Chapter 23

185 12 0
                                    

Kaylee Madison's POV

Isang buwan na kami hindi nag uusap ng maayos ni Sir, dahil naiilang padin ako sa kanya dahil sa nalaman ko. Parati silang magkasama ni Ms. Garcia, ANG SWEET NGA NILA E. Ngayon parati na kami magkasama ni Liam medyo nagkakaayos na kami, Hindi kasi siya nagsasawa na samahan ako. Nakikita ko sakanya na gusto talaga niyang magkaayos kami at bumalik kami sa dati, magkaibigan lang ang kaya kong ibigay sakanya hindi ko na kayang balikan siya dahil masakit ang nangyari saamin noon.

Pagbukas ko ng pinto ko bumungad saakin si sir at kakatok sana siya kaso nauna akong bumukas.

"Le... let's go?" He asked.

Hindi naako sumagot itinaas ko na Lang ang kilay ko at bumaba nako nang makarating na kami sa baba nakita ko si Liam na kausap si mommy at kuya.

"Liam? Ang ginagawa mo dito?" I asked.

"Sinusundo ka? Bawal ba, may sundo kana ata e?"

"Hindi okay lang yan, sige sayo nako sasabay."

"Nagkaayos na pala kayo ni Liam? Dati galit kapa sakanya." Pangaasar ni kuya saakin.

"Dati yon, people CHANGE in just a blink of an eye brother."

"Kung sasabay ka kay Liam paano si Rence?" Mom asked.

"He can manage himself mom."

"Okay lang po tita, mauna na po ako. Kaylee mauna nako." Pagpapaalam niya

Nang makarating kami sa school bumungad saakin si Sir at Ms. Garcia na nagtatawanan sa harap ng room namin. Nang Makita ko sila yung puso ko gusto niyang umiyak, diko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko mahal ko na ba siya? O noon paman mahal ko na siya? Ano ba! umayos ka hindi kayo pwede studyante kanya professor mo siya! Mas bagay sila ni Ms. Garcia! Di kayo bagay. Naglakad na lang kami ni Liam, makarating kami malapit kari Sir nagpaalam na ako kay Liam.

"Liam mamaya labas tayo"

"Sige ba sunduin kita sa inyo"

Papasok na sana ako sa room ng biglang hawakan ni sir ang braso ko at tinititigan niya ako. Nagulat ako at si Ms. Garcia sa ginawa ni Sir pero inalis ko ang hawak nya at dumaretcho na ako sa loob ng room.

"Kaylee?" Tawag sakin ng isa kong kaklaseng babae.

"Bakit?"

"Alam mo ba yung nangyari kay Ada?"

"Kay Ada? Wala ako nababalitaan, ano ba nangyari sakanya? Tanong ko sakanya dahil wala akong nababalitaan tungkol kay Ada, magsimula ng makaaway ko siya sa may parking.

"Narape siya, nasa hospital nga siya ngayon e." Sambit nya at Nagulat ako sa binalita niya saakin, wala man nasasabi si daddy saakin kahit ang mommy niya even my mom wala silang sinasabi saakin.

"Huh! Talaga!? Sino nangrape sakanya? Ang harot kasi ng pinsan mo bess e" Hailey said.

"Totoong nirape siya?"

"Oo sinabi sakin nang kuya ko, girlfriend niya kasi si Scarlett Yung alipores ni Adalaide."

"Nalaman na ba kung sino ng rape sakanya?"

"Ang sabi nila si Marcus Pitel daw, nag dadate daw sila e, tapos uminom daw sila non tapos binigyan daw ng drugs yung iniinom ni Ada tapos ayon siguro doon nirape ni Marcus si Ada."

"I know Marcus hindi niya gagawin yon!" Pagtatangol ko kay marcus. Marcus is our childhood bestfriend kami nila Mowitz at Hailey kaya alam kong hindi gagawin ni Marcus yon kung hindi ginusto ni Ada.

"Oo hindi gagawin ni Marcus yon kung hindi ginusto ni Ada." Hailey said.

Nasa gym kami ngayon kasama ko si Liam nag paplay kami ngayon kalaban namin ang boys kasama na si Liam doon. Habang naglalaro kami inispike ni Liam ng malakas at hindi ko nakita natamaan ako sa mukha biglang tumakbo si Liam at may isang lalaki ang tumakbo papalapit saakin ng mag salita siya.

My Professor My Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon