XX

94 1 1
                                    

Ruru's POV
Bat ganoon, hanggang ngayon di ako makatulog, iniisip ko lahat Ng ginawa Niya at Yung masasayang nangyari kanina. Wala Yung parents ko ngayon nasa Laguna may inaayos sa planta.

Habang nagrerewind lahat kanina, nagrerewind din Yung feelings ko sa kanya. May mga SANA na akong gustong bigkasin ngayon.

Sana di na natapos tong araw na to, Sana ganun parin ang Saya ko bukas Lalo na't pupunta siya dito,
Sana di na ako humingi Ng tulong Kay Bianca para mahalin siyang ulit,
At Sana bumalik kami sa dati.

Sa sobrang pag aaliw ko sa sarili ko nakaramdam ako Ng antok. KayA itinulog ko nalang Ito kesa magpuyat lagot ako sa preparation bukas.

Nagising ako ng bandang madaling araw, ang bigat Ng pakiramdam ko siguro antok Lang to. Bumaba ako para uminom ng tubig pero mas malala pakiramdam ko.

Kumuha na ako Ng unan at kumot sa guest room tutal nandito Lang din siya sa baba. Nandito na ako sa couch natulog na ginaw na ginaw kahit patay Ang aircon Ng bahay.

Gabbi's POV
Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Ruru, Sabi ko Kay Manong tatawagan ko nalang siya pag magpapasundo na ako at pumayag na Ito.

Siguro gising na Yun, agad akong nagdoorbell lumabas Naman Mula sa gilid Yung Isa sa Maid niya.

"Ma'am Gabbi? Ikaw PO ba Yan? Pasok po Kayo" -sabi ni Mary na Isa sa katulong nila.

"Hehe oo, nasan si Ruru may gagawin pa Kasi kaming report eh" -sabi ko.

"Ah nasa taas pa po yata, di pa PO Kasi ako nakakapasok ngayong araw Jan sa loob nandun PO ako sa garden eh" -sabi niya. "Pero bukas po Yang frontdoor" -dagdag pa nito.

"Ahh cge salamat papasok na ako ah" -sabi ko at tumango Naman siya. At bumalik sa garden.

Si Mary isa sa mga saksi nung pagmamahalan namin. Naging close din kami niyan, kaya siguro di na ngayon siguro nadamay siya dun sa mga bagay na nilimot ko.

Pumasok na ako Ng bahay nila, Wala paring pinagbago ganun parin Yung ayos, Wala yatang Plano Baguhin Ang style nito haha.

Nagtawag ako Ng nagtawag hanggang sa mayroon akong nakitang lalaki na nakahiga sa couch. Agad Naman akong lumapit at tignan. Si Ruru....nakataklob Ng kumot kahit Ang init Ng panahon Lalo na't umaga ngayon. Humahagalikik siya sa lamig teka...hinipo Yung noo niya Ang init niya....

"Ano ba Yan Ru may lagnat ka!!" -sabi ko. Napadilat Naman siya Kasi nabigla din naman ako eh.

"Ga-a-b" -sabi niyang pautal utal.

"Magpahinga ka nalang muna jan ako na muna Ang bahala" -sabi ko.

Tinawag ko si Mary humingi ako nang tulong sa iba pa nilang kasambahay, pero Wala daw Ang mga Ito nakaleave, bigla Naman may tumawag sa kanya Nanay niya daw pinapapunta agad siya sa probinsya dahil daw may sakit tatay niya.

"Ano maaa!?? Ku-must-a PO s-i P-apa?" -tanong niyang may namumuo nang luha. Pinakalma ko muna siya.

"Cge na Mary, umuwi ka na muna sa inyo ako nalang magsasabi sa sir niyo, at Ito oh pandagdag panggamot sa tatay mo" -sabi ko habang inaabot Yung pera.

"Naku, ma'am Gabbi wag na PO, nakakahiya na PO Salamat po" -sabi niya.

"Wag ka nang mahiya tanggapin mo na Yan, isipin mo na tulong ko Naman Yan sa lahat Ng kabutihan mo noon at Gabbi nalang itawag mo wag nang ma'am" -sabi ko at ngumiti. Niyakap ko siya habang naiyak.

Agad namang inimpake Ni Mary mga damit niya. At nag paalam na din sakin, Sabi ko Kasi ako na magsasabi Kay Ruru. Speaking off nakalimutan ko na....Dali Dali akong bumalik sa Sala at nilapitan siya. Ang taas parin Ng lagnat niya, siguro dahil sa ambon na pumapatak kagabi.

Ginising ko siya at sinabing lumipat siya sa kwarto niya. Papunta na kami ng niya, syempre ako go to alalay Kasi nanghihina siya this time eh. Pagkababa ko sa kanya sa higaan niya shems medyo mabigat ah, agad akong bumaba kumuha Ng maligamgan na tubig, at muli Naman akong umakyat para kumuha Ng towel.

Dahan dahan Kong ipinupunas Yung towel na basa sa noo niya, braso, at palad. Ayun tulog parin siya, di pa siguro nag aagahan to.

Bumaba na ako at tiningnan Kung anong pwedeng lutuin, di ko Naman Kasi natanong yun Kay Mary eh. Binuksan ko lahat ng foodkeeper dito sa kusina nila at may nakita akong noodles, pwede na to para mainitan din sikmura niya, nagprito na din ako ng bacon and egg, kumuha na din ako tubig at buti nalang may dala akong gamot dito sa little bag ko.

Itinaas ko na iyon habang nasa isang tray, buti nalang di ako bumagsak sa hagdan. Pagpasok ko sa kwarto niya ayun tulog parin, sa sobrang nanghihina siya di siya makagising Ng matagal. Pero Kailangan ngayon Kasi kakain siya Ng agahan.

"Ru..Ruru!!ruu!!" -sabi ko nang tinatapik braso niya, agad Naman siyang nag unat. "ah Ru kumain ka muna Ng agahan para makainom ka na ng gamot" -sabi ko. Dahan dahan Naman niyang idinilat mga mata niya.

"Ga-a-b, I'-m sss-oo-rr-y" -nauutal niyang sinabi. Napakunot Naman Ang noo ko.

"Ru, Kain muna Alam Kong di ka pa nag aagahan" -sinubukan niyang idilat mga mata niya at nagawa Naman niya, tinulungan ko siyang makaupo. "Oh eto" -sabi ko sabay isusubo ko na sana Yung kutsarang may noodles...

"A-ko n-a ja-n" -sabi niya. Syempre pinaubaya ko muna tignan ko nalang Kung KayA niya talaga.

Natatawa Naman ako Kasi Yung noodles na nakukuha niya, ayun nadudulas sa kutsara, Yung bacon at itlog Naman ayun natalon.

"Haha, ano di mo KayA? Ako na Kasi" -sabi ko at pansin Kong Napatingin siya sakin.

Sinubuan ko nalang siya pagkain at pagkatapos pinainom ng gamot at tubig. Medyo pinagpapawisan na siya, agad ulit akong nagsalok Ng maligamgam na tubig, at bumalik sa taas.

Wala na akong pake Kung di man namin naumpisahan Yung report namin ngayon, basta pag dating sa health isasantabi muna Yun, and next next week pa Naman Ang deadline may ilang days pa.

Pinunasan ko na ulit siya at hinubad Yung damit niyang basang basa nang pawis, oyyy walang malisya. Kumuha na Rin ako sa aparador niya ng sando para maginhawahan. Natulog na siyang muli habang ako nakatulog na din sa swivel chair niya sa kwarto.

DON'T LET THEM FALL APARTWhere stories live. Discover now