CHAPTER 16

352 18 0
                                    

Pagtapos namin sumayaw sayaw ay inuwi niya na ako sa condo.

"See you tomorrow, baby" nakangiting sabi niya, sabay kindat.

"Okay, see you" sabi ko tsaka tumalikod.

"Saan ka na naman nanggaling? Alam mo bang lagi ka na lang hinahanap ng anak mo? Ria, nanay ka na. Hindi ka na teenager na pwedeng lumandi anytime, and anywhere" Bungad agad sakin ni Kris.

Tama nga naman siya. Nanay na ako, hindi na ako pwedeng lumandi kung saan saan dahil may anak pa akong naghihintay sakin.

"Sorry" nakayukong sabi ko.

"Bakla naman kasi, isipin mo ang anak mo."

"Sorry. Saan na si Marcus?" Tanong ko.

"Andoon sa kwarto, kakatulog lang. Kanina pa kasi hinihintay" sabi niya. Agad naman akong puminta sa kwarto.

"Hey baby, mommy's here" malambing na sabi ko at hinalikan ang buong mukha niya.

Masyado atang mahimbing ang tulog, kaya hindi magising.

Naghalfbath muna ako, at tsaka ginawa ang mga ritwal sa aking mukha. Pagtapos non ay nagbihis na ako ng black na pajama.

KINABUKASAN

Nagsabi ako na malalate ako ng ilang oras, dahil may mahalaga akong pupuntahan.

Nagbook ako sa grab para makapuntang Quezon, magdadalawang taon na din ng hindi ako pumupunta kela mommy.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko na wag ka na ulit pumunta dito." Bungad sakin ni daddy.

"Gusto ko lang kayong kausapin" walang emosyon kong sabi.

"Oh, anong ginagawa ng babaeng yan dito?" Sabi ni mommy na kabababa lang.

'Sirang plaka ba sila? Paulit ulit'

"Gusto ko kayong makausap" sabi ko.

"At ano naman ang pag uusapan natin?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Sana naman kung uutang kayo kela Evan, sana sarili niyo ang ipangbabayad niyo at hindi ako" pinantayan ko din ang taas ng kilay niya.

"Aba bastos ka talagang bata ka, hindi ka marunong gumalang sa magulang mo--"

"Ay may magulang pala na sariling anak ay ipang babayad sa utang niya. Tsaka ngayon ko lang alam na may magulang pa pala ako" sarkastiko kong sabi.

"Wala kaming pake sayo, may utang na loob ka samin kaya dapat lang na ikaw ang magbayad ng utang na yon"

"Aba, mas wala akong pake sa utang na yon. Gusto mo ibalik ko sayo ang lahat. Bibilan kita ng diaper kung gusto mo" nakikita kong nagagalit na sila at wala akong pake.

"Bastos ka talagang bata ka!" Galit na sigaw ni daddy.

"Wala akong pake, namana ko yon lahat sa inyo" sabi ko tsaka tumalikod.

Ilang oras lang ay nakarating na rin ako sa Garcia's Corp.

Papasok na sana ako sa opisina ko, ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko.

"Pearl, ano ba. Bitawan mo ako" sabi ko at pilit na inaagaw ang kamay ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.

"Para saan yon?" Inis na sabi ko.

"Dahil malandi ka" sabi niya.

"Ano ba bitawan mo nga ako! Mas malandi ka, madalawa kang sugar daddy" Inis na inis na ako sa babaeng pokpok na 'to.

"Bitawan mo daw siya" rinig ko ang boses ng babae sa likod ni Pearl. Agad naman akong binitawan ni Pearl.

"Maraming salamat po" sabi ko.

Lumapit siya sakin, at nagulat ako ng sinampal niya ako ng napakalakas. Parang maiiyak na ako sa sakit, pero keri yarn.

"Miss Gonzales, this is the last warning i will give to you. Stop seducing my son! You don't deserve him! Hindi bagay sa kanya ang babaeng walang dimploma gaya mo! What do you want? Money? I will give you a money, just stay away from my son" Sabi niya at sinampal ang perang tag iisang libo sa mukha ko.

"Ma'am, wala man ho akong diploma pero may pinag aralan ako. Ikaw? May diploma't may pinag aralan ka na't lahat lahat, pero bakit parang wala?" Taas noo akong tumingin sa kanya.

"Wala kang galang!" Sabat ni Allison, at akmang sasampalin ako ng may nagsalita sa likod niya.

"Don't you dare touch her, or else i'm gonna cut your hands off. Bitch!" Halata sa mukha, at sa boses ni Brent na galit siya.

"Brent!" Gulat na sabi nila.

'Parang mga gago lang'

"Are you going to protect that bitch?" nakataas ang kilay na tanong ni Allison.

"Correction you are the real bitch" sabi ni Brent at binuhat ako.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko ng masakay niya ako sa sasakyan.

"Sorry, baby." sabi niya at niyakap ako.

"Huh bakit naman? Wala ka namang kasalanan e" nakanguting sabi ko.

"No, i promised that i will protect you. I promised that no one will hurt you, pero hindi ko nagawa. Sorry" sabi niya.

"Ano ka ba, okay lang" sabi ko at niyakap din siya.

"So saan tayo pupunta?" Pag iiba ko ng usapan.

"Secret" sabi niya tsaka nagdrive na.

Lalayuan ko na ba siya? Tama nga naman yung nanay niya, hindi ako karapat dapat. Ni wala nga akong diplomang maipagmamalaki.

Mas masakit pa pala 'to kaysa sa hiwalayan namin ni Evan. Bakit ganon, kung kelan sa walang label doon pa yung mas masakit.

Gabi na ng makarating kami sa penthouse niya.

Binuhat niya ako papasok sa kwarto. Inayos niya ang kumot at unan tsaka humiga at niyakap ako.

"Hindi ka kakain?" tanong ko.

"Nope" maikling sagot niya at mas binaon ang mukha niya sa leeg ko.

"Baka may binabalak kang kabababalaghan" biro ko.

"No, i just wanted to cuddle you" malambing na sabi niya at mahigpit akong niyakap.

"I promise that i will save you from sadness, baby" napakahinang bulong niya.

"H-huh?" Tanong ko pero di na siya sumagot.

Maya maya pa ay narinig kong malalim na ang paghinga niya, kaya malamang natutulog na siya.

Dahan dahan akong umalis mula sa mahigpit niyang pagkakayakap. Dahan dahan na akong aalis sa kanyang pagkakahawak.

Pinipigilan ko ang luha kong wag bumagsak. Hinalikan ko ang noo niya, at tsaka lumabas na.

Why naman ganon yung tadhana? Bakit ba ganto siya maglaro?

Bago ako lumabas ay nais kong mag iwan ng sulat.

'Sorry Brent, but i think your mom is right. I don't deserve you. Masyado kang mataas, ang hirap mong maabot. Pero pangako, babalik ako kapag may napatunayan na ako. I love you.

It's me my love.
         Ria

Nilapag ko ang sulat sa ibabaw ng mesa, para madali lang niyang makikita.

Lumabas akong luhaan. Nakatakip ang aking mukha habang tumatakbo papasok ng elevator, mahinang humihikbi habang nakaupo sa isang sulok.

Nang makarating na ako sa ground floor ay agad na akong tumakbo palabas, nakatakip pa rin ang mukha ko. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sakin.

'Paalam'

Save Me From Sadness(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon