After Kong magpalit, bumaba na agad ako nakita Kong naghahain na si Mommy, si Yaya Naman nagtitimpla Ng juice at Yung Isa naming Yaya nagaayos ng table mat.
"Mom, tutulong na PO ako Jan" -sabi ko. Ngumiti nalang si Mom and it means ok. Pagtapos namin maghain syempre ako tinawag na si Daddy.
"Ah, anak wag palabas Labas Ng bahay ah, tatawag ka or magsasabi ka kila manang na Aalis ka, and manang wag mo pong papayagan umalis SI Gab ng Hindi nag papaalam mamaya mapaano ka pa Jan eh" -as she prove that she really concerned on me. Natatawa nalang si Dad habang nakain bakit Kaya?
"Dad, why are you laughing?" -curious Kong tanong Napatingin Naman sa kAnya si Mommy.
"Wala Lang anak, Kung maghabilin mommy mo Parang batang Bata ka pa" -sabi ni Dad sabay subo Ng kanin.
"Hon, I'm just protecting our Daughter, syempre nag iisang anak natin Yan eh" -sabi Naman ni Mom.
"Hon, Ang point ko Lang is NASA tamang edad na si Gab, let her prove na Kaya na niya mag isa, pano Kung nagkapamilya na siya Ng sarili Niya ibababy mo parin siya?" -tanong ni Dad. Super advance mag isip pamilya agad dad!? Magtatapos muna ako Ng college.
Ayun kumain nalang kami ng kumain syempre may kasamang kwentuhan, tawanan, at biruan. I'm super happy dahil ako Yung naging anak nila, and super swerte ko dahil sila ang magulang ko.
Wala na akong hihilingin pang ibang bagay, Basta buo kami at masaya hanggang dulo.
Sila mommy at daddy madalas may tampuhan ngunit naaayos din Naman agad. Ayaw Kasi nila pinapatagal Ang problema ni-isang beses di ko sila narinig na nagsigawan unlike other parents kahit sa harap Ng anak nila sigawan parin.
After namin kumain, nagpaalam ako Kay Mommy at daddy na aakyat na ako sa taas. Super Busog ako, Busog sa pagkain, busog SA pagmamahal, at Busog sa kasiyahan.
Naisipan Kong magbukas ng Facebook inadd pala ako Ni Ky. So Inaccept ko agad, di nagtagal nagmessage siya sakin. Di din Naman kami matagal nag chat sinabi ko na Rin Yung address namin at siya na daw bahala kila Sanya.
Kinabukasan, agad akong nagising nang marinig ko ang alarm clock ko. It's 6:50 AM naghilamos ako sa banyo at naligo. Ganun na Kasi ang routine ko maagang maaga naliligo na. Ngayon nga din pala ang Alis nila Mommy at Daddy, Kaya nagmadali na akong bumaba.
"ETO na pala si Gab" -sabi ni Dad.
"Good morning Mom, good morning Dad" -pagbati ko with matching beso.
"Good morning din sweetie" -sabay nilang Sabi at napatawa Naman ako.
"Mom, what time Alis niyo ulit?" -tanong ko.
"We need to leave by 7:00 AM Kasi traffic na daw this time eh" -sabi ni Mom, napalungkot ako kasi I thought we can still have bond today pero Mali. Ayos Lang Yun for me, Kasi I know it's for my future.
"Aw, ok mom" -sabi ko sabay hinarap nalang ang pagkain.
"Don't be sad na sweetie, bilhan ka nalang namin ng pasalubong, and Lalo na Yung favorite pastries mo" -nabuhayan ako sa sinabi ni Dad.
"Really? I'm not sad Naman dad eh, I know it's for my future din naman, that's why I understand why you need to do this thing" -sabi ko. Ngumiti naman si Mom at hinawi ang buhok ko at inipit sa tenga.
Matapos naming mag agahan, umakyat muna sila para kunin passport nila at iba pang gamit. For me Lang ahh bat ang daming gamit? One year ba sila dun? Super oa hahaha.
At exact 7:00AM lumabas na din Yung driver at sila Mommy.
"Take care mom, dad!" -sabi ko sa kanila habang nilalagay yung bagahe sa likod Ng kotse.
"You too sweetie" -then lumapit sila sakin at hinug.
"I'm going to miss you both" -sabi ko while naka hug sa kanila.
"We will too" -sabay silang kumalas.
"Cge na mom,dad bye!" -sabi ko at nag wave Kasi nag lakad na ulit sila palapit ng kotse at pumasok.
"Bye" -hanggang sa tuluyan nang maisara ang pinto nang kotse, tanging pag kaway nalang namin Ang nakikita.
Pumasok na ako sa loob ng bahay mag aayos dahil pupunta dito sila Ky. Share ko Lang outfit ko normal na pangbahay sando, short, and step in, syempre Naman may pang loob ako wag Kayo nakalugay na Rin Ang buhok ko.
Umakyat muna ako sa taas at nag cellphone. Siguro nag ayos din ako Ng kwarto haha. Ilang saglit nalang ay dadating na sila.
Ilang minuto ako nag hintay at Yan na sila. Pinabukas ko muna kay manang Yung gate at Sabi kong papasukin muna sila.
Ruru's P.O.V
Nandito na kami sa bahay Ni Gab grabe Ang yaman pala nila Napakaganda. Kung gaano kaganda Ang bahay nila triple pa Yung ganda niya. Teka bat ba ako ganto?Nagdoorbell na si Rocco, pero ang lumabas katulong yata nila to, Kasi nga di pa ako nakakapunta dito.
"Hello po! Good morning po! Nandyan PO ba si Gab?" -tanong ni ky.
"Ah Kayo PO ba Yung mga kaibigan Ni Gabbi?" -tanong Naman nung matandang Babae.
"Ahh opo, kami nga PO" -pagsagot Naman ni Rocco.
"Nandun siya sa taas pumasok na raw kayo sa loob may tatapusin lang siya" -at binuksan Naman Yung gate. Pumasok kami grabe Ang layo pa papuntang pinto. Pero pag dating namin sa loob...
"Wowww!!" -tanging rinig ko kila Ky. Pano ba naman sobrang ganda ng loob, high ceiling, with Crystal Chandelier. Museum yata to Hindi bahay Kasi every corner may paintings na nakatayo.
"Maupo PO muna Kayo" -sabi nung babae, at naupo nalang kami.
Grabe, di ako makapaniwala na nakatuntong na ako sa bahay Ni Gab. Habang pinagmamasdan namin Yung iba't ibang bagay dito sa loob, bigla siyang bumaba naka sando, short, step in, and lugay ang buhok. Bagay na bagay sa kAnya at para siyang prinsesa na nakatira sa isang palasyo.
"Hi guys! Sorry may tinapos lang ako sa room ko" -pagpapaliwanag niya.
"No it's ok, grabe Gab Ang ganda Ng bahay niyo malapalasyo tapos ikaw Yung Reyna" -sabi ni Ky.
"Ay thank you Ky" -sabi Naman ni Gab.
"Oo nga ikaw yung Reyna na tinakbuhan ng Hari, kumbaga Runaway King" -pang iinsulto Naman ni Rocco at natawa nalang kami.
"Tara sa may pool mas maginhawa dun o sa rooftop, san niyo gusto?" -tanong niya, Kung pupunta kami Kung Saan saan para bang nag house tour na kami.
"Ahh Sa rooftop nalang" -sabi nila syempre sang ayon nalang ako dun din Naman Ang gusto ko eh.
"Ahh ru, pano Kung ganto kalaki Ang bahay natin in the future ilan sa tingin mo anak natin?" -tanong ni Bianca. Ano anak? Future? Sabagay kami nga diba, Kaya di ko siya mapipigilan mag isip nang ganun.
"Hahaha, depende nalang" -sabi kong natatawa, hinampas Naman niya Ng mahina Ang braso ko..
"Tara na!" -sabi ni Gab at nanguna siya, sinundan nalang namin siya hanggang marating ang rooftop nila.