CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Summer's POV,...

"Where are we going?" I immediately let go of his hand. Hinarap nya naman ako with his usual smile on his face. Minsan naiirita na talaga ako sa mga ngiti nya. Hindi kasi yun nawawala sa t'wing magkasama kami.

1 week and 2 days na kami dito ni Aelus. 1 week and 2 days but still wala pa ring nangyayari. 1 week and 1 day naman akong pretending as his fiancé. 1 week narin akong naiinis sa kanya.

Ano ba ang pwede kong gawin sa taong to?

"Magsisimba tayo sa St. Agustin church, Ynnah. Sunday ngayon diba? Tumanggi kana sakin nitong nakaraan, pati ba naman ngayon?" he was mentioning nung pangalawang araw pa lang namin dito ni Aelus. Sakto na Sunday nun.

"Gavrielle, you should stop! Ayoko," pagtanggi ko sa kanya. Ngumuso naman sya sa harap ko at pinanliitan ako ng mata. I narrowed my eyebrows on him. "What?!"

"Bakit ba ayaw mo? Tara na! Masaya dun, pagkatapos nito, dadalhin kita sa may burol,.." pagpupumilit nya na naman. Tiningnan ko sya ng naniniguradong tingin.

"Totoo? Dadalhin mo ako sa burol?" nakangiti naman syang tumango at ginulo ang buhok ko. Napangiti ako ng malamang dadalhin nya ako sa burol na binili na namin.

Ang burol na yun ang eksaktong lugar kung saan plano kong itayo ang casino. There's a lot of reasons why did I chose that place.

First one, St. Agustin is a perfect place for that kind of business. Since this town is the intersection of four another towns. The town of San Alfonso, Costa de Riego, Tierro Fidel, at Villa Siena.

Second, St. Agustin is also have this kind of sight seeing na nakakapagpakalma sa buong sistema. A lot of businessman tried to buy that land but because I am Summer Ynnah Venus, I get what I want!

"Magandang Umaga, Gabriel! Patungo kayo sa simbahan?" anang Isang matanda nasa pagkakatanda ko ay Aling Fiona ang pangalan.

"Oho! Isinama ko po ang nobya ko para sa pag simba!" hinawakan ni Gavrielle ang kamay ko kaya pilit akong napangiti sa matanda.

"Good morning ho,.." pagbati ko.

"Aba'y araw-araw talaga akong nagagandahan sa dalagang ito,.." palihim akong napairap. Pretty? Tss, ni-hindi nga ako natutuwa sa itsura ko. I hate this kind of glasses but wala akong magagawa. I have to protect my identity no matter what.

"Mauna na ho kami Aling Fiona, baka mahuli na kami sa misa!," nagpaalam sya sa matanda at nagsimula na naman kaming maglakad.

Nasa loob kami ng simbahan ng makarinig ako ng mga bulungan sa likod,.

"Ang gwapo ni Gav noh, sayang akala ko pa naman si Francine na ang makakatuluyan nya,.."

"Ano ka ba, okay naman si Ynnah ah. Cute naman sya,.."

"Napakasuplada kaya nya. Ni-hindi ko pa nga sya nakikitang ngumiti eh,.."

"Ano ka ba Grace? Manahimik ka nga, baka marinig ka nila oh,.."

Sinulyapan ko ang dalawang babaeng naguusap sa may likuran ng inuupuan namin ni Gavrielle. Nagdadasal ang lahat kaya lahat sila nakapikit maliban sakin at sa dalawang babae nato.

Nang makita nila ako pareho, agad silang nag sign of the cross bago dali-daling umalis. Hindi ko maiwasang mapasinghal.
Pati ba naman sa lugar nato marami pa ring chismosa?

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng simbahan. Napakalaki nito. Halatang mga antigo na ang mga nakadisplay na Santo Nino. Ganun din ang mga cross. Marami ang dumadalo sa pagsisimba, karamihan ay nakabello pa talaga.

Napakalayo ng lugar nato sa modernisadong lugar na kinalakihan ko. Inilibot kong muli ang aking paningin hanggang sa tumigil ito kay Gabrielle Helton.

His eyes were close. I know he was listening to prayers. I didn't know when did he grabbed that side of him na kaya nyang pakalmahin ang sarili sa kahit ano mang sitwasyon. I am using this man for my plan. I am using him against his family.

I've met a lot of guys before, but I admit Gavrielle Helton is barely different among them. He have this characteristics na alam mong magugustuhan mo sa lalake. He have this kind of features that makes him so attracted.

Pero hindi ako yun, hindi ako katulad nila. I hate them, I'll never gonna waste all of my efforts ng dahil lang sa kanya. I will never going to forget all the hatred in my hearts that my father brought to me, that my mother's death how affected me. On how this bastards throwing a lot of bad complaints and opinions about us who born with a lot of wealth.

Mabilis akong nagiwas ng tingin ng mapansin na tapos na silang magdasal.

"So,.. Tara na?" sabik kong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano bang meron sa burol at pinipilit mong pumunta dun. Pero dahil nangako ako, Tara na!" hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan na bumaba ng hagdan.

"Mabuti na lang at napakaganda ng panahon ngayon no?" tipid na ngiti ang ibinigay ko sakanya. He mostly use tagalog language even though he know how to speak in English.

"Wait may bibilhin lang ako,.." iniwanan nya ako sa tabi ng daan at mabilis na tumakbo papasok sa Isang maliit na tindahan. Sisimangot na sana ako dahil akala ko matatagalan sya but I was wrong, wala pang dalawang minuto ng bumalik na sya sa pwesto ko ng may ngiti sa mga labi.

" Tara!" pag-aaya nyang muli. Sinulyapan ko ang dala-dala nya sa kaliwang kamay.

"Ano yan?"

"Ah, wala. Aayusin ko pa ito mamaya,.." ngumiti syang muli kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Bawat makasalubong namin na mga tao ay binabati nya. Ganun ba sya kafriendly? Wala akong ibinibigay na reaksyon sa kanila. Well in the first place, I doesn't know who they are. Second, I don't give a shit on them, third, I am Summer Ynnah Venus.

"Kailangan pa ba nating umakyat?" tanong kong muli habang dahan-dahan nya akong inaalalayan na maglakad pataas hanggang sa taas ng burol.

"Yup! Doon maganda, Ynnah. Atsaka, may mga bata doon na naglalaro ngayon. Tiyak akong masisiyahan ka,"

"Sigurado ka? Hindi ako mahilig sa bata. Hindi ka makatitiyak kung magugustuhan ko nga dyan,.." nilingon nya ako at nginitian.

"What if magustuhan mo? Anong gagawin mo?" ayun na naman ang nakakaloko nyang ngiti. Pinanliitan ko lang sya ng mata tsaka inirapan.

"Kapag nagustuhan ko, ipinapangako kong manunuod ako ng basketball game nyo sa isang-araw," taas-noo kong sagot sa kanya. As if naman na magugustuhan ko nga ang lugar nato lalo pa at marami daw bata. I really hate kids. Especially alam kong mga gusgusin sila.

" So paano? Manonood kana? " humalakhak sya atsaka ako hinila pataas dahilan para tuluyan na kaming makatungtong sa kapatagan.

Hindi ako makapaniwala! Humampas sa mukha ko ang napakasariwang hangin na banayad ang lamig sa aking pisngi, kasabay ang pagtangay nito sa aking mahabang itim na buhok.

Sinamahan pa ng berdeng paligid at asul na kalangitan. Nakita ko ang bawat matataas at mabababang mga puno. Ang karamihan sa mga ibong lumilipad sa himpapawirin. Ang kulay ng bawat damo. Ang kahabaan at kalinisan ng ilog sa baba mismo ng burol na ito. Ang mga tao na masayang nagtatanim, naguusap, naglalakad at nagkakatuwaan sa baba. At ang mas nakakatuwa, ang mga batang ito na hindi maipinta ang kasiyahang nadarama dahil sa walang humpay na pag lalaro dito sa lugar nato.

Wala pang isang minuto ng makaramdam ako ng mainit na likidong lumabas sa aking mata. Mabilis ko iyong pinunas at huli na ng mapagtanto ko na sumilay na ang ngiti sa aking mga labi.

Ngiti na never kong ginawa simula ng mamatay ang mommy ko. I know na hindi ko ito dapat maramdaman sa lugar nato. I know na maling maging masaya ako kasama ang mga hampas-lupang ito pero anong magagawa ko? Masaya ako sa oras nato. Hindi naman siguro masamang maging masaya kahit sa mga oras nato lang. Kahit ngayon lang na walang nakakakilala sa akin kung sino ba talaga ako. Sa pagkatao kong ito na nakatago ngayon sa loob ko.







"I---I think, I lose this time,.."

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon