
"Wow, oonga noh. Bakit ganun ang galing mo Tinay,"
"Ate Patt ang ganda ng sayo. Ang daming mga kulay,..."
"Syempre si itay ko ang gumawa nyan eh,"
Mabilis akong nagmulat ng mata at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Halatang mga luma na ang kanilang mga damit. Halatang pudpud na ang kanilang mga tsinelas. Halatang hindi nila natatamasa ang karangyaan ng buhay.
Pero bakit ganun, bakit nagagawa nilang maging masaya sa buhay nila? Bakit nakukuha nilang ngumiti at tumawa? Bakit ang dali-dali lang nilang gawin ang mga bagay nayan pero bakit ako?
Nag-angat ako ng tingin at napasinghap. Kanina ko pa pinipigilang umiyak lalo na at nasa tabi ko lang ang taong kinamumuhian ko. Akala ko makakaligtas na ako pero hindi, hindi nakaligtas sa akin ang pagpa-flashback ng mga memories ko after mamatay ng mommy ko.
(FLASHBACK)
"Nye nye nye! Napaka-bad mo kasi kaya ka iniwan ng mommy mo,"
"Hindi totoo yan!" sigaw ko sa mga batang nakapalibot sakin habang pinipilit kong tumayo dahil sa lakas ng pagkakatulak nila.
"My mommy told me na your mom committed suicide, and I think dahil yun sa bad ka!"
"Bad! Bad! Bad! Bad!" naiiyak akong tumayo at hinarap sila. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko at panay din ang hikbi ko.
"M-My Mommy loves me that much. S-She's just sleeping for now b-but she will wake up soon,. Hindi nya ako iiwan." Alam kong mali silang lahat. Alam kong natutulog lang ang mommy ko dahil sinabi yun ni Lolo sakin. Hindi nya ako magagawang iwan.
"Then where is your father? Did he is sleeping too?"
"bwahahahahaha!" malakas nilang tawanan.
Doon na ako tuluyang umiyak. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. I locked myself into my dark room. I won't anyone else to go in. Even my Lolo. I cried and cried for so many hours. I didn't care about hunger. I didn't care about my thirst.
That was the first time when I felt that I'm all alone. That I am not that important. That I am not their first responsibility and would never be.
(END OF FLASHBACK)
"Ynnah! Ynnah what's wrong?" nabalik ako sa ulirat ng maramdaman ang pagkakaalog sa may balikat ko.
I found myself crying.
"Tell me what happened. Why did you cry?" napailing-iling ako habang humihikbi. Never. Never akong umiyak sa harap ng sinuman. Lolo didn't see me crying after that day na natanggap kong wala nasi mommy. Aelus didn't see me crying even for once.
BINABASA MO ANG
Fade My Scars
RomanceA woman full of hatred. A heart full of sacred. I hate those poor. I hate those bastards. Would the love can heal her pain? Would the love can heal her wounds? Can he fade My scars?