CHAPTER 10

1 0 0
                                    


Summer's POV,...

He starred at me for a minute. He didn't move. He didn't talk. I didn't do anything too. I just starred at him back without saying anything. I am Summer Ynnah, pero bakit ko ito ginagawa?

This isn't right? Gavrielle Helton is one of the worst person I've ever known so why should I let myself to look at him this way?

"Naku, pasensya na kung natagalan ako. Kumuha pa kasi ako ng mga halamang-gamot dyan sa---" natigilan kaming dalawa ni Gavrielle at parehas nagiwas ng tingin sa isa'isa. "Ah hehehe, pasensya sa abala. Ako'y papasok na. Gyle iha, tulungan mo ako"

Tumayo si Gavrielle sa tabi ko. Lumapit naman si Diana Helton at ang anak nya nasi Gyle Helton sa akin.

"Lalabas muna ako," pagpapaalam ni Gavrielle bago sya lumabas. Naiwan kaming tatlo dito na hindi nagiimikan.

"Iha, saan bang parte ang napasama?" umupo si Diana Helton sa tabi ko. Inalis nya ang kumot na tumatakip sa aking katawan. Kahit naiilang, itinuro ko ang balakang ko sa kanya.
"Halika, gagamutin ko yan. Gyle iha, I-abot mo sakin ang mga gamot na kinuha natin kanina,"

"Opo Ma," sagot nito sa Ina.

Nang simulan nyang hilutin ang balakang ko ay hindi ko mapigilan ang sariling mapasigaw. Sobrang sakit, bakit ganito?

"Tama na please! Ayoko na," pagsusumamo ko sa kanya lumuluha narin ako dahil sa sakit.

"Tiisin mo lang, Ynnah. Mawawala din yan mamaya,"

"Mawawala? P-Pero mas lalong sumasakit.," giit ko kay Gyle Helton. Patuloy na hinihilot ni Diana ang balakang ko at inaamin kong gustong-gusto kona syang tadyakan sa ginagawa nya.

"Tapos na, ngunit dapat mo pa rin itong ipahinga." ngumiti si Diana sakin. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagtulo ng luha ko. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas dahil sa nangyari. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Peste talaga.

"Ma, ate, kumusta sya?" narinig ko ang pagpasok ni Gavrielle sa kwarto.

"She's okay now. Nahilot na sya ni mama. Nakasisiguro ako na maya-maya lang mawawala na ang kirot na nararamdaman nya,"

"Ikaw naman kasi Gab. Hindi ka nagiingat, bakit hindi mo kasi sya inalalayan? Diba sinabi kong bantayan mo sya,"

"Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman alam na madudulas sya," sagot nya kay Diana Helton.

"Hayyy naku Gavrielle. Mabuti na lang at hindi masyadong malala ang nangyari sa kanya dahil kung hindi---"

"Wala ho syang kasalanan. Ako ho ang may kasalanan nito. Wag nyo syang sisihin," nagmulat ako ng mata at tiningnan sila. Totoo ngang medyo nabawasan na ang kirot ng hita at balakang ko.

Lumapit naman si Diana sa akin at ngumiti.

"Pasensya kana iha. Sya nga pala, maaari mo akong tawaging Tita Diana besides, fiancé ka ng anak ko," tumawa sya at umupo sa tabi ko. Nagulat ako ng haplusin nya ang buhok ko.

Para akong kinuryente, all of a sudden parang gusto kong maiyak na naman. My mom used to do that when she's still alive.

" Ma, maghanda tayo ng makakain sa baba para may makain si Ynnah." Lumapit sa amin si Gyle Helton at tiningnan ako. "Ynnah, magluluto lang kami ng makakain, maiwan na muna namin kayo ni Gab," ngumiti ako sa kanya bago tumango.

Nagpaalam silang aalis bago tuluyang isinara ang pinto. Naiwan kaming dalawa ni Gavrielle na kapwa nakatingin sa isa't-isa. Bago ko pa man sya matitigan ay mabilis ko ng iniiwas ang aking tingin at muling pumikit.

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon