Kabanata 1: Kuwentuhan

426 13 18
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Nandito ako ngayon, katabi ang mga magulang ko. Grabe, kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya ngayon na nakita ko na sa wakas ang pamilya ko! Sa dinami-dami ng pinagdaanan namin para mahanap at makasama lang namin ang isa't-isa, masasabi ko na dream come true talaga ito! 

Siyempre, nagpapasalamat ako kay Lord na narinig niya ang mga prayers ko! At salamat na rin kay Muyak kasi simula nung baby pa lang ako, nandiyan talaga siya para sa akin at dahil din sa kanya kaya ko hinahangad ang makita ang mga magulang ko pati na rin ang makapunta sa Encantadia.

Of course, hindi rin puwede na hindi ako mag-tathank you kay Ashti Danaya kasi dahil sa kanya, nakabalik ako dito sa Encantadia at nakilala ko ang mga magulang ko dahil sa kanya kahit ang sungit niya. Charot! Pero ito lang ang masasabi ko: sobrang saya ko talaga ngayon!

"Ang tagal kong hinangad na mayakap at makasama kita, anak," ang masayang sabi ni Inay habang nakayakap siya sa akin."Kahit din po ako, Inay. Ang tagal kong hinintay na magkaroon tayo ng bonding," sabi ko naman.

"Bonding?" Ang takang tanong ni Itay. "Ah, ang ibig sabihin ni Lira ay oras ng pagsasama," sagot naman ni Inay.

"Wow, Inay. Naiintindihan mo po pala ang mga sinasabi ko pero 'yung iba, nagtitinginan na lang po kasi hindi nila maintindihan ang mga English words ko," sabi ko habang lahat kami ay napatawa.

"Iyon ay sapagkat kagaya mo, lumaki rin ako sa mundo ng mga tao," sagot ni Inay sa akin.

"Totoo po? Lumaki rin po kayo sa world of humans este mundo ng mga tao?" Tanong ko kay Inay.

Kinuwento ni Inay sa akin ang mga nangyari sa kanya nung nasa mundo siya ng mga tao. 'Yung mga bonding nila ni Ilo Raquim, 'yung first time na naka-teleport siya, nung tinulungan sila nina Jigs at 'yung judgmental daw na asawa niya na si Choleng, hanggang sa makabalik siya dito sa Encantadia.

"Iyon ang mga naranasan ko noong ako'y nasa mundo ng mga tao," ang pagtatapos ni Inay sa story niya.

"Grabe, Inay, ang dami rin po palang nangyari sa inyo," ang paghanga kong sabi kay Inay. 

"Bakit, Lira, may mga nangyari rin ba sa iyo noong ika'y nasa mundo pa ng mga tao?" Ang tanong sa akin ni Itay.

Kinuwento ko rin sa kanila ang mga nangyari sa akin noong nandoon pa ako sa world of mortals este sa mundo ng mga tao. Nung kinupkop ako nina Mamu at Papu, mga sinabi sa akin ni Muyak tungkol sa Encantadia, mga ginawa ni Tiyo Berto sa akin, 'yung mga kapangyarihan ko at kung paano ko sila ginamit, 'yung pagkikita namin ni Mira, basta lahat ng nangyari sa akin sa mundo ng mga tao.

"Kahanga-hanga ng iyong ikinuwento sa amin ng iyong ina, Lira," ang papuring sabi sa akin ni Itay. "Sa lahat ng iyong pinagdaanan, nagawa mo pa ring malagpasan ang mga ito," dagdag pa niya.

"At nagpapasalamat din kami sa mga taong kumupkop sa iyo dahil pinalaki ka nila na maging isang may busilak na puso at mabuting nilalang," ang sabi naman ni Inay.

"Grabe, nakaka-touch este nakakataba po ng puso ang mga sinabi ninyo," ang mapapaiyak kong sabi sa mga parents ko. "Avisala asthma este avisala eshma po, Inay, Itay." 

"Walang anuman, anak," sabay nilang sinabi sa akin.

"Teka lang, Ate," sabi ng isang bata na nasa kwarto namin.

"Bakit, Paopao? May question of the day ka ba?" Ang tanong ko sa batang ligaw na inampon at itinuring naming kadugo.

"Tanong ko lang, Ate, kung may boyfriend ka na?" Kaloka naman 'tong batang 'to! May alam na sa mga boyfriend-boyfriend! Pero sinagot ko naman sa kanya na wala akong boyfriend. Ever. Hindi kayo naniniwala? Okay lang.

"Uh, Lira, ano ang isinaad ni Paopao? Paumanhin, hindi ko lamang nauunawaan," ang taka at naguluhang tanong ni Itay sa akin habang si Inay nakatingin sa akin na parang hindi siya naniniwala sa sagot ko kay Paopao kasi nga, understand niya 'yung mga sinasabi namin.

"Um, 'di bale na, Itay. Hu-huwag niyo nang pansinin 'yun," ang takot kong sabi.

Kinakabahan talaga ako kasi baka magalit si Inay. Pero ang swerte ko dahil hindi strikto ang mga magulang ko! 

"Sige na, matulog na kayo. Kailangan ko pang magbantay sa Sapiro. Baka may dumating pang mga vedalje," sinabi sa amin ni Itay. 

"Mag-iingat ka, Ybrahim," ang mahinhing paalala ni Inay. Pero parang may nahalata akong kakaiba. "Oo, Amihan, mag-iingat ako," sagot naman ni Itay na parang pinakilig at pinangiti niya si Inay. 

Naku! May something silang dalawa!

Hinalikan ako ni Itay sa noo pero nung patayo na siya, tinanong ko siya para may ma-analyze ako sa kanila. 

"Itay, wait lang. Si inay, hindi niyo ba po ikikiss este hahalikan?" 

Parang nagtaka si Itay nang tanungin ko siya at si Inay, nakatitig lang siya kay Itay. Hinalikan din ni Itay si Inay sa noo. Nakita ko na pinipigilan ni Inay na mapangiti pero nung nakaalis na si Itay, ngumiti siya. Ang lalim din ng iniisip niya.

 Ang lalim din ng iniisip niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Confirmed. May gusto sila sa isa't-isa. Pero bakit parang tinatago nila ang feelings nila?

*******

Nakahiga na ako. Sina Paopao at Inay tulog na habang ako, gising pa. Iniisip ko lang kasi 'yung nangyari kanina. Grabe 'yung titigan ng mga magulang ko! Parang natutunaw na sila sa isa't-isa, eh. Parang nanonood lang ako ng teleserye sa TV. Sobrang kinilig ako dun! 

Pero hindi rin maiiwasan ang hindi nila maamin na damdamin. Ano kaya ang puwede kong gawin para matulungan ko ang mga parents ko? 'Di bale, matutulog na lang muna ako. Paggising ko na lang sa umaga tsaka na ako magpaplano. Good night na lang!








Ano kaya ang magiging plano ni Lira sa mga magulang niya? Aabangan na lang namin 'yan, Lira. Kayo ba kinilig kayo sa YbraMihan part? Nilagay ko lang ng konting detalye ang story ko galing sa Encantadia at dinagdagan ko ng mga random ideas ko.... HEHEHE Pero anyways, abangan niyo na lang ang mga susunod na chapters sa mga susunod na araw kapag meron akong time. Avisala eshma na lang sa pagbasa ng Kabanata 1!

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon