16 | Protection Over Destruction

28 7 2
                                    

[ Alex's POV ]

"Balutin mo kasi ng mabuti yung paa ng hayop na yan gamit yang pesteng yelo mo!" pagsigaw ni Akiro sa akin habang siya ay umaatake gamit ang malalaki niyang kamay na may matatalas na kuko.

'Makautos Ah! Kutos ka sakin mamaya'

I manipulated the water while Akiro and Ary are battling with the 8-legged magic insect. Pilit nilang pinapataob yun.

We did find it's weakest point and halata namang yung tiyan yun ng gagamba kung saan nandun ang organs at parts na makakabuhay sa kaniya.

Based on my research while we're taking the lessons about Arachnids in my Science class over 80% of its body is it's brain.

Kaya mas mahihirapan kaming mapatumba siya kasi mabilis rin siyang nakakatayo ulit. Ang galing na sana pero dapat namin siyang tapusin.

So as what I've said I'm manipulating and bending the water at nung napataob na nga nila ginapos ko ang walong galamay nun gamit ang tubig. Ary used his power to freeze the water and the power I did insert is so thick. After that Akiro did seal it with his stone like magic. And the Creature is nos attached to the ground.

"Ayos!" sigaw naming lahat ng mapagtagumpayan namin yun.

Lumapit kami ng unti-unti sa hayop na yun. Dinig ang ginagawa niyang tunog. Nakakakilabot pero bumabalik sa isip kong napatumba siya namin.

"Napakadali naman pala nito sus!" pagmamayabang ni Ary na nasa taas pa rin at lumilipad. Bahagya pang nakangisi ang loko si Akiro naman ay nakangisi rin.

'Magkaugaling-magkaugali ang mga hinayupak'

Gumalaw yun ulit at naging alerto kami mas naging seryoso ang mga mukha namin.

"Magaling magaling! Napatumba niyo nga ang alaga namin HAHAHA" sigaw at patawa tawang sagot ng pitong lalaking nakaitim sabay-sabay sila kaya mas nakakakilabot pakinggan yun.

Unti unti itinapat ng pitong lalaking iyon ang mga kamay nila sa Gagamba at nawala yun bumalik iyon sa kamay nila at parang naging marka.

Napansin ko ring sabay-sabay ang mga galaw nila. Naghawak kamay sila at tumingala may binanggit silang spell o kung ano man at nagisa sila.

"Akiro, Ary at Alexandra nagkita na pala ang tatlo sa mga itinakdang maging tagapangalaga pero tatlo lang nga ba kayong nakakaalam na kayo ang Tagapangalaga? HAHAHAHA napakagandang tanawin mas madali kong matatapos at makukuha ang inyong mga kapangyarihan HAHAHA"

Umalingawngaw ang pagtawa niya sa buong gubat ng Terizlla. Nakakatakot ang kaniyang mga tingin sa amin at para napakasama niya sa paningin namin.

I'm confused once again, Ano daw?  Kami lang nga ba ang nakakaalam na kaming tatlo pa lang ang tagapangalaga? wag mo sabihing meron pa kaming kilala pero di lang namin alam?

"Sino ka! Ipakita mo ang sarili mo!" sigaw ni Ary na hindi pa rin bumababa sa pagkakalipad.

Nababakas ko na ang takot sa katawan ko. My hands are trembling in fear, I know I can fight him but I'm not that trained and good. I'm a weakling compare to this three Charmers.

"Ako si Barius, Tagapangalaga ng Hiyas ng Mapanlinlang na anino bago kayo makalapit kay Andrea tatawid muna kayo sa akin HAHAHA" sabi ko na nga ba.

"Ano ang gusto mo? Bakit ka nakapasok sa Terizlla? Ano ang pakay mo? " tanong ni Akiro na nakatingin sa kaniya ng seryoso di man lang nagpakita ng takot sa kaharap namin.

"Simple lang naman ang gusto ko eh, Isa ang makakuha ng kapangyarihan galing sa kanila." Habang nakataas ang pinky niya para bang nagiisip siya gamit ang isang kamay.

The Magic DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon