Summer's POV,...Nakaupo kami ngayon sa mga upuan na pataas at nakapalibot sa buong covered court ng gymnasium sa St. Agustin. Punong-puno ito ng mga tao na ang iba ay nagmula sa apat na iba pang bayan.
"Tierro Fidel, galingan nyo!"
"St. Agustin, ipanalo ang Laban!"
"San Alfonso para sa pagkapanalo!"
"Tiyak na mananalo! Costa Riego!"
"Villa Sienna, wag kayong papatalo. Sayang ang premyo!"
Nakabibingi ang lakas ng sigawan ng mga tao. Hindi ko maiwasang mapatakip sa tenga dahil nanunuot ito dito. Pinagsisisihan kong sumama ako ngayon. Liga ngayon ng basketball dito sa St. Agustin. Tradisyunal na gawain ito upang bigyan ng parangal ang bawat manlalaro sa bawat bayan na mananalo.
50,000 pesos ang premyo sa mananalo. Taon-taon kung ginagawa ito. Sa twing sasapit ang bawat pista ng limang bayan.
Ang St. Agustin ay kilala bilang pinakasimpleng bayan sa limang ito. Hindi nagtatangi ng matataas na tao maliban sa mga opisyales ng bayan. Marunong silang makuntento. Yun nga lang, sa usaping tungkol sa lupa na pagmamay-ari ko, hindi sila nakukuntento.
Costa Riego, ang bayan kung saan naninirahan ang mga taong nasa matataas na pamumuhay. May mga pangalan at kilala sa mga matagumpay na pagnenegosyo. Mahilig makipagkumpetensya. Sila ang kadalasang nananalo sa larangan ng basketball.
Tierro Fidel, pumapangalawa sa Costa Riego. Kilala din sa pagkakaroon ng mga kilalang tao. Mga palaban sila. Solid ang pagsasamahan at hindi nagiiwanan. Ang kalaban ng isa, kalaban ng lahat.
San Alfonso, katulad ng St. Agustin, simple lang din sila. Masasayahin ang mga tao at minsan lang magkaroon ng gulo. Higit sa lahat, pag-iwas sa gulo ang kanilang prinsipyo.
Villa Sienna, ang bayan na kahit kelan hindi nangialam sa anumang usapin ng ibang bayan. Mababait ang mga tao kahit hindi gaanong mataas ang pamumuhay ng mga tao sa bayang ito.
Ang limang bayan na iyan ang kasali ngayon sa Liga ng basketball.
"Ynnah, ayus ka lang? Wag kang mag alala, kayang-kaya nina Gav iyan!" nilingon ko si Gyle Helton at plastic na nginitian.
"Hmm, sana nga makaya nila," I lied. Alam kong hindi magaling si Gavrielle at ang mga kateam mates nya sa pagbabasketball. Kung sino man ang mananalo, alam kong maliban lang yun sa mga taga Costa Riego o Tierro Fidel.
Napakalakas ng hiyawan. Iba't ibang pangalan ang maririnig mula sa mga manonood. Lalo na ng magsimula ang laro.
St. Agustin vs. San Alfonso. Mahuhusay silang maglaro. Hindi maika-kailang malinis ang paglalarong ginagawa nila at halata sa bawat isa ang friendly game na namamagitan. Nanalo ang St. Agustin sa labang ito.
Hanggang sa dumating ang huling laban kung saan pinakainaabangan ng mga manonood. Ang Costa Riego vs. Tierro Fidel.
Maging ako ay nakakaramdam narin ng excitement sa panonood. Unfair man para sa bayan ng St. Agustin, pero maging sila ay halatang handa ding makipagsigawan kung kanino sila pumupustang mananalo.
"Dilsan, Ang gwapo mo shocksss!"
"Ayan na sya. Silver nandito ako eeehhhhh,"
"Costa Riego for the win!" kanya-kanyang sigawan ng mga pangalan ng kalalakihan. Ang koponan ng taga Costa Riego.
Matataas sila at may mga itsura. Base sa unipormeng suot nila, nababakas ang pagiging mayaman. Malalakas ang dating at isang ngiti o ngisi lang, nagkakagulo ang lahat. Kung may pangalan man na nangingibabaw, yun ay ang Silver Silvestre.
BINABASA MO ANG
Fade My Scars
RomanceA woman full of hatred. A heart full of sacred. I hate those poor. I hate those bastards. Would the love can heal her pain? Would the love can heal her wounds? Can he fade My scars?