17 | Prove Yourself

37 8 3
                                    

[ Alex's POV ]

"Carolyne! Carolyle! Asan na kayo!" paulit-ulit na tawag ko simula nung di ko sila mahanap.

Si Xander ay nakabalik na mula sa palasyo ang pinagtataka ko bakit siya nakapasok kung wala siyang Hiyas. Ang tanging sinabi niya lang eh may nagpakain sa kaniya kaya siya nakatulog at ngayon lang siya nakabalik.

Pero di ko muna iyon pinansin. We're locating the twin's location of course. We've been searching for their shadows everywhere and anywhere.

Kinakabahan na ako sa mga nangyayari, nawawala ang kambal at di ko sila mahanap Napakasama kong tao para di sila pagbalingan ng atensiyon.

Binabaybay ko ang kadiliman ng kagubatan. Tanging liwanag galing sa mga buwan lamang ang nagbibigigay ng liwanag sa aking nilalakaran. Bawat pagdampi ng malamig at preskong hangin ay ganun ring panginginig ko. Dahan dahan lang ang aking paglalakad sapagkat ayaw kong makakuha ng atensiyon sa mga nilalang na masiyadong mapanganib.

Paulit-ulit rin ang aking paglingon sa paligid nagmamanman sa kung ano mang panganib ang parating. Kung ano kasaya at
ka-masagana ang Lugar na ito ng Terizlla ay siya ring panganib pagsumapit ang takip-silim.

Sa bawat lakad ko ay nakakaramdam ako ng mga nilalang na nakatingin sa akin isang babala na dapat talaga akong magingat.

'A-ate Alex, h-help."

I heard a faint sound coming from the North part of the Terizlla. Napalingon ako bigla kung saan ko iyon narinig.

Nagpantig ang aking tenga at alam kong nakamasid sakin sina Akiro at Ary sa malayo. Sana makaabot sa kanila ang aking sasabihin.

I closed my eyes to focus and to concentrate myself far from the distractions around me. Kahit mapanganib ang lugar na to at kahit na may kapangyarihan ako useless pa rin kapag mag-isa ako, idagdag mo pang babae ako. Kaya ka-kailanganin ko talaga silang dalawa.

'Akiro, Ary sa Hilagang Bahagi ng Terizlla Nandun sila.'

Dali-dali kong sabi sa kanila sa pamamagitan ng telepatiya. Iminulat ko na ang aking mga mata at nagiba na ulit ng anyo.

Kung kanina ay nakasuot ako ng kalasag ngayon ay ginamit ko na ang kapangyarihan ng Hiyas, naging Sirena na ako at hawak-hawak ko ang armas sa aking mga kamay nagliliwanag ang bawat kaliskis sa aking balat at ang kislap ng umaalon kung buhok ay nakakasilaw.

Mas naging mabilis ang aking paghahanap dahil sa kapangyarihan ng Hiyas kasi tubig na ang aking dinaraanan at hindi na mga patay na dahon o sanga ng mga matatayog na puno.

Naghiwa-hiwalay kasi kami sa paghahanap nandito ako sa Hilagang-Silangan ng Terizlla. Malayo ako sa Agana at pinabantayan ko muna yun kay Krystal at sa kakarating lang na si Xander. Di rin naman sila umangal kung kaya't nagpatuloy na ako sa paghahanap sa kambal kasama ang dalawa pang makapangyarihang tagapangalaga ng nga Hiyas.

'Hintayin niyo ko dyan.'

Umaasa akong mararating niyon ang lokasyon ng kambal.

I'm over thinking and reacting once again. Ano kayang nangyari sa kanila? Bakit sila nasa Hilaga? May nag kidnap ba sa kanila? Sana may kapangyarihan pa rin sila.

Napakagulo na ng utak ko hindi ko na alam kung anong uunahin.

Di ko inalintana ang kadiliman, di ko na mapigilan ang aking sariling hanapin sila sapagkat ako'y nagaalala na ng husto.

'A-ate t-tulong'

Pagsusumamo ni Carolyle. Napaluha ako ewan ko kung bakit pero pumatak ang nga butil ng luha mula sa aking mga mata at dumaloy iyon sa aking pisnge.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Magic DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon