CHAPTER 08

360 30 0
                                    

Kinagabihan. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng TV, facebook, twitter, at ng instagram ay ito na agad ang nakita ko.

(TV- News)

"Balitang balita ang larawan kung saan makikita ang paghahalikan ng isang sikat na negosyanteng si Brent Martin Garcia, at ng isang mistreyosong babae sa isang sikat na restaurant." balita ng isang reporter sa isang sikat na tv station.

(Facebook)

Isang larawan kung saan makikita ang picture na pahahalikan namin. Mabuti na lang at hindi nakita ang mukha ko.

(Comment)

Trisha Mae: Sino ba yang babaeng yan!? Ang landi! #ProtectAllisonsfeelingatallcost

Jerrie Lyn Dela Cruz: Sana mamatay na yang babaeng yan! #ProtectAllisonsfeelingatallcost

Rose: Mamatay ka na gurl! Malandi ka! #ProtectAllisonsfeelingatallcost

Kristine: Sa mga fans ni Allison na hindi manahimik. Kung makalandi naman kayo sa tao, yung idol niyo na na may scandal na hindi na mabilang kung ilan. Tsaka wala naman sila ni Brent Martin. Bitches, baka mamatay kayo kapag nalaman niyong yan pala yung totoong girlfriend HAHAHA may pa hashtag hashtag pa. Nakakaawa, madaming asong tumatahol HAHAHA.

Maraming nagalit na fans, pero mas madaming natuwang basher HAHAHAHA

May nagsabi pa ngang matapos landiin ni Allison ang mga sikat na personalidad ay si Brent naman daw ang tinarget. Na matapos niyang makaroon ng scndal sa isang negosyanteng doble ang da sa kanya, ay si Brent naman daw ang pakay. HAHAHAHA poor baby girl.

Halos mag trending ang picture. May mga bashers na natutuwa, at may mga fans na nagagalit.

"Ano tuwang tuwa ka naman" rinig kong sabi ni Kris, sabay batok sakin.

"Luh bHie. Chour. Epal kang bakla ka" inis na sabi ko.

"HIndi na nga ako bakla!" inis ding sabi niya.

'Gaya gaya'

"Ano ba kasing pinunta mo?" kapagkuwang tanong ko.

"Masarap ba ang laplap ng isang Brent Martin?" Pabirong tanong niya na ikinatawa ko

"Sherep" Malanding sabi ko na ikinatawa niya.

"Landi mo gaga ka" Sabi niya kaya nagtawanan kami.

"Matutulog na ako. Gigising pa ako ng maaga" sabi ko.

Hindi na ako nakikitira sa condo nila Kris, at dahil sa bahay lang ko nagcacall center ay maaalagaan ko ang anak ko. Kaso baka matanggal ako, dahil lagi na lang akong wala sa sarili kapag nagtatrabaho. Isang reject na lang ng kliyente ay matatangal na ako, at kapa nangyari yon ay mawawalan ng pagkain ang anak ko, at ayokong humingi ng tulong sa tatay niyang makakalimutin.

"Ms. Gonzales?"

"Ms. Gonzales"

"Ms. Gonzales!" Inis na tawag ng boss ko.

Hindi ko napansing tinatawag niya na pala ko kanina pa.

"P-po?"

"So anong balak mo? Sa tagal mong nakatulala ay may dalawang costomers na binabaan ka dahil kanina pa sila 'hello' ng 'hello' ay walang sumasagot"

Kasi naman sir kung ikaw sabihan ng mamatay ka na. Sana nga mamatay ka na. Joke.

"Sorry po. Di na mauulit--"

"Hindi na talaga mauulit. You're fired!"

"Sir naman--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong binabaan ng telepono.

'Mabaog ka sana sir'

Sa kakahanap ko ng trabaho, ay di ko namalayang may kumakatok na pala. Napatakbo ako at agad na binuksan ang pinto. Hay si Elle lan pala.

"Anong kailanga mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Stress ka ghorl" Sabi niya tsaka tumwa dahil sa itura ko na gulo gulo ang buhok.

"Style yan" palusot ko.

"Palusot pa. Hindi mo ko madadaan sa ganyan ganyan mo. Kilalang kilala kita, sa pitong taon nating pagkakaibigan hindi ka makakapagtago ng problema sakin. Sasabihin mo o kukurutin ko yang singit mo?" Seryosong tanong niya.

"Mare, wala na akong Trabaho, natanggal ako. Hindi ko alam kung anong ipapakain ko sa anak ko." Sabi ko tsaka bumaksak ang luha sa mga mata ko.

"Ay saktong sakto! Kailangan ng secretary--"

"Natatakot na akong magsekretarya. Baka mamaya mafall yung boss ko. Sa ganda ko ba naman 'to. Tsaka malay mo manyakis na matanda yung boss ko kadiri--" pinutol niya pa ang iba kong sasabihin.

"Kahit si Brent Martin ang may kailangan ng secretary?"

"Ay bakit hindi mo agad sinabi?"

"Malandi ka talaga. Marupok pa" sabi niy na ikinatawa ko.

"Syempre tatay siya ng anak ko."

"Da da da" Narinig kong paulit ulit na sinasabi ng anak ko.

"Anak ng tinapa!" gulat na sabi ni Elle.

Lumapit ako sa anak ko at kinarga ko ito.

"Baby, sabihin mo 'Mama'" nakangiti kong sabi, pero nawala ang ngiti ko ng dada pa din ang sinabi niya.

"Nak ako ang umire at nagpakahirap malabas ka lang. Hindi ang tatay mo, kaya sabihin mo 'mama'"

"Da da da da"

"Pabayaan mo na. Ang sabi nga ng matatanda diba, kapag 'papa' or 'dada' ang first word ng baby magiging matalino yung bata"

"Pano mo nalaman?"

"Sabi ni--"

"Pwet mo may gulaman" sabi ko dahilan para batukan niya ako.

"Aray ko naman!" Gigil na sabi ko.

"Luh ang OA"

"Dami mong alam letse" inis kon sabi tsaka pinunasan ang anak ko tsaka dinamitan ko ng pares na pajama tsaka ko pinatulog. At ng makatulog na ay pinalibutan ko siya ng unan bago iwan. Pagkalabas ko ay nandoon pa din si Elle.

"So ano. Wala kang balak umalis?" Sarkastikong sabi ko.

"Tinatangap mo ba ang trabaho?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Seriously, Elle? Of course, I will accept the job. Not because I want to see him. Just because i need a money to buy my needs. Ayon lang period" sabi ko tsaka tinalikuran ko siya. Huminga ako ng malalim tsaka pumuntang balcony at humawak sa rehas nito.

Tumingala ako kung saan makikita ko ang buwan mga bituin. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at dahan dahan kong naramdaman ang luha na nanggagaling mula sa mata ko.

"Help me lolo, mamu, and Chloe meron na naman akong problema. Give me the strength to fight it all."

I sigh.

Suddenly i remember what happened last year. Those touches, and kisses appeared in my mind. It's so hard to forget what happened. Kahit anong gawin ko ay wala pa din... naaalala ko pa rin.

Naaalala ko pa din yung gabi na nakabuo ako ng bata piste.

Makalipas ng ilang araw. Agad akong nagising ng maaga, tsaka nag-ayos dahil mag-aapply na ako bilang secretary.

I wear a black pencil cut skirt, white long sleeve polo, and black stiletto, and black Gucci handbag, and I put a light makeup in my face.

Mabuti na lang ay day off ni Kris, kaya may magbabantay sa anak ko.

"Ikaw na muna bahala dito ah" sabi ko kay Kris na kakadating lang.

"Oo na. Kanina mo pa yan sinasabi, nakakairita" sabi niya.

Lumapit ako sa anak ko para halikan ang pisngi nito.

"Yuck." Rinig sabi ni Kris.

"Manahimik ka. Byeeee!" Paalam ko.

Save Me From Sadness(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon