Kabanata 7: Panliligaw ni Ybrahim Pt. 2

241 8 19
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Ito na! Magaganap na ang ligawan mode ni Itay! Whoo! Ay, baka marinig ng iba. Shh. Hehe. Anyway, ito na nga. Manliligaw na si Itay. Pero kanina ko pa siya hinahanap kasi sabi niya may ikukuha raw siyang puwedeng idagdag sa ibibigay niya kay Inay. Hintay-hintay muna bago dumating si Inay! At isa pa, na sa may balcony kami ng Sapiro para may view naman sila habang may date. Ang bongga, 'di ba?

Pero sa totoo lang, guys, kinakabahan na ako sa mangyayari, at excited rin at the same time. Ano kaya ang tatawagin ko doon sa nararamdaman ko? Ah, nervouscited! Talino ko, 'no? Anyways, huwag na natin pag-usapan 'yun. *Ahem.

Ayan na si Itay! Aba, nagpaluto pa siya ng dalawang tinapay! Tapos may pa-wine pa! Ay, parang gusto niyang mag-date silang dalawa ni Inay! YIEE! Nagdidiskarte na rin si Itay!

*******

"Itay, ang ganda naman! Ikaw po ba ang nag-arrange?" Tanong ko kay Itay. "A-arrange?" Takang tanong niya. "Ah, ibig ko pong sabihin ay kung ikaw po ang nag-ayos," saot ko naman kay Itay. "Ah, oo, anak. Ako ang nag-ayos ng mga ito ng walang katulong," sabi niya sa akin. Wow talaga! Pagdating kay Inay, si Itay na ang nag-aasikaso! Kilig kayo diyan, 'no? Anyways, punta muna ako sa kabilang building habang wala pa. Gusto kong lumibot, eh.

Hala, nandiyan na si Inay! Kasama pa si Ashti Danaya! Lagot! Sana naman mamaya pa sila papasok sa loob. 

"Itay, nakita ko na po si Inay! Maghanda ka na po sa gagawin mo! Dapat kabisado mo na po 'yung sasabihin mo!" Madalian kong sabi kay Itay. Nag-ayos naman siya. At Medyo tense siya ngayon. Si Paopao ang unang lalabas para hindi masyadong makutoban ni Inay 'yung mga mangyayari.

Hala, sunod na ako! Ano kaya ang sasabihin ko? Ako kasi ang magli-lead kay Inay papunta sa date nila ni Itay. *Ahem. 

"Uh, Lira, anong nangyayari?" Takang tanong ni Inay. "Mahal kong Inay, halika po at may sorpresa pong nag-aabang sa inyo," pormal kong tanong kay Inay. MYGHADD! Kabado ako! "Ngunit Lira, bakit biglaan na lamang ito?" Tanong ni Ashti.

"Ano ba 'yan, Ashti! Kaya nga sorpresa, eh," sagot ko. "Tama na muna. Danaya, sige na. Magpahinga ka na muna. Gabi na," sabi ni Inay. Umalis na si Ashti Danaya para mag-rest na. At ili-lead ko na siya kay Itay! MYGHADD! Baka kiligin ako dito! HOO! Si Itay naman!


*******


Ybrahim's POV:

Ito na ang sandaling pinakahihintay ko. Ang mabigyan at makasama ko ang aking pinakamamahal na Hara. Hindi ko sasayangin ang bawat segundo na kasama ko siya dahil siya lamang ang mahalaga sa buhay ko at wala nang iba. Ngunit inaamin ko, natatakot na ako. Natatakot ako sapagkat maaaring hindi niya maibigan ang aking hinanda para sa aming dalawa. Sana ay hindi mangyari ang aking ikinakatakot. 

Naririnig ko na ang mga yabag ni Lira at ni Amihan. Papalapit na sila. Bumibilis na ang tibok ng aking puso. Ilang minuto pa silang hindi pumapasok sapagkat marahil ay meron pa silang pinag-uusapang dalawa. Tamang-tama, may oras pa naman akong mag-ayos ng aking sarili. May oras rin akong isaulo ang aking mga sasabihin kapag sila'y nakapasok na. 

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon