CHAPTER 06

367 30 1
                                    


Kinabukasan. Gabi na ako umuwi, di ko alam kung may lakas ako para sabihin kela mommy at daddy na buntis ako.

"Go girl! Kaya mo yan" sabi ni Kris.

Hindi ko na sila pinasama sa loob dahil baka kapag iniwan nila ang kotse ni Kris baka nachop chop na yun.

Pag bukas ko ng pinto nakita ko agad ang nakasimangot na mukha ni mommy. Nakita ko naman si daddy na mukha kakauwi lang din.

"Daddy pwede ko po ba kayong makausap ni mommy?" sabi ko ng makalapit kay daddy

"Oh sige" sabi niya tsaka tinawag si mommy.

Kaming tatlo lang ang nasa sala ang dalawa kong kapatid ay natutulog na.

"Mommy, daddy. S-sorry po" nakayuko kong sabi.

"Mabuti naman at may gana ka pang magsorry matapos mo akong bastusin!"

"Mommy, daddy b-buntis p-po a-ako" nauutal utal kong sabi. Ramdam ko ang mainit na likodong bumabaksak pababa sa pisngi ko.

"Mommy---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang malakas na pagsampal niya sakin, dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko.

"Putangina! Ria naman! Makakapagtapos ka na! Ikaw na lang ang maaasahang tumulong samin! Bakit ka naman agad nagpabuntis!" Sabi niya at sinampal naman ang kabilang pisngi ko. Ako naman ay walang nagawa kung di umiyak na lang.

"Nagsisimula pa lang tayo! Ano ka ba naman Ria! Wala kang kwentang anak! KUng kelan makakapagtapos ka na tsaka ka pa madadapa!? Sino ang tatay?" Sigaw pa ni mommy.

"Sino ang tatay?"

"Hindi ko po kilala" hindi ako makatingin sa kanila.

"Jusko naman! Bakit hindi mo kilala? Ano sa kung sino sinong lalaki ka lang bumubukaka!?" halatang galit na galit siya.

"Isang beses lang po, hindi ko naman po alam na makakaganto."

"Hindi ka naman tanga diba? bakit di mo alam yung mangyayari?! Ipapalaglag mo yan, o lalayas ka na sa pamamahay na 'to!? Dahil ayokong madagdagan ang palamunin sa bahay!" Sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko. Tumingin ako kay daddy para manghingi ng tulong.
Pero umiwas lang siya ng tingin sakin.

"Ayoko naman pong ipalalaglag ang bata. Tao din 'to, may karapatang mabuhay."

"Edi lumayas ka" sabi niya at mahigpit na hinawakan ang braso ko at dinala sa kwarto.

"Mag impake ka na"

"Mommy--"

"Bilisan mo!"

Nakita ko ang mga kapatid ko na umiiyak sa pinto. Lumapit sakin si Rica ang bunso naming 6 years old.

"Ate, don't cry." Sabi niya habang yakap yakap ang favorite niyang teddy bear tsaka pinunasan ang luha ko.

"Rica, lumayo ka diyan sa ate mo, baka mahawa ka sa kalandian niya" nagulat naman ako ng makita ko si daddy at hinila si Rica.

"D-dad--"

"Mag-impake ka na." He cutted me off.

"Matulog na kayo! Balik sa kwarto!" Sigaw ni mommy at agad nilang sinunod.

"Ikaw bilisan mong mag impake!" Sabi niya tsaka iniwan ako. Matapos mag impake ay  hinila na ako ni daddy pa labas.

"Wag ka ng bumalik.  Ayokong makita ang walang kwenta kong anak" sabi niya tsaka iniwan ako sa labas.

Isang beses lang naman ako nakamali, pero bakit kung magalit sila ay parang ang dami dami kong ginawa. Kala ko maiintindihan nila ko, kasi ganon din yung nangyari sa kanila but no. 

Hindi ko din ginusto ang batang ito, pero ayoko siyang ipalaglag, or ipaampon. Dahil anak ko 'to, at ako ang dapat mag-aalaga, at mag aaruga sa kanya. I opened my legs for him, kaya paninindigan ko 'to.

Pagka labas ko ay madami ng chismosang nakaabang.

'Mga Human CCTV'

Pumunta ako sa kanto kung saan nakaparada ang sasakyan ni Kris.

"What happened?" Elle ask me.

"Ayon napalayas. Gusto nga nilang ipalaglag ang bata," mapakla akong natawa. "Parang di nila kadugo ang anak ko. Bakit ba ganto yung nangyayari sa buhay ko, and i can't handle it anymore. I wanted to end this shits" sabi ko tsaka mabilis na pinunasan ang luha ko.

"Shhh. Wag ka ng umiyak, nandito lang kami ni Kris para damayan ka" sabi niya tsaka niyakap ako.

"I love you guys" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa.

"Wag ka naman dumikit masyado yung dede mo. Kadiri!" Maarteng sabi ni Kris 

'Arte!'

Hinatid muna namin si Elle sa penthouse ng boss na nilalandi niya.

"Bye see you next sunday" sabi ni Elle tsaka hinalikan ang pisngi ko. Nung si Kris na ang ibebeso niya ay bigla itong lumayo. 

"Subukan mong lumapit, kung di sasabunutan kita" maarteng sabi niya.

"Arte ampota. Bye na nga" sabi niya tsaka pumasok na sa building.

"Tignan mo baka si Elle na yung mabubuntis niyan. Ang landi kasi" natatawang sabi ni Kris.

"Baka ikaw" sakay ko sa biro niya.

"Gaga wala akong matres! Pahiram naman" sabi niya ahilan para magtawanan kami.

Pagkadating namin sa condo ay tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit. Tsaka tinanong niya kung itutuloy ko pa ba ang pag aaral, pero sabi ko na wag na dahil hindi pa ako nakakapagbayad ngayong 4th semester. Wala na rin kasi akong pera, buruin mo 80,000 pesos per semester. 

"Ano yung magiging trabaho mo?" kapagkuwang tanong niya. 

"Susubukan kong magmodel kasi pagka search ko 40,000 pesos per months kaya kayang kaya ko yon, pero siguro kapag mga 5 or 4 months na titigil na ako kasi malaki na ang tiyan ko non. Tas magtatrabaho na lang ako sa mercury tutal karamihan sa cashier nila buntis HAHAHAHA charot" i joked.

"Luh tawang tawa ka na niyan. Baka mamatay ka na niyan?" biro ko pa kaya nagtawanan kami.

Kinabukasan. Naabutan ko si Kris na busing busy sa pag-i-scroll sa phone niya.

Syempre chismosa ako kaya tinignan ko.

OH MY GOSH! Same girl i saw before! My gosh ang ganda. Wait kapatid ni Brent, and Brentley.

Nakita kong id-DM niya ito kaya pasimple kong binabasa yung convo.

SERYOSO BA 'TO?!!

From: Brielle_Garcia.

Bala ka sa buhay mo punyta ka!

To: Brielle_Garcia.

Sorry, baby. Please forgive me. I'm sorry.

From: Brielle_Garcia.

Punyeta ka! Wag mo akong kausapin!

To: Brielle_Garcia.

Friend ko lang 'yon. I love you.

"Waaah! Bakla lalaki ka na?!!" Malakas na tili ko.

"What the fuck?!" First time kong marinig ang baritono nitong boses.

"My gosh!" tili ko pa. "Ang panget mo HAHAHAHA" i lied

Well pogi talaga siya. Tanned skin, brown eyes, pointed nose, broad shlouder, white teeth, manly jawline, 8 packs abs (like Brent), long eyelash, thin and natural pink lips, dimples, thick brows. Pero di ko siya bet. Ewww.

"Wag kang maingay, Ria" inis na sabi niya.

"Kelan pa yon?" nakangiting tanong ko. Mas gusto kong magkagirlfriend siya ng babae, hindi gaya ng mga boylets niya na puro iphone, at spatos ang hinihingi.

"Nung nakaraang buwan lang." Sabi niya dahilan para mapatili ako ng malakas.

'Kinikilig ako!'

Save Me From Sadness(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon