CHAPTER 05

384 30 0
                                    

THAT GIRL IS STILL driving me crazy. She's still on my mind, and i can't erase that hot night. The scene happened two months ago and she keeps hunting me in my dreams. I can't remember her name, and I can't even remember her face... maybe if I see her again maaalala ko.  I wanted to see her again.

I will find you baby. Soon.

2 MONTHS LATER buti na lang at wala akong pasok , at day off ngayon ni Elle. At nasa condo nila ako ngayon.

6:12 ngayon ng umaga, nagluluto si Elle ng sinangag na punong uno ng bawang dahil ayon ang favorite naming tatlo, nagluto din siya ng tocino, at tapa.

"Hoy ang baho naman niyan!" Reklamo ko.

"Mabaho ka dyan, gaga ang bango nga diba Kris?" Tumango lang si Kris.

"Mabango ba? Bat ang baho as in. Kadiri, parang ayoko yan kainin. Or baka naman si Kris lang yung mabaho?" Sabi ko tsaka pumunta sa harap ng ref, kasi may hinahanap akong pagkain. Nang mabuksan ko ang ref ay parang biglang bumaliktad ang sikmura ko at agad akong pumunta sa lababo para sumuka.

"Hoy! Gaga Anong nangyari sayo!?" Nag- aalalang tanong ni Elle, habang hinahagod ang likod ko. Sumuka lang ako ng sumuka hanggang sa wala na akon nilabas.

"Hoy bakit? Baka kinakarma ka?" Nag aalalang sabi ni Kris, pero syempre laging may baong joke si bakla.

"Di ko alam, baka may sirang pagkain sa ref niyo kaya nangangamoy na? O baka naman may nakain lang ako na sira." Di ko sigurado sa mga isasaot ko kasi wala pa akong kinakain.

"Tanga mo naman kung di mo naaamoy yung sira na amoy" Biro ni Kris pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero di pa din maiwasang magtaka kung bakit.

Basta nagigising na lang ako ng sama na ang pakiramdam ko yung tipong parang gigising na lang ako para sumuka ng tubig, tas lagi nahihilo ako, at napaka sensitibo ng pang amoy ko.

"Gaga walang luma dyan sa ref, kalilinis lang niyan kahapon at kabibili lang ng mga pagkain na nasa loob diyan."

"Malay ko basta. Kris bili mo naman ako ng pakain, kahit egg pie, mango float, puto, siopao, tsaka chocolate shake" Utos ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ano may pinatabi kang pera? Tsaka ang dami niyan Ria Valerie" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nakakainis!

"Dali na, babayaran ko na lang" inis kong sabi.

"Aba attitude ka?"

"Dali na" I pouted.

"Oo na sige na, bayaran mo ah. Nyeta ka" sabi niya at tango lang sinagot ko.

Lumabas na si Kris aa bumili. Naramdaman kong may bumatok sakin.

"Aray ko naman!"

"Alam mo, alam ko na yung mga sintomas ng ganyan e" Sabi ni Elle na kinakunot ng noo ko.

"Anong sintomas? Nakakamatay ba yon?" Sa totoo lang takot akong mamatay.

"Sakit ng kalandian" Wika niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Alam mo Ria, wag ka ng mag maang maangan. Matatanggap naman namin na buntis ka e" Sabi niya na kinalaki ng mata ko.

"Ako b-buntis? Nako malayo yan. Well aaminin ko naman nitong mga nakaraang buwan ng unamg beses akong nakilag ano---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng napasigaw siya sa gulat.

"Huh?!" Gulat na sigaw niya.

"P-pero di ako buntis. Sure yon" Sabi ko at ngumiti.

"Well titignan natin mamaya" Sabi niya at bumalik sa pagluluto.

"Sige kailan ka huling nagkaron?" Tanong niya at ako naman ay inalala kung kelan ako nagkaro

"Di ko na maalala, basta matagal na. Delayed lang ako--"

Maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Kris, malamang nandyan na ang pagkain. Agad akong lumabas ay kinuha ang pagkain sa table. Iinom na sana ako ng chocolate shake kaso pinigilan ako ni Kris at iniabot ang isang paper bag.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.

"Pinabili lang yan ni Elle" sagot niya.

"Try mo" Rinig kong sabi ni Elle.

Tinignan ko muna kung anong laman, nagulat ako ng makita kong Pregnancy test.

"Hindi na ako buntis" Giit ko pa.

"Kung hindi edi patunayan mo" nanghahamon na sabi ni Kris.

"Sige" sabi ko tsaka pumasok ng banyo. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Malay mo positive, anong ipapakain ko sa bata. Nagsisimula pa lang kami ulit wala pang sapat na pera para lang mapakain sa bata. Kung kami nga ay nahihirapan kami sa pangkain araw araw, paano pa kaya kung dumagdag pa ang bata.

I peed and I put a little urine on the absorbent pad, then come out.

"Anong result?" Tanong ni bakla.

"Wag kang excited"

We waited five minutes before seeing the result. At first i saw a one red line. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. But suddenly i saw one red line again.

"It's positive" tili ni bakla

No! Hindi pwede!

"Sino ang tatay?" Seryoso naman si Elle. Iling lang ang sinagot ko, ayokong sabihin. Well alam ko naman yung mga kagaya niya na parang one night lang tas boom he will dump me somewhere kasi... kasi pang isang gabi lang ako.

Hindi naman sa judgemental, pero kasi yung mga ganong mukha yung mukhang sex lang ang habol sa babaeng gaya ko. Mga lalaking ayaw pa magkaanak, at kaya lang gawin ay makilag sex.

"Kung hindi mo sasabihin kami na mismo ang maghahanap, at kami na din ang magsasabi" Banta ni Kris na kinailing ko. Ay shet parang lalaking lalaki siya today.

"Wag" mahina kong sabi.

"Edi sabihin mo na" Sabat ni Elle.

"Promise hindi niyo siya guguluhin" Sabi ko na kinatango lang nila.

"S-si B-brent Martin Garcia" Nauutal kong sabi.

"Ay shet, bakla di porket crush mo 'yon ay mag aassume ka na" Biro ni Kris.

"Totoong siya nga" Sabi ko at kinuha ang phone at pinakita ang picture kung saan natutulog si Brent at pinicturan ko mag isa.

"Ay shuta kaswerte! How ba yarn?" Pabirong tanong ni Elle.

"Sanaol may metres" Sabi naman ni Kris na kinatawa namin.

Ang dapat ay mabigat na usapan ay naging magaan dahil sa gaguhan nila.

Matapos ang buruan nila ay sumiryoso na ang mukha nilang dalawa at tumingin sakin.

"Paano mo yan sasabihin kela tita tsaka tito?" Kapagkuwang tanong ni Kris.

"Hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng panggatas ng bata, tsaka ilang buwan na lang gagraduate na ako, tsaka baka nga palayasin ako." Sabi ko at hindi ko namalayang may tumutulong luha na nanggagaling sa mata ko.

"Edi dadamayan ka namin. Tulungan tayo sa pagpapakain at sa pagpapacheck up mo" sabi naman ni Elle.

"Paano ka? May pinapaaral ka pang mga kapatid"

"Gaga syempre magtatrabaho ka din" sabat naman ni bakla.

"O di kaya sabihin ko na lang sa tatay ng anak mo? Para mas matulungan ka niya" sabi ni Elle na ikinailing ko.

"Ayoko" sabi ko.

"Kailan mo yan sasabihin sa magulang mo?" Tanong niya.

"Siguro bukas pag uwi?" Di ako sigurado kung kaya ko.

"Sige sasamahan ka namin, para kung mapalayas ka nandoon lang kami nagchecheer kay tita. Landi mo kasi" biro ni Kris na ikinairap ko.

"Hanggang dito lang ang usapan ah! Wag sanang sasali kung hindi kasali" sabi ko tsaka inirapan ko siya.

"Aba umiirap irap ka pa diyan, tusukin ko mata mo letse ka" mataray na sabi niya.

Kapal ng mukha!

Save Me From Sadness(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon