XVIII

95 1 0
                                    

"ahh, Ruru paki ayos nga Yung mga baso Jan pakilagay nalang sa tray" -sabi niya. At dun din Ang oras na bumalik ako sa katinuan.

"Ahh, cge cge" -agad ko namang inayos Yung mga baso. Habang papalakas na Yung patak Ng ulan siya namang ikinabilis din namin sa pag iimpis.

Bababa na Sana nang hagdan si Gab sa sobrang dami Ng mat na dala niya, di na niya Makita Ang bawat hakbang na hahakbangin.

"Ahh Gab, ako na jan" -sabi ko syempre baka mahulog siya walang sasalo nandito Lang ako sa likod.

"Ah nope kaya ko na, Jan ka nalang sa mga baso at baka mabasag pa" -sabi niya, pero di ko siya tinigilan.

"Akin na nayan dito KayA ko Yan" -sabay kuha sa kanya Ng Ilan, isiningit ko Yun sa may kili kili ko diba ganun Naman habang dalawang kamay ko bitbit yung tray.

Pagkababa Ni Gab, agad niyang nilapag sa isang tabi Yung mga mat Ang muling humakbang. Teka wag niyong sabihin na aakyat ulit to?

"Akin na Yan tulungan na kita" -sabi niya, sabay kuha Ng tray na bitbit ko at muling bumaba.

Bumaba na Rin ako dahil baka abutin pa nang ulan, sumilong agad ako sa 1/4 roof nila. Pagkasilong ko sabay Ang pagbagsak ng buhos ng ulan. Sila Rocco NASA baba na pinauna na namin pati si Bianca pinauna ko na Rin.

Habang inaayos Ni Gab Ang ilang Mat dun sa may gilid na lilim, lumapit na ako para tulungan. Ngunit sa Hindi inaasahan biglang kumidlat at kumulog, napatalon siya sa gulat at napayakap sakin.

Bat ganto nararamdaman ko? Pero Ru tandaan mo kulog Lang Yun, Sana laging nakulog at laging nagugulat si Gab pag katabi ko.

Napatingin nalang siya sakin Ng akbayan ko. Halatang gulat na gulat siya.

"Ahhh sorry" -sabi niya, sabay kumawala sa Yakap niya.

"Di ayos Lang" -sabi ko at pinagpatuloy nalang Ang pag iimpis.

Pagtapos namin mag impis agad na Rin kaming pumasok. Bitbit ko Yung tray, iniwan na Yung mga mat sa labas.

"Iwan mo nalang Jan ako na Ang bahala Jan mamaya" -sabi niya. At naglakad papuntang Sala.

Iniwan ko nalang to tulad ng Sabi niya, syempre baka mamaya mabasag ko pa eh.

Pumunta na Rin ako Ng Sala at nandun silang lahat, nakaupo habang naulan naman sa labas.

"Ahh, ma'am Gabbi may tumawag PO kanina" -sabi nung Isa pa nilang Yaya.

"Ah Sino PO Yun?" -tanong Naman ni Gab.

"Ah si Khalil daw PO Yung kababata niyo, eh Sabi ko NASA Rooftop Kayo kasama mga kaibigan niyo, tatawag nalang daw PO ulit siya" -sinong Khalil? Bat Kung kailan nagiging malapit na ulit kami tsaka naman may eeksena.

"Ahh, cge po ya! Thank you po!" -napakagalang, tumango nalang yung Yaya at umalis. Di pa Rin maalis sa isip ko KHALIL, baka naman may Kailangan Lang.

"Ano punta ulit Tayo dito bukas?" -tanong ni Rocco. Kapal talaga Ng Muka haha

"Oo nga punta ulit Kayo, mahirap na pagnabored ako hahah" -sabi Naman ni Gab at nagtawanan.

Bat sa tuwing nakikita ko na natawa siya mas lalo akong napapaisip kung BAKIT?  Minsan nga mas masaya talaga siya pag Wala ako.

"Sasama ka ulit bukas?" -tanong sakin ni Bianca, habang nakayakap sa braso ko. Tiningnan ko Naman siya na para bang nag iisip ako Kung sasama ba ako o Hindi.

"Bro, Ru, bukas Kailangan nandito ka ulit" -sabi ni Marx. Bakit?

"Bakit?" -tanong ko.

"May pagpaplanuhan tayong gimik very soon" -sabi ni Marx. Hahaha super haba ng nguso nung sinabing SSOOOOONNN!!

"Anong Very Sooonnn?!" -ginaya ko siya, at siya namang ikainis niya.

"Basta sumama ka nalang bukas" -sabi ulit nito, Yung mga Babae Naman sa kanilang side nagtatawanan sa reaction na pinapakita namin.

"Nakakasira ka ng buhay Marx" -sabi ni Glai na tawa Ng tawa.

"Palibhasa Parang ikaw" -sabi Naman ni Ky. At dun nakitawa kami gawa sa sinabi ni Ky.

Gabbi's P.O.V
Super nakakahiya kaya Yung pagyakap ko sa kanya kanina. And mas nakakahiya Ang laki laki ko na takot parin ako sa kulog at kidlat.

Nandito kami sa Sala ngayon nagtatawanan, biglang lumabas si Manang.

"Hija, anong gusto niyong iulam para sa tanghalian para makapagsimula na ako" -tanong Ni Manang.

"Kayo guys? Anong gusto niyong ulam?" -tinanong ko sila.

"Sinigang!" -perfect favorite ko din Yun.

"Ahh, sinigang daw PO manang para po mainitan tiyan namin, padagdag na din PO Ng nuggets" -sabi ko.

"Oh cge hija, ipapahanda ko na Ang mga rekado" -sabi ni Manang.

"Salamat po Manang!" -sabi ko, ngumiti Naman si Manang at tsaka umalis.

DON'T LET THEM FALL APARTWhere stories live. Discover now