XXIII

101 4 10
                                    

Ruru's POV
Ang hirap pag gusto ka nang I let go nung taong pinakamamahal mo. Nasabi ko na lahat nang nararamdaman ko, ganun din Ang ginawa Niya. Nagulat na nga Lang ako dahil hanggang ngayon Mahal niya parin ako.

Akala ko Ito na Yung pagkakataon na babalik kami, pero Ito pala Yung pagkakataon na ile let go niya ako, para Lang Kay Bianca.

"Gab please, bumalik ka na" -nagmamakaawang Sabi ko. Gusto ko nang lumuhod pero pinipigilan niya ako.

"Ru, umayos ka, ayusin mo sarili mo, isipin mo na mas Mahal mo talaga si Bianca" -sabi ni Gab.

"Gab, triny ko na Yan Ng triny pero wala" -mahirap magdisguise, pero kakayanin.

"Matutunan mo Rin Yan" -sabi niya sakin, sabay hinawakan ang kamay ko. "Kahit nasa iba ka na, wag mong isipin na Hindi Kita minahal, kasi lahat ng love and care ko binigay ko sa'yo, Mahal kita, Mahal na Mahal Kita kaya gusto Naman kitang Sumaya" -lalong naguho Ang mundo ko nung binanggit niya Yung mga salitang Yun. Yung moment namin baliktad Parang siya Yung lalaki tapos ako Yung Babae.

"Eh pano Kung sayo parin ako masaya? Gab, please give me another chance to love you again, and this time patutunayan ko na walang dapat sayangin Lalo ka na" -sabi ko at Napatingin na siya.

"Eh pano si Bianca?" -tanong niya, agad Naman akong nagulat dahil may meaning na to.

"Handa akong Sabihin Ang buong katotohanan sa kanya, pero Gab sana pumayag ka na ulit" -sabi ko.

"Siguraduhin mong malalaman niya, kundi lagot ka sakin" -sabi niya nang natawa.

"So Gab, it means?" -takang tanong ko. Tumango Naman siya at niyakap ko.

"Thank you Gab!! Thank you!! Thank You!!" -sabi ko, ginawa namang tambol ang likod ko pero means na humiwalay na. Agad Naman akong humiwalay.

"Teka, wag ka munang magsaya may sakit ka pa" -sabi niya. Halata sa mga mata niya Ang pagmugto nito dahil sa kaiiyak.

"Tara Kain na ulit, pero yung part na Tayo na as in Parang date" -sabi ko, at natawa Naman siya.

Ito na Yung pinakamasayang araw ko, akala ko hanggang kahapon lang may mas ititindi pa pala. Ngayong nagkabalikan na kami sisiguraduhin Kong di siya magsisisi.

I'm so lucky to have her Kasi kahit nasaktan ko na siya noon nandito parin siya nagpatawad at nagbigay Ng second chance.

Sa Monday sasabihin ko na lahat Kay Bianca, Yun din Kasi Yung naipangako ko Kay Gab na sasabihin ko Kay Bianca.

Pagkatapos naming kumain, tumayo na si Gab at sinimulan nang iligpit ang pinagkainan namin. Tutulungan ko Sana siya....

"Wag na, maupo ka nalang dun, baka mabinat ka pa, lalong di makagawa Ng report" -sabi niya, sabay kuha sakin Ng Plato.

"Nakakatouch naman super caring Naman Ng soon to be wife ko" -napakunot Naman siya ng noo habang pinag iisa Yung tira tira.

"Che, sa report Yun!" -sigaw niya, sabay buhat ng Plato at dumiretso sa kusina. Bumalik Naman siya na may dalang pamunas Ng mesa at pinunasan Ito.

Kahit anak siya Ng mayaman walang arte, ni Hindi nga naglalagay Ng Kung Anu anong kolorete sa mukha. Di Tulad Ni Bianca Hays naku laki sa luho.

Bigla Naman sumagi sa isip ko na ikinukumpara ko na pala silang Dalawa.

Mag-gagabi na, pauwi na sana si Gab hinihintay nalang yung sundo niya, biglang bumuhos Ang napalakas na ulan sa labas.

Nasa London nanaman daw ulit parents niya ngayon, sa kadahilanan na may bagong mag ssponsor dito.

"Oh Bakit?" -tanong ko. Kasi kanina pa siya natataranta.

"Di ko Kasi makontak si Manong" -sabi niya.

"Itext mo na wag ka nalang sunduin, mahirap Ang signal pagtatawag ka pa"  -sabi ko. Agad Naman siyang Napatingin sakin.

"Wag sunduin? Haler, San ako matutulog?" -tanong niya. Heto nga pala ako ngayon suot suot Ang napaka-kapal na jacket.

"Dito ka nalang matulog, behave Lang ako promise" -sabi ko with matching taas kanang kamay pa ah!.

"Oh cge" -sabi niya sabay text sa driver niya. "Eh teka, San ako matutulog?" -tanong niya ulit.

"Sa guest room, para walang malisya" -sabi ko at Kita Kong kampante Ang loob niya.

"Oh cge, thank you ha!" -sabi niya.

"No, thank you for this day, dahil you made me so happy" -sabi ko sabay niyakap siya, at yumakap din Naman siya.

Kumalas na agad kami sa pagkakayakap at tinuro na Kung Saan Yung guest room. Pagkapasok niya, nag goodnight na siya sakin, at sinara Ang pinto.

Pumunta na Rin ako sa taas para magpahinga. Kailanman di ko malilimutan tong araw na to, bakit sa lahat ng drama na nangyari sa buhay ko Ito Yung natapos sa sobrang saya.

Ngayon nakahiga na ako sa higaan, sobrang init at bigat parin ng pakiramdam ko. Sa sobrang init ng mata ko, naisipan ko nalang ipikit Ito, hanggang sa makatulog ako.

Gabbi's POV
Nandito ako ngayon Sa guest room, dito muna ako pinatuloy Ni Ruru Kasi sobrang lakas parin Ng ulan hanggang ngayon.

Tama nga ba yung ginawa ko? Pasensya nagpakarupok ulit ako sa taong binigay ko Yung buong tiwala ko nun, nasayang Ng Ilang taon, pero mas sulit dahil napatunayan niya na Hindi nawala Yung pagmamahal niya.

Sa hinaba haba nang kadramahan namin kanina, nawala yung sakit na nararamdaman ko. Actually Wala na talaga, bumalik Lang Yung konting sakit na para bang kinurot ka.

Nakokonsensya ako dahil masasaktan ko si Bianca, pero Sabi nga Ni Ruru siya na daw bahala mag Sabi Kay Bianca. And at this time I put my trust in him again.

Nagising ako nang 3:00AM ichecheck ko si Ruru sa taas. Syempre may sakit nga siya eh. Agad akong pumunta sa taas, nandoon siya Ang himbing ng tulog habang nakataklob ang kumot sa katawan niya.

Oo nga pala 3:00AM, Kailangan niyang uminom Ng gamot. Huling inom niya is 9:00PM so bumaba ulit ako, kumuha Ng gamot sa sling bag ko at nagsalok na Rin Ng maligamgam na tubig.

After Kong iprepare lahat Ng iyon, agad akong bumalik sa taas. Naghanap ng bimpo sa aparador niya, at tsaka bumalik sa kanya.

Hinawakan ko Yung noo niya, mabuti Naman at bumaba baba na Yung lagnat niya, pero Kailangan parin niyang inumin tong gamot. Nakapatay
Na Rin aircon Ng kwarto niya, tanging sliding window nalang Ang nakabukas Ng konti para kahit papaano may hangin.

"Ru, Ruru!! Bangon ka muna para uminom Ng gamot" -panggigising ko sa kanya. Agad Naman niyang idinilat mga mata niya..

"Bat gising ka pa?" -tanong niya. Ang aga aga tanong.

"Shh..inumin mo na tong gamot para mapabilis Ang paggaling mo" -sabi ko. Sabay abot ng Gamot at tubig. Pagtapos niyang inumin Ito pinabalik ko na siya sa pagkakahiga, at ipinikit niyang ulit yung mga mata niya, siguro tulog na to. Pinunasan ko na Rin Ang noo at braso niya nang may maligamgam na tubig.

DON'T LET THEM FALL APARTWhere stories live. Discover now