Kabanata 6: Panliligaw ni Ybrahim Pt. 1

264 8 4
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Kamusta kayo diyan, guys? Excited na ba kayo sa mangyayari mamaya? Ako excited na! Manliligaw na si Itay kay Inay! Gagawin na niya 'yung plano ko para sa kanilang dalawa. Grabe, kung alam niyo lang na hindi ako nakatulog kagabi kakaisip lang sa kung ano ang puwedeng mangyari ngayon! Kaloka! Kahit si Itay, hindi makapaghintay sa gagawin niya. Gustong-gusto niya nang manligaw kay Inay! 

Si Inay naman, kanina pa tahimik. Iniisip niya siguro 'yung mga chaos at mga kaguluhan dito sa Encantadia. Pero nakikipagkuwentuhan din siya kay Ashti Danaya. Kaya may oras pa kami nina Itay at Paopao para makapagprepare! 

*******

Papunta na kami ngayon sa garden malapit sa Sapiro para makapagpitas ng mga flowers para kay Inay. Si Itay na ang magpipitas ng flowers at kami na ni Paopao ang gagawa ng bouquet. Exciting, 'di ba?

"Nakapili ka na po ba ng mga flowers este bulaklak, Itay?" Tanong ko kay Itay. "Hindi ko mawari kung ano ang bulaklak na maaari kong ibigay sa iyong ina, Lira. Lahat kasi sila ay magaganda gaya ni Amihan," sagot sa akin ni Itay. Ay, maganda tulad ni Inay? Nagpapakilig ba 'tong si Itay? *Ahem. Anyways, balik na tayo.

"Eh, kung lahat na lang kaya ng mga bulaklak ang ipitas mo, Kuya Ybrahim. Sigurado po ako na magugustuhan 'yan ni Ate Amihan kasi galing ito sa 'yo," suggestion ni Paopao. Nakakaloka! Galing naman ng bata! "Sige, Paopao. Avisala eshma sa ibinigay mong mungkahi sa akin," pagpapasalamat ni Itay. Excited na ako!

Pinipitas na ni Itay 'yung mga bulaklak at nilalagay niya sa vase na dala namin habang kami ni Paopao nagpaplano kung ano ang design ng bouquet na gagawin namin. My dala kaming papel at ballpen par ma-drawing ko 'yung style ng bouquet namin.

"Tapos gaganituhin natin siya and... 'yan. Sa tingin mo okay na 'to, Paopao?" Tanong ko kay Paopao. "Okay na okay Ate! Maganda nga, eh!" Sagot ni Paopao. Buti na lang ganun 'yung sagot niya kasi kung hindi, lagot siya sa 'kin. Charot!

"Lira, anak, ito na ang mga bulaklak na aking pinitas," sabi sa akin ni Itay. In fairness, nasa vase pa lang 'yung mga bulaklak, ganda na ng arrangement! "Sige po, Itay. Balik na po tayo sa Sapiro para makaprepare na tayo," sabi ko naman. Excited na ako!

*******

Nasa isang bulwagan daw sina Inay at Ashti kaya makakahanda na kami sa mga gagawin namin! Nasa kuwarto ulit kaming tatlo nina Itay at Paopao at ginagawa na namin 'yung bouquet ng flowers. Naririnig ko nga si Itay na may sinasabi na wala namang kausap. Ah, nagpapractice siya sa sasabihin niya kay Inay! Haha. Grabe, nagaganyan pa si Itay, ha! Style niya siguro.

"Para sa iyo, mahal kong reyna. Sana magustuhan mo ito kasi para sa iyo ito . Hindi, hindi ganon, Ybrahim," rinig kong sabi. Again, hindi ako tsismosa. Narinig ko lang, okay? "Paopao, ikaw na muna ang gumawa 'nung part ko, ha? Puntahan ko muna si Itay," Sabi ko sa bata. "Sige po, Ate Lira," sagot niya.

Pinuntahan ko si Itay. "Itay, ayos ka lang ba? Bakit parang tense este kinakabahan ka po?" Tanong ko kay Itay. "Hindi ko lang kasi alam kung ano ang aking sasabihin kay Amihan sa oras na gagawin ko na ang plano," kinakabahan na sagot ni Itay. 

"Ah. Ang dali lang naman nun, 'Tay! Tulungan na kita," sabi ko naman sa kanya. Sinabi ko at pinamemorize ko kay Itay 'yung sasabihin niya kay Inay. Medyo mahirap pero carry naman 'yan.

Ayan, memorize niya na! Galing naman ng Itay ko! "Avisala eshma, anak. Ngayon ay hindi na ako kinakabahan. Sige na, mag-aayos pa ako ng sarili ko," sabi ni Itay. Naks! Si Itay! Mag-aayos pa para kay Inay! Ang sweet naman. Anyways, gagawin ko na ulit 'yung trabaho ko sa bouquet. 

*******

Tapos na kami sa bouquet at si Itay naman.... ang gwapo! Kaya siguro na-inlove si Inay sa kanya! Ewan ko kung ano 'yung nagustuhan niya kay Itay basta para sa ain, si Itay, lahat-lahat na!

"Itay, ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Re-ready? Ano iyon?" Takang tanong naman niya. "Kung handa ka po raw, Kuya Ybrahim," sagot ni Paopao. "Ah, o-oo naman. Medyo kinakabahan ngunit makakaya ko ito," sabi ni Itay. 

YES! Ayan na! Liligawan na ni Itay si Inay! Excited na ako! YIEE!








Avisala, mga apwe! Bitin? Haha. Plano ko talaga 'yan para kaabang-abang 'yung mangyayari. And poltre kung hindi ako naka-UD kahapon kasi naging busy ako. Pero at least tapos na rin ako sa mga gagawin ko kaya naka-UD ako ngayon. Abangan at maghanda, mga YbraMihan at KyRu bukas kasi manliligaw na si Ybrahim kay Amihan! Kaya Brilyante ng Hangin, bigyan mo ng hininga ang mga YbraMihan/KyRu kapag mawawalan na sila ng oxygen. Haha. See you in the next chapter, mga apwe! Blue Heart, Mga YbraMihan/KyRu! 💙💙

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon