2
"Hi!"
Nag-angat ng tingin si Sheila mula sa pagre-review para sa School quiz bee bukas. Si Clinton iyon na nakapamulsa. Tumingin siya sa likuran nito baka kasama nito ang pinsan niya.
Hindi naman siguro siya nito lalapitan kung wala si Anton, hindi ba? O baka napadaan lang din ito at naisipang batiin sya? But their classroom is far from hers?
"Si kuya Anton?" tanong niya
"He's busy. Studying?" tanong nito at umupo sa kanyang tabi.
"Yes."
"For tomorrow? I heard ikaw daw ang representative sa section ninyo bukas?"
"Yes"
Nagpatuloy siya sa pagbasa.
She need to study for her to win the trophy tomorrow. Kailangan niyang may maibalitang maganda sa mga magulang niya bukas. They will be proud of her.
"You want me to help you?"
Umiling siya na hindi tumingin kay Clinton.
"May chocolate ako dito. You want? My mom gave all her chocolates and I want to share it with you"
"I need to study. Please...." Be quiet
"Sorry"
Nanatili si Clinton sa kanyang tabi. It didn't bother her since tahimik lang ito. She focused on the books not minding that someone's beside her.
Natigil lang siya nang dumating si Anton. Bakas sa mukha nito ang kaunting gulat nang makita si Clinton sa kanyang tabi.
"What in hell are you doing here?" may gulat nitong tanong kay Clinton.
"To visit and give her chocolate" sagot nito sabay tayo. "Shall we go?"
"What?!" si Anton.
Hindi na siya sumingit sa usapan ng dalawa. Inabala niya ang sarili sa pagligpit ng gamit.
"Makikisabay ulit ako" narinig niya ulit na nagsalita si Clinton.
"Tayo na, kuya? I'm hungry" singit niya nang matapos magligpit.
"I have chocolate here" may dinukot si Clinton sa bulsa nito
The same chocolate she had yesterday.
"Bawal s'ya ng mga matatamis. She's hungry" si Anton
"It's 77 percent dark chocolate and what if it's sweet? Hungry body tend to crave quick energy. Sugar, chocolate perhaps?" seryosong saad ni Clinton na nagpaagaw ng atensyon niya.
Para itong handa nang makikipagdebate sa kanyang pinsan. Kumunot naman ang noo ni Anton.
"Akin na ang bag mo, She" si Anton sabay kuha ng kanyang gamit.
Sumunod din siya rito nang maglakad na ito. Clinton silently followed as well. Nang tumapat ito sa kanya, muli nitong inabot ang tsokolate.
Nagtubig ang kanyang bagang kaya tinanggap niya iyon. Kakainin niya iyon mamaya habang nag-aaral s'ya. It will help her not to be sleepy while studying.
"I'll give you another one tomorrow" ani ni Clinton.
"Thank you"
At kagaya nga ng sinabi ni Clinton kanina sumabay itong muli sa kanila ni Anton. Umupo ito sa kanyang tabi na nagpatigil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Clinton Rosales [COMPLETED]
RomanceCliton Rosales likes Sheila since elementary. Ginawa niyang number one priority ang babae sa buhay niya. Sinabi n'ya na 'okay lang kahit walang kapalit'. He's contented whenever she accepts his help, gifts, time, support... etc. Since he was twelve...