CHAPTER 6

3 1 0
                                    

Summer's POV

Nagising ako ng tumama ang sikat ng araw na tumatagos sa mga siwang ng bintana at direktang aabot sa aking mukha. I pick up my phone and check the time.

"Aelus!" I yelled. But no one answered. Tumayo ako at ipinusod ang mahaba kong buhok bago lumabas ng kwarto.

Sisigaw na sana ako upang tawagin syang  muli pero pumasok na sya sa bahay dala-dala ang isang container ng tubig.

"Haysttt! Mona, wala ba talagang delivery dito?" napapagod syang sumandal sa pader at nagpamewang. Umupo naman ako sa harap ng lamesa.

"I know meron, pero hindi tayo pwedeng magbigay ng motive sakanila na may pera tayo. You can do it Madrigal.!" seryoso kong saad sakanya. Sinenyasan ko syang ipagtimpla ako ng kape na agad nya namang ginawa.

Tumayo naman ako para sana maligo ng biglang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok ang mahigit sa sampung bisita na kapwa masasaya.

" Magandang Umaga! Pasensya kung pumasok na kami. Nais sana namin kayong sorpresahin sa umagang ito dala-dala ang mumunting pagkain para sa salo-salo,.."

Natigilan ako ng malamang mga Helton ang mga ito kasama na si Gavrielle Helton na halatang napipilitang ngumiti sa harap ko ngayon. Namukhaan ko si Diana Helton at ang asawa nito na si Robert Helton. Ganun din ang panganay na anak nasi Gyle Helton. May kasama pa silang iba na kapwa hindi kona kilala.

"Ah--Eh, magandang Umaga ho! Tuloy po kayo, naku! Nag-abala pa kayo Para samin,..." sumulyap sakin si Aelus, nginiwian ko naman sya at inirapan. Anong ginagawa ng mga hampas-lupang yan dito?

Tumawa si Diana Helton bago kami hinarap na dalawa.

"Syempre naman, hindi naman kasi sinabi ng anak ko na may plano na pala syang pakasalan si Yannah. Natural lang samin na makilala kayo ng personal." kapwa kami gulat ni Aelus na napatingin sa isa't isa. Kinunutan nya ako ng noo na parang tinatanong kung anong eksesa to. Napamaang nalang ako sa kinatatayuan at hindi nakaimik.

" Ahhh--hahaha, Kasal! Kasal pala eh,.. " napipilitang tumawa si Aelus habang inaalalayan sila na maupo sa harap ng dining table. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Ako? Magpapakasal? Ewww, wala na ba silang kahihiyan sa mga sarili nila. Summer Ynnah Venus will gonna marry Gavrielle Helton who came from this kind of family? A no class family without nothing compared to me? No!

Nag-angat ako ng tingin kasabay ng pagtatama ng paningin naming dalawa ni Gavrielle Helton. Sinalubong ko ang bawat tingin nya ng Isang matalim na tingin.

Akala ko matatagalan ko ang titig nya, but I was wrong. Ako ang unang umiwas ng tingin after pumasok sa utak ko ang Isang magandang ideya.

"Iha, masama ba ang loob mo sa pagpunta namin?" tiningnan ko si Robert Helton at pekeng nginitian.

"No! Natutuwa ho ako, pasensya narin kung hindi ako naipakilala ng anak nyo nitong mga nagdaang araw. Sinabi ko ho kasi na I am not yet prepared to meet you personally." napangiti sila sa narinig. Tiningnan ko si Aelus na mukhang nagtataka sa inasal ko. I just winked on him saying 'I know what I'm doing.

" Tama nga si Gav. Napakabait na bata ng kanyang nobya. Iho! Dito ka maupo sa tabi ni Ynnah. Alam kong kagabi mo pa sya nais makita,.." usal ni Robert Helton. Napaubo naman si Gavrielle at mabilis na napainom ng tubig bago napipilitang umupo sa tabi ko.

Napangiti ako sa nangyayari, everything settled now as what my plan. Umaayon sakin ang tadhana sa pakikipaglapit sa mga hampas lupang ito.

"Kagabi? Hinahanap nya ho ako kagabi?" kunwaring interesado ako sa mga pinagsasasabi nilang lahat.

Patuloy sila sa pakikipagusap sakin habang kumakain kami. Panay ang puri nila sa kanilang mga anak nasi Gyle Helton  na isa daw matalinong babae na mayroong prinsipyo sa buhay. Ganun din Kay Gavrielle Helton na maginoo daw pagdating sa mga babae at masiyahin sa mga taong bago pa lamang nya nakakasalamuha.

"Kumusta naman ang mga magulang nyo? Nasaan sila?" paguusisa ni Diana Helton. Natigilan ako bigla ng dahil sa sinabi nya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa basong iniinuman ng marinig ang tanong nya.

Of all so many questions, bakit kailangang iyang tanong nayan pa ang banggitin mo. Nararamdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko. Masakit, masakit ang tanong mo para sa isang katulad ko Diana Helton.

"Yung mga magulang namin-----" pinutol ko ang sasabihin ni Aelus.

"Our mom killed herself due to depression. Our father left us and all his responsibilities to our mom.," nabalot ang buong lamesa ng katahimikan. Naramdaman ko ang mga mata nila na pawang nakatingin sa akin. Puno ng awa!

"We were sorry for mentioning those questions, Ynnah."

"No, it's okay. Nakaraan na namin yun ni Aelus, okay na kami ngayon,.." pagdadahilan ko habang nakapaskil na naman ang peke kong ngiti sakanila.

"Ah, mauna na kami. Pasensya na pero may dadaluhan pa kaming pagtitipon maya-maya lang. Gavrielle, Iho. Ikaw na munang bahala na ipasyal ang iyong nobya sa lugar nating ito.," pagpapaalam ng kanilang ama.

"Yes, Pa. Keep safe. Ate, ikaw nang bahala kina Mama." Tumayo si Gavrielle Helton para igiya ang pamilya nya.

"Ano ka ba, Gav. Alam ko yun hahaha. Basta ikwento mo sakin kung anong ginawa nyo huh. Bye! Ynnah, Aelus, mauna na kami. Sa susunod ulit!" pagpapaalam ng panganay nyang kapatid. Tumayo din kaming dalawa ni Aelus para ihatid man lang sila sa may pintuan.

"Ingat ho, salamat sa almusal!"

Naiwan kaming tatlo dito sa loob ng bahay. Nakangiwi kong hinarap si Gavrielle Helton na hindi ako magawang harapin hanggang ngayon.

"Kasalan na! Haha, mukhang wala ata kaming alam dalawa ng kapatid ko sa gagawing kasal, Gav." umakto si Aelus na para kong panganay na kapatid.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya na mangyari ito. I-- I just need your help this time,.." napahilamos sya sa kanyang mukha at pabagsak na iniupo ang sarili sa upuan.

Natawa ako sa sinabi nya. Ang lakas ng loob ng lalakeng ito na hingin ang tulong ko.

"Help? But we're not close. In fact we didn't know you. We are just strangers in this place, hindi ka ba nahihiya sa mga ginawa mo sakin last night?" hindi ko napigilang magtaas ng boses habang naglalakad sa harapan nya.

"Look! I was drunk that time---"

"Then you should maintain your tolerance! How dare you, ang halikan ang Isang babae, sa tingin mo mabuting dahilan?" pagpuputol ko sa sasabihin nya. Hindi naman sya sumagot sakin.

Nasulyapan ko si Aelus na parang nakikiusap sakin na huminahon. Humugot ako ng malalim na buntong hininga para maalis ang inis ko. Honestly, kay Gavrielle Helton ko ata naibubuhos lahat ng sama ng loob ko sa pamilya nya.

"Bakit mo kailangan ang tulong namin?" pambabasag ko sa katahimikan. Umupo ako katabi ni Aelus katapat niya.

"Are you willing to help me?" bakas ang pagdadalamhati sa tono ng pananalita nya. Bigla ko tuloy naalala si Francine Mendoza.

Nireject ng babaeng yun ang isang lalake na minahal sya ng totoo. Her lost, pinakawalan nya ang lalakeng ito na mukhang nagpapakatanga sa pagmamahal.

Nagkatinginan kami ni Aelus. Tumango sya sakin at hinarap si Gavrielle.

"Tell us what kind of help. Hindi ko naman maaaring ilagay sa isang sitwasyon na hindi ko alam ang kapatid ko diba?," nag-angat sya ng tingin at napabuntong hininga.

"Ynnah, please act as my fiancé for this once. Gumawa ako ng kapalpakan kagabi,." napasabunot sya sa ulo. It makes him frustrated. "I know, hindi ko dapat ginawa yun. Especially the fact na hindi naman kita talaga kilala. E-Everyone thought na fiancé kita ng dahil sa nawitnessed nilang ginawa kong kagaguhan. Even my family believe in that,.."

Bigla akong natigilan sa mga sinabi nya. Gavrielle Helton was different. Hindi ko masabi kong stupid ba talaga sya o ewan, sya mismo ang lumalapit sakin. Sya mismo ang nagdadala sa pamilya nya sa kapahamakan.

I am the predator. He might be the prey,..

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon