XXXV

104 2 1
                                    

Agad ko nang pinababa Yung handle ko, nauna pa pala sila Ky pinauna ko na muna Yung mga students habang ako ayun binabalik pa sa case Yung gitara Ni Cedric.

Ruru's POV
Halos tulog kaming lahat sa bus kanina, and as usual kalapit ko si Bianca, bat pa Kasi siya Yung pinares eh. Di ko pa nakikita si Gab Mula nung umalis kami kanina.

May nakapagsabi sakin na dumating na daw Yung bus nila agad akong tumakbo para salubungin sila.

Pagkarating ko dito, nagbabaan pa Yung nga studyante di ko pa nakikita si Gab, baka nakababa na. Halos nakababa na lahat Ng studyante at nakuha na gamit nila, bat di pa naalis Yung bus.

Maya Maya biglang bumaba si Gab, nakablue t-shirt tacked in maong pants na fit, nakaflat na keds shoe at nakafold Yung dalawang kamay sa damit niya.

"Hi Gab, ako na Jan" -sabi ko at kinuha Yung bag na bitbit niya at inalalayan siya pababa Ng hagdan Ng bus.

"Ahh thank you! Kanina pa Kayo?" -tanong niya.

"Ahh oo" -sagot ko Naman.

"Cedric!!" -tawag naman Ni Gab dun sa isang handle niya, at lumapit Naman Ito. Sinauli Lang Yung gitara. Wag Kang magselos Ruuu!!!

"Nasaan na sila?" -tanong niya.

"Ahh nandun sa convent" -yeah may convent dito. "Kamusta biyahe?" -tanong ko habang naglalakad na kami.

"Ayun masaya, puro kantahan, Kayo?" -tanong Naman niya.

"Ayun tulog lahat" -sagot ko at natawa Naman siya.

"Eh Yung partner mo?" -ayun Yung bagay na iniiwasan Kong marinig.

"Nandun sa group namin" -sagot ko Naman. At dumiretso Naman kami Ng paglakad hanggang marating namin tong convent na to.

Agad Naman siyang umakyat sa may stage, yeah may stage siya na malaki.

"Ok maglunch na muna Kayo, Alam Kong pagod Kayo sa biyahe, at mamayang 3:00PM sisimulan na natin Ang pag akyat sa bundok" -nagsigawan Naman Ang lahat at sinimulan nang kumain nang tanghalian.

Eto katatapos ko Lang kumain Ng tanghalian, kanina ko pa napapansin na paikot ikot si Gab at di siya natigil. Agad akong lumapit sa kanya.

"Gab!" -tawag ko sa kanya.

"Oh?" -tanong Naman niya habang may hawak na board then paper.

"Naglunch ka na ba?" -tanong ko.

"Tatapusin ko muna tong pag iikot ko, para sure na nandito na Ang lahat" -sagot Naman niya.

Tinawag ko Naman si Rocco, at lumapit Ito kasama si Sanya her loves daw haha. Kinuha ko Yung board at papel pati na Yung ballpen Kay Gab at inabot Kay Rocco.

"Bro, Kayo muna tumapos niyan magtatanghalian Lang si gab" -sabi ko.

"Ano ka ba Ru! KayA ko Naman eh" -sabi ni Gab, sabay kuha ulit nung binigay ko Kay Rocco.

"Wag nang matigas ang ulo, namumutla ka na oh kaya hayaan mo na sila Yung tumapos" -sabi ko at inabot ulit Yun Kay Rocco.

"Pero Ru---" -di na niya natapos nang magsalita ako.

"Shh...hayaan mo na sila, cge na pre" -sabi ko at tumango Naman si Rocco sinimulan na nila Ni Sanya Ang pag iikot. Hinila ko Naman si Gab Doon sa lugar Kung nasaan gamit niya.

"Dapat Kasi hinayaan mo nalang ako na tapusin Yun, pati responsibilidad ko Yun" -sabi Naman niya.

"Halos tapos na ang lahat kumain, ikaw di pa" -sabi ko sabay kinuha niya Yung tumbler niya sa bag niya.

"I said I'm ok, I'm fine" -sabi niya, sabay lagok Ng tubig. Agad namang nagsibagsakan Yung pawis niya sa mukha. Agad akong kumuha Ng towel tutal malapit Naman bag ko dito.

"Ok ba Yan? Pinapawisan tapos namumutla, Yan ba Ang ok?" -sabi ko sabay punas Ng towel ko sa kanya. "Sa ayaw't gusto mo magtanghalian ka na! " -sabi ko sa kanya, Parang Bata Naman Kasi ayaw makinig.

"Ok fine, Wala na akong magagawa Ang hirap makipagtalo sayo" -sabi niya. Mabuti Naman.

"Mabuti Naman Kung ganun, gusto mo tinola?" -tanong ko, tumingin muna siya sakin at natawa.

"Jusme marimar Yung Tinola" -halakhak niya.

"Bakit? Dun Naman Tayo nag kabalikan, Yun din Yung nagpalapit satin KayA may ALAMAT NG TINOLA na ngayon" -sabi ko. Natawa Naman siya Lalo.

"Ang corny mo, bahala ka na nga jan" -ako pa corny eh siya nga tawang tawa. Akmang aalis na Sana siya nang hawakan ko yung kamay.

"San ka nanaman pupunta? Di ka pa nananghalian" -sabi ko.

"Ano ba? Pupunta ako dun kukunin ko tanghalian ko" -sabi niya at umiling iling. Nakakahiya....

Gabbi's POV
Super weird nang kinikilos Ni Ruru ngayon, hayssss pati pagkuha nalang Ng tanghalian ko aalamin pa, jusme Lord San mang lupalop Ng mundo pumunta Ang tunay na kaluluwa Ni Ruru sabihin niyo bumalik na, namemerwisyo Lang to eh.

Di nagtagal agad akong bumalik Kung nasaan yung bag ko. Nandun parin siya, tapos si Bianca kinakausap siya, di Naman niya pinapansin nakaupo Lang nakatunganga.

Agad akong lumapit para kunin Yung bag ko. May something siguro tong dalawang to, ano LQ agad?

"Oyy, Ru...mamansin ka Naman" -sabi ni Bianca, habang kinukuwit yung balikat Ni Ruru.

"Oyy Ru pansinin mo Naman kanina ka pa yata sinusuyo Ng Girlfriend mo" -sabi ko sabay natawa. Tumingin Naman siya sakin sabay kunot Ang noo.

Agad kong kinuha bag ko, inayos ko muna pala Yung laman bago ko iangat at bumalik dun sa may Kubo kanina.

Natatawa nalang ako habang iniimagine ko si Ruru at Bianca kanina. Maya Maya dumating si Ky.

"Oh Gab mag Isa ka Lang?" -tanong niya.

"Obvious ba? Hahaha joke, Sino kasama mo?" -tanong ko Naman sa kAnya.

"Ah si Aj dapat eh pumunta muna nang restroom, ngayon ka Lang nananghalian?" -tanong ulit niya, sabay umupo sa tabi ko. Ako Naman kinuha phone ko at chineck Ang oras.

"Yes, ikaw kumain ka na? Sabay Tayo oh" -pag aalok ko nang pagkain sa kanya.

"Ah, tapos na salamat, sige samahan muna Kita" -sabi niya.

"Thank you!" -sabi ko sabay patuloy sa pag Kain.

"Bat ka nga pala natatawa kanina?" -tanong niya, Hala nahalata.

"Omg! Nahalata mo Yun?" -tanong ko Naman with matching laki mata.

"Magtatanong ba ako Kung di ko nahalata?" -ahh pilosopo din ...hahah joke..."eh ano nga?" -tanong niya ulit.

"Ahh Wala si Bianca Kasi at si Ruru" -sabi ko Naman.

"Eh ano Naman sila?" -puro tanong hahaha okay Lang...

"Kasi kanina kukunin ko Sana tong bag, eh nakita ko sila si Ruru nakaupo Lang tapos nakatunganga tapos si Bianca kuwit Ng kuwit Kay Ruru di Naman siya pinapansin" -sabi ko. At natawa din siya. "Oh napatawa ka din?" -tanong ko, habang nililigpit ko na Yung lunchbox ko dahil tapos na ako mananghalian..

"Eh Kasi Alam mo na....." -sagot Naman ni Ky, nag apir kami tapos nagtawanan na.

It's 3:00 PM we need to go para maakyat Ang Mt Batolusong, so innanounce ko na Aalis at aakyat na kami sa bundok na iyon. Pinaprepare ko na Yung mga naka assign every patrol group.

Sinimulan na namin akyatin ang Mt Batolusong, marating namin ang tuktok magdidilim na, Ang ganda ng tanawin, maaliwalas sa tingin, at di ka mag sasawa.

Napawi Ang pagod namin pag akyat nang makita Yung tanawin na Yun. Sana ganun parin kaperfect tignan Ang mundo outside, at Sana humalintulad siya sa buhay ko.

Ngayon narerealize ko na para pala siyang buhay ko, ang ganda tignan pero may darkness na umaaligid.

Hindi sa lahat Ng oras dapat liwanag Ng buhay natin Ang nakikita, nakikita Lang Ito pag napagtagumpayan mo na Yung pagsubok na binigay sayo.

Sana dumating Yung panahon na Kaya kong maging liwanag sa madilim Kong buhay. Kasi iba pag mismong ikaw diba?

DON'T LET THEM FALL APARTWhere stories live. Discover now