5-Someday

373 16 0
                                    

5

Halos tatlumpong minuto na naghihintay si Sheila sa waiting shed habang hinihintay ang driver nila ng pinsan. Maaga natapos ang kanyang klase hindi kasi pumasok ang guro nila sa huling subject. Wala naman silang assignment, project o kaya'y nalalapit na exam kaya wala siyang ibang gawin kundi ang umuwi at magpahinga.

Suot ang earphone sa magkabilang tenga habang nakikinig ng musika ay abala siya sa pagbabasa ng mga mensahi mula sa dalawang tita niya. Tinatanong ng kanyang tita Raquel kung kumusta daw ang araw niya at ang tita Elena naman niya ay nagtext na hindi daw ito makakauwi at ang tito Antonio niya dahil naextend daw hanggang bukas ang meeting ng dalawa.

Nasa gitna siya ng pagrereply nang may kumalabit sa kanyang balikat. Isinend muna niya ang mensahe bago tiningnan kung sino ang ang kumalabit sa kanya.


"Hi" nakangiting Clinton ang nalingunan niya


"Hey?" patanong niyang bati rin dito. Tinanggal na rin niya ang earphone sa magkabilang tenga.



"Waiting for Anton?"


"Yeah. Nakita mo- oh wait! Wala na kayong klase? Where is he?"



"May lakad daw s'ya. I don't know where?"




"Huh? He didn't text me" tiningnan niya ang cellphone niya baka sakaling may text iyon ng pinsan at hindi niya nabasa.



Walang text galing sa kanyang pinsan pagtingin niya. Nakakunot na ang kanyang noo ngayon sa ginawa ng pinsan.



"I'll accompany you to your house if it's okay with you?" he offered




"But... wala pa ang driver"



"We'll wait. Or you want to eat while we're waiting? Are you hungry?"


"I'm not hungry" mabilis niyang sagot


Hihitayin nalang niya ang driver nila ng pinsan. Malapit na rin siguro iyon since she already texted the driver thirty minutes ago.




Hindi na ito nagsalita.




Tahimik siyang hinintay ang text ni Anton na hanggang ngayon ay wala pa siyang natanggap.


"How's your day?



Muli s'yang napalingon kay Clinton na nakatingin ulit sa kanya.



"Fine" maikli niyang sagot


"Your laptop?"



Dalawang linggo na mula no'ng si Clinton ang gumawa ng kanyang report at dalawang linggo din na s'ya ang gumamit ng laptop nito hanggang sa wala pa siyang bagong laptop. It was convenient for her that time. May mga lessons sila na hindi pa naidiscuss na nakasave sa laptop ni Clinton at nag-advance study siya doon.




"No hope. Tita Elena will buy a new one for me."



Naisauli na rin kasi niya ang laptop nito kahapon kahit pinilit nito na sa kanya na ang laptop nito. She didn't agree with it.



"Wala ka pang magagamit. You can still use mine. I don't need it for now"



"No need"




Hindi na ito nakapagsalita nang tumunog ang cellphone niya.



It's here cousin, Anton, informing na mauna na raw siyang umuwi dahil may lakad pa ito. She replied okay.




Clinton Rosales [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon