CHAPTER 17

407 16 2
                                        

"Oh anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Kris pagkabukas ko pa lang ng pinto.

"Bakla, pwede mo ba akong ibook ng flight? Kris, pautang muna pambili ng ticket papuntang London. Kailangan kong magpakalayo layo"

"Aba anong akala mo? Bente pesos lang ang ticket? Tsaka bakit ka ba kasi aalis?"

"Kailan kong lumayo. Ayoko ng gulo"

"Iiwan mo na si Brent?" tanong niya pero tango lang ang sinagot ko.

"HAHAHAHAHAHAHA" kumunot ang noo ko ng matawa siya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Kala ko sasayaw pa kayo sa ulap? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA potangena HAHAHAHAHAHA kala ko ba "oh your world is my world. My fight is your fight" HAHAHAHAHAHAHAHAHA" kinanta pa nga ng gago.

"Kala ko ba siya na ang icing sa ibabaw mo HAHAHAHAHAHAHA"

"Gago ka ba?" Inis na tanong ko.

"Kasi mukha kang tanga noon habang nagkukwento. Pinagmamalaki mo pa e wala naman kayong label" Patuloy pa din siyang tumatawa.

"Tangina mo with a fucking respect" sabi ko at pumunta sa silid.

Nakakasira ng drama!

Iniyak ko na lang lahat sa kwarto, itotodo ko na lahat kasi ayoko ng umiyak bukas dahil aalis na kami. Buti na lang kaibigan ni Kris yung anak ng may ari ng isang airline, kaya makakaalis kami agad.

Bakit naman ganon? Bat ba kasi napakahirap niyang abutin? Masyado siyang mataas. Para siyang dyamante, napakamahal hindi ko kayang makuha. Isa lang akong ordinaryong sekretarya, walang halong flavor. Why naman ganon yung nanay niya? Nakakaleche ng bohai.

Sana mayaman na lang ako para pwede na kami. Why naman kasi ganon yung tadhana?

"Oy bakla! Iyak ka ng iyak di ka pa nag iipake. Shutanga ka" sabi ni Kris pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto.

"Oy di ka naman marunong kumatok!" inis na sabi ko habang humihikbi pa din.

"Mag impake na na kasi, yung anak mo kakatulog lang" sabi niya.

"Bakla, thankyou talaga!" pagpapasalamat ko sa lahat ng tulong niya sa simula pa lang, ang dami niya ng natulong. Silang dalawa ni Elle.

"Nako i told yah, kasi kapag walang label wag umasa"

"Ulol" sabi ko at nagbad finger.

"Bilisan mo na mag impake ka na punyeta" inis na sabi niya tsaka lumabas.

Agad akong tumayo para ihanda na ang mga gamit na kailangan ko. Tama na amg drama, kailangan may mapatunayan ako para maabot ko na siya. Para na rin mabigyan ko ng ama yung anak ko.

Gagawin ko ang lahat para sa anak ko, kahit pa mahirapan ako. Ibibigay ko sa kanya ang tatay niya.

Sa kalagitnaan ng pag-iimpake ay narinig kong may tumatawag sa phone ko, kaya agad ko itong tinignan.

'Elle'

Ng makita ko ang pangalan niya, ay agad ko itong sinagot.

[Aalis ka daw? Bakit?] Bungad niya ng masagot ko ang tawag.

"Basta, secret no clue" yon na lang ang nasabi ko. Wala na kasi akong maisip na dahilan.

[Para kang tanga! Ano nga kasi yung dahilan!?] inis na tanong ni Elle.

"Basta napakachismosa mo hehe. Sasama ka ba sa paghatid?" Pag-iiba ko sa usapan.

[Malamang!]

"Yung utang mo---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang naputol ang linya.

Save Me From Sadness(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon