CHAPTER 9

0 0 0
                                    


Summer's POV,...

"Shit-Shit-Shit!," I gasped. Namimilipit ako sa sakit dahil sa sama ng pagkakabagsak ko. Kung bakit ba kasi kailangang may mga baging dito na nakakalat sa daan eh.

"Ynnah, ayus ka lang ba?" sinamaan ko sya ng tingin dahil sa katangahang itinanong nya.

"Really? Do you think I'm okay? Of course not!" hindi ko napigilang mapasigaw. Kitang-kita nya naman yung paraan ng pagbagsak ko. Syempre masakit, naiiyak na nga ako.

"I'm- I'm sorry, let me help you," akma nya akong bubuhatin ng mabilis kong hinampas ang kamay nya.

"Idiot! Tawagin mo si Aelus. I need him now,..."

"P-Pero wala akong number nya. Hindi ko sya matatawagan,"

"So what do you mean by that? Oh my gosh!" napasapo ako sa noo habang iniinda ang sakit na nararamdaman ko. "Sana talaga hindi na lang ako sumama eh,"

"Ynnah, hayaan mo na akong tulungan ka. Wag ka ng magpilit---"

"Ayoko nga diba. Ayoko ng tulong mo," sinalubong ko ang mga tingin nya. Isa lang syang mahirap. How dare him to act like this to me. Goshhh.

"Fine, Ede aalis,.." padabog syang tumayo at umalis. Hindi ko naman sya nilingon kung saan sya pumunta.

Nakasimangot kong hinaplos-haplos ang pwetan ko na syang tumama kanina. Peste naman talaga oh. Halos sampalin ko na ng paulit-ulit ang mukha ko ng makitang ang dumi na ng suot kong damit at short.

Padabog kong pinagpagan ang kamay ko at dahan-dahang tumayo. Halos maiyak ako ng bigla akong napakapit sa malapit na puno. Ang sakit talaga huhuhu. Bwisit na Gavrielle yan. Kasalanan nya talaga ito eh,.

Kasalanan mo din to Aelus. Kagat-kagat ang pang-ibaba kong labi ng simulan kong humakbang. Para akong niyayanig sa bawat pagpipilit ko na lumakad ng maayos. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa nangyayari. Hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Dapat pala hindi na lang ako nagmadali kanina eh.

Nakakalimang hakbang pa lang ako ng tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Hindi kaya ng mga binti kong tumayo. It may sounds OA pero kung ikaw man ay hindi magtitiis piliing indahin ang sakit na to.

Napatungo ako at nagpunas ng luha. Kailangan ba talagang mangyari sakin ang ganitong kamalasan? Tipid akong napahalakhak at sunod-sunod na pinunasan ang mga luha kong kanina pa tumutulo.

"Weak!" I whispered to myself. Tatayo na sana akong muli ng maramdaman kong biglang may bumuhat sakin. I suddenly looked into his eyes until I saw how his eyes gave that worried look.

"I told you. Wag mo ng pilitin kung hindi mo kaya. Asking for help doesn't mean being weak, Ynnah. We are willing to help anytime you want," tumingin sya sakin at tipid na ngumiti.

"I told you, I don't need your help Gavrielle."

"You don't have to say that. I know you need help, hindi ko naman sasabihin sa iba na tinulungan kita," he winked at me bago sya nagsimulang maglakad.

Hindi na ako nagreklamo. Alam ko naman na wala ding idudulot na mabuti ang pagrereklamo ko. Pero hindi ibig sabihin nun, ibinaba kona ang pride ko. Hinding-hindi ako magbababa ng pride lalo na sa harapan ng Isang taong mahirap. Hindi katanggap-tanggap.

"OH, anong nangyari sa iyong nobya Gavrielle iho?"

"Wala po. Nadulas lang sya"

"Naku! Baka napasama yan, mas mabuti ng ipahilot sya" naningkit ang mata ko sa matandang ito. Bakit ba pakialamin sya?

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon