IX

116 2 0
                                    

Rocco's P.O.V
Nabuo muli ako nung nalaman Kong kaklase ko si Sanya. Pero sa katangahang ginawa ko nun di ko alam Kung mapapatawad pa niya ako. Di ko talaga sinasadya na mangyari Yun, at di Naman talaga ako Yung nauna. Kaya nga Hindi naging kami ni Mel. Mula noon hanggang ngayon di siya nawala sa puso't isip ko.

Eto ako ngayon naglalakas Ng loob para masabi ko Kay Sanya na hanggang ngayon Mahal ko parin siya.  Alam na niya na kakausapin ko siya mamayang recess and last subject na namin to before recess.

Nang matapos na Ang huling subject na ito, lumabas muna ako patungong canteen pero kasama ko sila Aljur.

"Pre, cr Lang muna ako babalik ako" -sabi ko sa kanila. Pero Ang totoo niyan sa rooftop talaga ako pupunta Kasi nga Sabi ko kay Sanya Sa rooftop.

"Cge pre, pag Wala na kami dito nasa room na kami ah" -sabi nila, agad na akong tumakbo at baka naghihintay na si Sanya dun.

Nang makarating ako dito sa rooftop useless pagmamabilis ko Wala pa pala dito si Sanya. Dumiretso nalang ako sa mini house dun at pinagmasdan nalang Ang mga NASA loob.

Sanya's P.O.V
Nandito kami sa Canteen 2 sa taas kasi Canteen 1 & 4 sa baba. Di ako mapakali baka Kasi kanina pa ako hinihintay Ni Rocco Sa taas, pero ano nga ba talaga Ang sasabihin niya?

"Huy, San bat di ka yata mapakali Jan?" -tanong ni Glai. Ano ipapalusot ko? Ahaaaa...

"Naiihi na ako, punta Lang akong cr ahh! Dumiretso na Rin Kayo Ng Classroom baka matagalan ako Kasi madaming girls minsan eh" -habang pinapadyak Ang paa ko. Yun Yung act na para bang talagang naiihi ka, para di sila makahalata.

"Oh cge, tumakbo ka na baka dito ka magbaha" -sabi ni Ky. Tumango na ako at tumakbo pababa.

Sinimulan ko nang tumakbo papuntang rooftop, at Yun nandito na pala siya. Hala! Baka magalit siya, nakarating ako dito nakatalikod Naman siya di ko muna tinawag siguro makakaramdam Naman siya na may Tao eh.

And Tama nga agad siyang lumingon habang ako hingal na hingal sa pagtakbo.

"Oh, ayos ka Lang?" -pag aalalang tanong niya.

"Teka Lang, taym pers"  -sabi ko at huminga Ng malalim sabay buga Rin nito.

"Ano, ayos ka na?" -tanong niya ulit.

"Oo, pero teka anong ginagawa natin dito?" -pagtataka ko. My ghad don't tell me na...

"May gusto Sana akong sabihin sayo eh" -seryoso ang pagmumukha niya. Habang papalapit Naman siya, siya ring paglakas at bilis ng tibok Ng puso ko. Ano ba nangyayari?

"A-a-no y-un?" -nauutal Kong tanong. Pano ba naman di mauutal kinakabahan ako eh. Huminga muna siya Ng malalim sabay hawak sa dalawang kamay ko na ikinabigla ko Rin.

"Ro-c-co" -nauutal Kong mahinang pagsabi.

"Alam mo San, walang araw na di ko pinagsisihan lahat Ng masakit na ginawa ko sayo, Mula noon hanggang ngayon ikaw parin ang laman Ng puso't isip ko, maaaring nakikita mo akong nakangiti at nakatawa pero sa likod noon puro pagsisisi at pagluha, di Naman talaga ako nauna noon eh si Mel talaga, Kaya nga Hindi naging kami kasi ikaw Lang nandito oh" -sabay turo niya sa dibdib niya. Natatameme ako sa sinasabi niya. "Walang Gabi na Hindi ko pinagdarasal na Sana bumalik ka na sakin, na Sana makita, mayakap, at makasama kitang muli, Alam Kong araw araw tayong nagkikita dito sa school, pero iba Yung noon natin eh, Alam Kong di mo na ako mapagbibigyan sa hiling ko pero Sana Balang Araw" -natulala na nga ako, at ramdam ko na nagbabagsakan na Ang luha sa mga Mata ko, sa Kung anong pagbagsak nito, salo Naman lahat at napapawi Ni Rocco.

"Rocco, salamat dahil di mo ko kinalimutan noon pa man, di ko inaasahang parehas parin pala Tayo Ng nararamdaman, noon sa harap Ng mga kaibigan ko Parang galit lahat Ang nabubuntong ko sa tuwing napag uusapan ka namin pero Rocco Sana malaman mo Rin na Mahal pa Rin kita" -lakas loob ko nang binitawan Ang mga salitang Yan.

Ni isang Salita walang kasinungalingan lahat katotohanan at sa bawat pagbigkas may damdamin.

DON'T LET THEM FALL APARTWhere stories live. Discover now