XXX

93 3 3
                                    

Gabbi's POV
Natapos itong araw na to na sobrang Gulo, di ko man lang natapos yung plans for our camp may time pa Naman sa bahay kaya dun ko na tatapusin.

Nandito na ako ngayon sa gate hinihintay sundo ko, actually nahihilo nga ako eh konting konti nalang gusto ko nang bumagsak.

Maya Maya may tumawag sakin, nilingon ko Naman si Ruru Lang pala. Agad Naman siyang lumapit, napaupo nalang ako sa bench sa may gate.

"Ah Gab, dun nga pala sa nangyari kanina pasensya ka na di mo tuloy natapos Yung Plano mo" -sabi niya. Habang ako hinihilot ulo ko.

"Ah, Basta wag niyo nang uulitin Yun" -sabi kong matamlay napapikit nalang ako dahil ba Parang may tumusok sa utak ko.

Ruru's POV
Nandito ako ngayon Sa gate kasama si Gab, nagsorry ako about dun sa nangyari samin kanina Ni Kiko. Di ko Rin pala muna sasabihin na plinano lahat Ng Yun ayaw Kong dagdag isipin muna.

"Ahh Basta wag niyo nang uulitin Yun" -sabi niya Ng matamlay, habang hinihilot ulo niya.

"Gab, ayos ka Lang ba?" -tanong ko sa kanya. Tumingin Naman siya sakin.

"Ah oo ayos Lang ako" -balak ko na Rin humingi nang sorry dahil dun sa Hindi ko pagsasabi Kay Bianca.

"Tara dun sa may plaza para maginhawa" -tutal dun din Naman siya pwedeng sunduin malapit Lang Naman Ang plaza sa school, pataas Lang siya actually.

Nandun na din Naman nakaparada kotse ko, yes pumayag si Mom na magdrive ako mag Isa, tutal malaki na daw ako Basta mag iingat.

Pumayag Naman siya at agad kaming dumiretso Doon, naupo din Ito na Sana Yung chance ko na sabihin lahat.

Maya Maya biglang may tumawag sa kanya, kinausap Ito habang patuloy sa paghihilot Ng ulo niya.

"Ahh cge po" -yan ang huli niyang nasabi at natahimik.

"Bakit Gab, may problema ba?" -tanong ko sa kanya.

"Di daw makakarating si Manong nasiraan daw, magcocommute na ako, cge Jan ka na baka matraffic pa ako" -sabi niya, di pa siya halos magkakalayo mga tatlong hakbang palang agad akong lumapit sa kanya.

"Wag ka na magcommute, ihahatid na Kita, dala ko Naman kotse" -sabi ko.

"Hindi na, kaya ko na, salamat!" -sabi niya at ngumiti.

"Hindi, sumabay ka na baka mamaya mapaano ka pa Jan eh!" -sabi ko.

"Ikaw na bahala" -sabi niya, at pumunta na kami sa may kotse ko. Pagbubuksan ko palang Ng pinto Ng....

"Ru..." -mahina niyang Sabi sabay tumba, mabuti at nasalo ko Naman.

"Gabbb.." -panggigising ko sa kanya, pero ayaw, sinakay ko na siya sa kotse at Doon pinilit gisingin.

Kanina ko pa nahahalata, na lagi siyang nakawahak sa ulo niya. Siguro marahil sa stress, Lalo na kanina nung sinermonan kami dahil sa pag aaway namin Ni Kiko, Isa pa Yung ginagawa niyang planner.

Patuloy ako sa paggising sa kanya, binuksan mo nalang Ang bintana, inihiga ko Yung sandalan para mas kampante siya.

Maya Maya nagring phone niya, teka pano ba to? Kinuha ko Yun sa bag niya at sinagot Ito, Wala namang password Ito at baka importante KayA sinagot ko na.

"Hello, Gabbi anak" -tinig ng isang lalaki Mula sa kabilang linya. Tignan ko Yung phone daddy niya pala.

"Ah hello po Tito" -lakas loob Kong sagot dito, kesa Naman manahimik Lang ako.

"Sino ka? Nasaan Ang anak ko?" -alala niyang tanong, syempre daddy siya Ni Gab.

"Ahh Tito kaklase PO ako Ni Gab, pasensya na PO ako Yung sumagot Ng telepono niya, sumakit PO Kasi ulo Ni Gab eh bigla nalang PO siyang natumba" -pagpapaliwanag ko naman Ng maayos.

DON'T LET THEM FALL APARTWhere stories live. Discover now