4
Dalawang buwan pagkatapos ng graduation ni Sheila, nagbakasyon siya kasama ang pamilya ng pinsan na si Rollo sa Davao. They stayed at their old mansion from her cousin's grandfather.
Pumayag ang tita Elena niya na sumama para na rin daw maiba ang environment n'ya.
Umuwi lang siya, tatlong araw bago magsimula ang klase. Ang pinsan na niyang si Anton ang nag-enroll sa kanya since ang lolo naman nito ang may-ari ng paaralang papasukan niya.
She visited her parents grave cause she missed them. She spend half of the day talking how she spent her vacation days.
Unang araw niya sa highschool ay hinatid siya ng pinsan sa kanyang room. Marami ang bulong-bulongan na hindi niya maintindihan at wala siyang planong intindihin.
She's in her first year while Anton and his friends are already in their second.
"How's your vacation?"
Napatalon si Sheila mula sa pakakaupo nang biglang may nagsalita sa kanyang tabi.
Nasa library siya ngayon dahil may hinahanap siyang article para sa English report niya. It's already lunchtime pero inuna niya iyon. Hindi pa naman siya gutom at isa pa hinintay niya ang text ng pinsan niya dahil sabay daw silang maglunch ngayon.
"Sorry. Did I scare you?"
Binigyan niya ng masamang tingin si Clinton nakapatong ang siko nito sa ibabaw ng lamesa na nakatukod sa pisngi nito. He's looking intently at her.
Ang huli niyang kita dito ay noon pang graduation day niya. ang mga pinahiram nitong gamit ay nasa kanya pa din. Gusto niyang si Anton na ang magsuli no'n pero it will be rude for her. siya dapat ang magbalik ng payong at jacket nito since siya naman ang gumamit.
"Yes. What are you doing here?"
"Susunduin ka. Lunch na daw sabi ni Anton"
"Where's my cousin?" inilibot niya ang paningin sa loob ng Library para hanapin ang pinsan.
"He's already in the cafeteria. Ako na ang sumundo sa'yo"
"Bakit ikaw?" nagtatakang tanong niya.
"Basta! Let's go?"
Hindi siya sumagot pero tumayo na. Pinasok niya sa bag ang mga gamit. Tinulungan naman siya ni Clinton.
Ito na rin ang nagdala ng bag niya kahit sinabi na niyang kaya niya. He insisted kaya wala siyang nagawa. Hindi rin naman nito ibinigay ang bag niya.
Pagkarating nila sa cafeteria, nandoon na nga ang kanyang pinsan. Kasama nito si Jayson at may pagkain na rin sa lamesa.
"Hey, She. Hungry now?" si Anton sabay gulo sa buhok niya
Napasimangot siya rito sabay upo.
"Did you order this beforehand?" tanong niya sa pinsan
"Yes."
"Thank you"
"Where's my food?" si Clinton iyon
"Get your own food, Rosales" si Anton
"Tss"
Maingat nitong inilapag ang bag niya sa bakanteng upuan at naglakad papuntang counter ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
Clinton Rosales [COMPLETED]
RomansaCliton Rosales likes Sheila since elementary. Ginawa niyang number one priority ang babae sa buhay niya. Sinabi n'ya na 'okay lang kahit walang kapalit'. He's contented whenever she accepts his help, gifts, time, support... etc. Since he was twelve...