Prologue

618 12 11
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

  *******

Simula nang nakarating ako dito sa Encantadia, grabe nakakaloka! Ang gulo dito! Ang daming nagpapatayan, nag-aalitan, at nag-aawayan dito lalong-lalo na sina Inay at mga sisters niya. 

Grabe, kung narinig niyo lang ang kwento ni Inay sa akin na mahilig mag-acting at mag-drama si Ashti Sungit este Ashti Pirena, naku! Baka ma-awardan siya ng Best Actress of Encantadia. 

Anyway, bumalik tayo sa topic. 'Yun na nga, nagkakagulo dito sa Encantadia. Imagine ninyo kung diyan sa mundo ninyong mga tao ay totoo ang mga magic-magic kagaya dito sa amin, tapos gagamitin ng ibang tao ang magic sa bad na mga bagay, 'di ba nakakainis? Pati nga ang mga parents ko at ang buong Encantadia naiinis sa halimaw na Hagorn na 'yun.

Pero may nahalata rin akong positive side sa mga kaguluhan dito. Naikwento kasi sa akin nina Inay at Itay na nabuo ako sa panaginip nila. Grabe, natulog lang pala sila, tapos nabuo na ako! Anyway, 'yun na nga. Nabuo ako sa panaginip nila. Pero 'yan daw ang kaugalian ng mga Diwata. Bawal daw kasing ikasal ang reyna ng Lireo. So that means hindi pwedeng ikasal si Inay sa tao este sa encantado na gusto niya.

Pero kahit ganun, hindi rin maiwasan ni Inay na magkaroon ng crush o pagtingin sa ibang encantado. At alam niyo ba kung sino 'yun? Of course, walang iba kundi si Itay. Siyempre, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Mabait, matapang, macho, gwapo, at may dimples pa ang Itay ko!

Kahit si Itay may pagtingin kay Inay. Ibang klase talaga ang mga magulang ko! Pero kahit mahal nila ang isa't-isa, hindi nila maamin ang nararamdaman nila. 'Yun na lang ang problema sa kanila. Ang tinatago nila ang feelings nila. 

Siyempre, bilang anak nila, kailangan na may magawa ako. Kasi kung habang buhay silang ganito, hindi sila magiging masaya, kahit may peace-on-earth na dito sa Encantadia. At hindi ko rin kayang makita na may sadness sa mga mukha nila.

Kaya samahan niyo ako sa mga mararanasan ko dito sa Encantadia at kung paano ko magagawan ng paraan ang love ng parents ko at pati na rin sa mga ibang mga encantado na nahihirapan ding aminin ang mga nararamdaman nila.

*******








Avisala! Nagustuhan mo ba ang introduction ni Lira? Nabitin ba kayo? Don't worry! Lalagyan ko pa 'yan. Susubukan kong mag-UD ASAP. Maghintay na lang kayo sa Chapter 1 ng kwentong ito. Avisala eshma!


Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon