CHAPTER 11

1 1 0
                                    


Summer's POV,...

Napatingin kami sa may likuran at doon nakita si Diana Helton na papalapit samin habang nagpupunas ng kamay.

"Mauuna na ho kami, Mrs. Helton. Ihahatid ko pa ang kapatid ko sa bahay," sagot sa kanya ni Aelus.

"Mamaya na kayo umalis, sabayan nyo muna kaming maghapunan. Nagluto na kami ng makakain at para talaga sa inyo ang aming mga inihain," tumingin sya sakin na may nakikiusap na tingin.

"Maraming salamat na lang po pero----" pinutol ni Diana ang sasabihin nya.

"Halina kayo, dumito na kayo kumain Tara! Marami kaming niluto. Wag na kayong mahiya," napairap ako kay Aelus ng marinig ang sinabi ni Diana Helton. Mahiya? Anong nakakahiya sa kanila, Sila nga dapat ang mahiya sakin.

Wala na kaming nagawa ng iginiya nya na kami papunta sa harap ng hapag kainan.

" Gyle, Gavrielle,. Pumunta na kayo dito. Kakain na, tawagin nyo ang Papa niyo,.." pag tawag nya sa mga anak.

Wala pang ilang sandali ng dumating na si Gyle Helton kasama si Robert Helton.

"Hmm, mukhang masarap ang luto ng aking asawa, anong sikreto mahal?" yumakap si Robert sa asawa at humalik sa pisngi.

"Wag mo na akong bolahin. Nandito ang fiancé ng anak mo, mahiya ka." tumingin naman sakin si Robert at ngumiti.

"Manang-mana talaga sa akin ang anak ko. Magaling pumili sa babae. Sya nga pala iha, kumusta na ang hita mo? Masakit pa ba?" umupo ito sa pinakadulong upuan.

"Hindi na ho masyado. Hinilot na ito ni Diana---" natigil ako sa pagsasalita at napalunok ng laway "--Ni-Tita Diana,"

"Mabuti naman kung ganun. Hayaan mo at pagsasabihan ko itong si Gavrielle,. Teka nasaan na ba yung lalakeng---Gavrielle!" sumigaw ito at tinawag ang anak. "Gavrielle, pumanhik kana dito at tayo'y kakain na."

Napatingin kami sa bumaba at nandoon si Gavrielle na tahimik na naglalakad. Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at idinako sa harap ng lamesa. Sakto naman na umupo sya sa harap ko kaya nagtama ang paningin namin.

Ngumiti sya sakin at nagdulot yun ng pagkailang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko sya tiningnan at nagfocus sa ibang bagay. Hindi ko alam kung anong  meron sa mata nya at namamalayan kona lang ang sarili ko na nakatingin doon.

Matapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Si Aelus ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Napapasulyap naman ako Kay Gavrielle na pana'y din ang tingin sakin kanina pa. Pandidilatan ko sya ng mata pero natatawa lang sya sa ginagawa ko.

Seriously???

"Ma, ano nga pa lang nangyari sa meeting ninyo ng samahan?" automatiko akong napatigil sa pagsubo ng marinig ang tanong ni Gyle sa Ina.

If I am not mistaken, ang samahan na tinutukoy nya ay sya ring samahan na nagrarally upang ipatigil ang aking proyekto sa St. Agustin.

" Ayus naman. Pinagusapan lang namin ang ilang mahahalagang gawain tungkol sa kung paano matitigil ang ginagawa ng mga Venus. Hindi dapat matuloy ang pinaplano nila," narinig ko ang pagsang-ayon nina Robert at Gyle Helton sa sinabi ni Diana, maliban na lang kay Gavrielle. Tahimik lang syang kumakain katulad namin ni Aelus.

" Sino po ang mga Venus na tinutukoy nyo? "nag-angat ako ng tingin patungo Kay Aelus. He secretly winked at me before I nodded. Mukhang kinokompronta nya ang mga ito.

Mas mabuti narin para naman may malaman ako na feedbacks tungkol sakin mula sa kanila.

" You didn't know them?" takang tanong ni Robert sa amin. "Kilala sila ng halos lahat ng mga mamamayan ng bansa. Isa sila sa pinaka makapangyarihang tao dito, and guess what ito pa talagang bayan ng St. Agustin ang napili nilang lugar upang itayo ang walang kwentang casino na yan,..." napasinghap ako sa sinabi nya.

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon