Ilang oras ang byahe bago ako makarating sa Garcia's Corp.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kun doon man ako magtatrabaho, pero bahala na si batman. Siya na an bahala sa mangyayari.
"Miss Gonzales" Tawag sakin ng isang babae, dahilan para maputol ang iniisip ko.
"P-po?" Kinakabahang sagot ko.
"Ikaw na" sabi niya tsaka iginiya ang kamay sa isang malaking brown na pinto.
Dahan dahan akong tumayo, at naglakad sa isang malaking pinto.
"Goodluck miss, wag kang kakabahan. Mabait naman si sir." Nakangiting sabi ng babae tsaka binuksan ang pinto para sakin.
Namangha ako sa itsura sa loob.
'Wow!'
Mas malaki pa yung office na 'to kaysa sa condong tinutuluyan ko!
May malaking sofa at sa gitna ay may isang table, may isang sofa na pang single person. May mga iba't ibang uri ng libro, may cabinet. May isa pang table, two visitor chairs, sa table may itim na laptop, merong swivel sa harap ng laptop. Basta lahat ng makikita mo ay itim.
Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko ng makita ko ang taong nasa harap ko, hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya.
"So miss, stop staring at me. Or else i'll kiss you?" Rinig ko na naman ang baritonong boses niya.
'What the fuck?!!! Kiss pa din? Di pa siya nakuntento nung nakaraan!'
"Oh you. The one i kissed last week" he said while bitting his lower lips.
Patay malisiya ko siyang tinignan. "Mister Garcia, i'm here to work not to flirt. So please be professional" inis na sabi ko at lakas loob na tinitigan ang kulay abo niyang mga mata.
"Oh my baby is angry. Let me kiss you" sabi niya at akmang tatayo pero agad ko siyang pinigilan.
"If you don't take this interview seriously, then i will leave." Sabi ko at akmang aalis pero narinig ko ang boses niya.
"Stop. Let's do the fucking interview thing" sabi niya tsaka umupo.
Ako naman ay umupo sa visitors chair.
"Okay, what's your name?" Tanong niya.
'Shuta nasa kanya na ang resume! Shunga! Charot!'
"Hmm my name is Ria Valerie Gonzales." Taas noong sagot ko.
"Your name was so familiar! But i can't remember you!" Inis na sabi niya. "Okay. By the way"
"Age and birthday?"
The hell Brent?
"24 august 12 1995"
"Do you have a boyfriend or a husband?" Tanong niya na nagpakunot sa noo ko.
"Are you serious mister---" he cutted me off.
"Just answer my question" sabi niya tsaka tinignan ang mga mata ko.
"Wala akong asawa or boyfriend" sabi ko na ikinangiti niya.
'Baliw ampota'
"You're hired" sabi niya na ikinagulat ko.
"Ganon lang 'yon? Ni hindi nga related yung mga tanong mo" gulat kong sabi.
"Ayaw mo?"
"Char char lang. Sige kailan ako magsisimula?" Masayang tanong ko.
"Tomorrow" maiikling sabi niya tsaka inilahad ang kamay sa harap ko.
"Nice meeting you, baby" nakangiting sabi niya tsaka nakipagshake hands.
Parang may isang milyong boltaheng komukuryente sakin ng magdikit ang aming kamay.
Lumapit siya sakin at sinabing.
'Mikeni mikeni dugdog duremi' charot!
"Good bye, baby. See you tomorrow" his voice became husky and sweet.
Napalunok ako ng maramdaman kong hinalikan ang pisngi ko.
"Take care. Susubukan kong alalahanin kung saan kita nakita" bulong niya pa at hinalikan na naman ang pisngi ko.
Pag-uwi ko ay masaya kong niyakap ang anak ko.
"Baby! I saw your daddy!" Masayang sabi ko habang buhat buhat si Marcus.
Alam kong hindi niya pa ako maiintindihan, but I wanted to share how happy I am.
"Ayan lalandi ka na naman" prangkan sabi ni Kris.
"Luh epal ka. Wag kang oa ah" sabi ko tsaka inirapan ko siya. Nagulat ako ng marahan niyang hinila yung buhok ko.
"Irap irap ka dyan, masampal kita" sabi niya tsaka niya binitawan ang buhok ko.
"Ipal kang letse ka. Kaya ka iniiwan. Ay sorry nadulas HAHAHAHA"
"Palibhasa binuntis ka lang" Inirapan niya ako!
"Hoy ang kapal ng mukha mo" sabi ko tsaka nilapag si Marcus sa crib.
"Totoo naman ah"
"Ang bango bango naman ng anak ko" sabi ko tsaka pinanggigilan ang anak ko.
"Malamang alagang ninong Kristian Oliver yan" Proud siya.
"Pake ko? Tsaka sinong nagtanong" sarkastikong sabi ko. "Umalis ka na nga" pataboy na sabi ko.
"Anang kapal naman ng mukha mo. Wala man lang pa thank you? Or pasweldo manlang?" He fired back.
"Hoy ang kapal ng mukha mo naubos mo nga yung mga stock namin."
"Hoy ang kapal ng mukha mo. Nakakapagod ding mag alaga ng bata."
"Sige na. Alis alis" taboy ko pa sa kanya.
"Oo na, eto na. May pupuntahan din ako"
"Wait lang" pigil ko sa kanya.
"Bakit na naman?" Inis na tanong niya.
"Saan si Elle?"
"Nandoon sa trabaho niya. Naglalandi, Masaya yung buhay non. Puro landi lang HAHAHAHA"biro niya tsaka tuluyang umalis.
"Let's go na nak. seven na pala ng gabi. Ganon pala 'yon kalayo" Pagkausap ko sa anak ko, tsaka kinarga ito papasok sa kwarto.
Pagkapasok namin sa kwarto ay nagtimpla na ako ng gatas, at hiniga ko na siya sa kama tsaka binigay ang gatas na agad niyang dinede.
"Nak, I will see your daddy again tomorrow. Are you excited?" I heard his giggled.
"Okay. Sleep na" sabi ko at marahan kong tinpik tapik ang braso niya.
Ilang minuto lang ay nakatulog na rin siya. Halatang pinagod ni Kris, nako nako nako.
Ako ang nagluwal sa anak ko pero bakit wlang nakuha ni isa. Well no'ng naglilihi ako e hindi lang naman sa pagkain ako naglilihi, pati na rin si Brent ay pinaglihian ko na. Halos kainin ko na nga yung mga pictures niya.
Makikita ko na naman siya bukas, at hindi lang bukas. Kung 'di sa madaming pagkakataon pa.
'kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga mangyayari'
'Lord, sana po wag po akong maging marupok'
BINABASA MO ANG
Save Me From Sadness(EDITING)
Romance[EDITING] "I promise that i will save you from sadness, baby." -Brent Martin Garcia "Wag mo na akong iwan. Nandito ako, handa akong ipaglaban ka. Ako ang magsisilbing proteksyon mo kapag may gustong manakit sayo. Just be with me, just take a risk, t...
