CHAPTER 12

1 0 0
                                    


Summer's POV,...

"Good morning, good morning, good morning,. " nakarinig ako ng mahihinang bulong sa aking mga tenga dahilan para ako ay magising. Inis akong nagmulat ng mata at laking gulat ko ng makitang si Gavrielle ang nandito sa kwarto ko.

Nakahiga sya sa tabi ko at nakapangalumbabang nakatingin sa akin.

" What the hell are you doing here?" sigaw ko sa kanya after kong umupo at dumistansya. Naghanap ako ng bagay na pwede kong ihampas sa kanya kaso mukhang itong unan lang ang kapaga-pagasa ko sa ngayon kaya eto na lang.

"Peste ka! Ang lakas ng loob mong pumasok sa kwarto ko ng hindi nagpapaalam. Ang lakas ng loob mong tumabi sakin, ang lakas ng loob mong bumulong sa tenga ko!"

"A-Aray, Ynnah. Tama na, masakit na hahahaha. S-sorry, sorry. Hahaha" pilit nyang sinasangga ang unan habang nakahiga sya sa kama ko. Naiinis ako dahil sa halip na mainis, tumawa lang sya ng tumawa.

"Gavrielle!" inis kong saad. Asar ko syang tinitigan habang naghahabol ng hininga. Halata naman ang pagkapagod nya pero mas piniling ngumiti parin. "Naiinis nako. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" padabog akong tumayo at nagsuot ng tsinelas. Nakacross arms ko syang hinarap samantalang nag Indian sit naman sya paharap sakin, pagkatapos ay ngumuso.

"Okay I'm sorry. Hindi dapat ako pumasok sa kwarto mo pero kasi---" tumungo sya at kagat ang pang Ibabang labi na humarap muli sakin. Nagpipigil ng tawa. "I want to surprise you sana ang kaso tulog ka pa,.." umarko ang kilay ko pataas at nagform ng ngiwi sa kanya.

"Surprise? Ano naman yan, hindi ba pwedeng hintayin mo na lang akong magising?" napamura ako sa isip ko ng bigla na lang syang humagalpak ng tawa.

What the hell?

"Ano bang problema mo?" hindi ko napigilang mapasigaw. Wala akong pake kung makaistorbo ako sa mga kapit bahay. Buset na Gavrielle Helton. Argghh,

"Wag ka kasing magalit!" tumayo sya at lumapit sakin. Nakacross ang kaliwa nyang braso sa dibdib nya tapos ang kanan namang kamay ay nakatakip sa bibig upang pigilan ang pagtawa. "Natutuwa lang ako sayo kasi kahit pa bagong gising, maganda ka pa rin, bwahahaha," mabilis akong nagiwas ng tingin ng magsimulang maginit ang mga pisngi ko.

Ano to?

"Joke Lang. Hahahaha!" sinamaan ko sya ng tingin dahil sa huli nyang sinabi.

"Aray, grabe ka naman Ynnah. Dahan-dahan Lang,"

"Wala akong pakialam sayo Gavrielle. Lumabas ka at wag  na wag mong ipapakita ang pagmumukhang yan sakin. Peste!" pilit ko syang itinutulak palabas ng kwarto ko. Nagmamatigas naman sya, pilit humihingi ng paumanhin.

"Nagbibiro lang naman ako eh. Maganda ka naman talaga. Promise, Ynnah. Wag kana magalit,.."

"Shut up! At wag mo ding isipin na naiinis ako ng dahil sa pagbibiro mo na maganda ako. In the first place, maganda talaga ako. Second, maganda pa rin ako. Kuha mo?" ngumiti naman sya at hinawakan ang hintuturo ko na nakaturo sa kanya.

"Oo maganda ka." napaatras ako ng inilapit nya ang mukha sakin. "Without those eyeglasses covering your eyes," naestatwa ako sa kinatatayuan. Tsaka lang nagsink in sa utak ko na wala nga pala akong suot na eyeglass.

Sisigawan ko pa sanang muli si Gavrielle pero nakababa na ito sa hagdanan. Tsk! Bwisit talaga sya, hindi nya naman siguro ako maiitsurahan. Lalo na at wala namang nakakakilala sa mukha ko maliban sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.

Naligo ako at nagbihis bago bumaba. Napahinto ako sa paglalakad ng marinig na naman ang boses ni Gavrielle habang kausap si Aelus.

Akala ko ba umalis na ang lalakeng yan? Ano na naman bang ginagawa nya dito?

Fade My ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon