"Good afternoon, baby" rinig kong sabi ni Brent, tsaka pinugpog ng halik ang buong mukha ko.
"Hey, wake up. Wakeup wakeup"
"Ulit ulit ka naman, sirang plaka ka ba?" Nakapikit na sabi ko.
"Hey, wakeup sleepy head! It's already 1 pm" sabi niya kaya agad akong tumayo.
"Weeeh? DI nga?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Yes, di ako nagbibiro" sabi niya tsaka pinakita ang oras sa cellphone niya. Speaking of cellphone, nandoon pa din sa kotse niya ang bag ko di tuloy ako makatawag.
"Pwede bang Pahiram ng phone? May tatawagan lang ako?"
"Okay, here" sabi niya sabay abot ng cp niya.
"Hihintayin na lang kita sa baba" sabi niya tsaka iniwan ako.
Taray walang password, at ako yung wallpaper! Agad kong dinial ang number ni Kris, at mabuti na lang ay agad sinagot.
"Bakla! It's me, Ria!" Bungad ko ng masagot niya ang tawag.
[Hoy gaga ka! Hanap sayo ng hanap yung anak mo, nakaraang linggo pa. Tas iyak ng iyak]
"Bigay mo nga sa kanya yung phone" sabi ko na agad niyang sinunod.
[Mom-i, whewe you? i mish you] parang sinasakal ang puso ko ng marinig kong umiiyak siya. At bilang ina, masakit marinig, o makitang umiiyak ang anak mo.
"Shhh tomorrow, baby. Promise ko yan, bukas uuwi na ako." sabi ko kaya tumahan na siya.
[Pwomise?]
"Yes, promise. Baby baby"
{byebye} sabi niya tsaka binaba yung tawag.
KINGABIHAN
May dumating ulit na bekla boom, at yung dalawang babaeng nag-ayos sa buhok ko.
"Anong meron?" bulong ko kay Brent na nasa tabi ko lang.
"May pupuntahan tayong charity ball" sabi niya tsaka pinuntahan ang isa sa mga bading at may binulong, at agad naman akong nilapitan pagtapos ng bulungan nila.
Matapos ang isang oras na pag aayos ay inabot nila sakin ang isang black backless gown. Binigay din nila ang black ankle strap heels na 6-inch ata ang haba, kinulot din nila ang mahaba kong buhok.
"Ang ganda mo punyeta ka! Swerte mo!" Tili ng bakla
"Aba punyeta ka din!" Tili ko din.
Agad ko namang nakita si Brent ng lumabas ako ng kwarto.
"You look so beautiful, lovely, and gorgeous." Nakangiting sabi niya habang nakatingin ng daretso sa mga mata ko. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Thank you" nakayuko kong sabi at kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti.
"Let's go?" Tanong niya at tango na lang ang sinagot ko at humawak sa kamay niya.
Sabay kaming lumabas ng bahay. Inalalayan niya ako papuntang kotse, alalayan niya din dapat ako sa pagpasok pero pinigilan ko siya.
'Hindi ako baldado'
Hindi ko na kinakaya pa ang katahimikan sa biyahe. Para akong mamamatay kapag di ako nagsasalita.
"Pwede bang magatugtog? Napakatahimik e. Nakakamatay" basag ko sa punyetang katahimikan.
"Yeah sure" Sabi niya habang nagdidrive.
Kinuha ko ang cellphone ko, at nagatugtog.
'Ano kayang maganda? Ako? Charot wala ako sa music'
BINABASA MO ANG
Save Me From Sadness(EDITING)
Romansa[EDITING] "I promise that i will save you from sadness, baby." -Brent Martin Garcia "Wag mo na akong iwan. Nandito ako, handa akong ipaglaban ka. Ako ang magsisilbing proteksyon mo kapag may gustong manakit sayo. Just be with me, just take a risk, t...
