Kabanata 4: I Love You!

256 7 17
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Hi, there! Este avisala pala dito. Hehe. Hindi ba sinabi ko sa inyo kahapon na nag-family time ako at ang pamilya ko? Ang saya! Pumunta kami sa Adamya at naku! Marami akong nakitang mga mermaids! Gusto ko sanang mag-swimming kaso ang sungit ni Ashti Danaya. Joke! Siya kasi ang kasama ko at sina Inay at Itay nandoon sa isa pang lake. Wala na akong magawa kundi sumunod na lang. Pero huwag niyo akong isusumbong sa kanya, ha? Biro lang 'yun.

Anyways, kasama ko ngayon si Paopao. Kasi nga, 'di ba? Gagawin namin 'yung plano sa DanQuil. Gagawin namin 'yung first step sa plano ko. Pero sabi ni Paopao ako na lang daw ang gumawa nun kasi kapag kaming dalawa raw, baka mahalata nila na nagtutulungan kami sa kanila. Pero sisilip na lang daw siya sa akin. Kailangan na maging natural lang ang lahat. Pumayag naman ako. Ang problema lang kasi, mas magaling 'yung bata magplano kaysa sa akin. 'Di bale, ita-try ko na lang ang best ko dito. 

Ay, nakita ko si Kuya Aquil, papunta siya sa table at may dalang malaking tinapay este pan-paneya? Tama ba? Basta tinapay. Ewan ko na lang kung mauubos niya 'yun.

Mukhang tense naman 'to. Patingin-tingin pa sa unahan. Ano kaya ang tinitingnan niya?

"Ate Lira, gawin mo na. Eto, oh, dalhin mo itong paneya, at tsaka makikain ka, tapos gawin mo na ang plano," bulong sa akin ni Paopao. Grabe, ang talino ng batang 'to! 

*Ehem. Anyways, kinuha ko na 'yung tinapay na binigay sa akin ni Paopao at pupuntahan ko si Kuya Aquil.

" Puwede po bang umupo dito?" Tanong ko kay Kuya. Tumayo siya at sinabi, "Mahal na Sang'gre, umupo ka." Ay, ang pormal nito, ha. Pero parang torpe rin, eh. Charot.

Habang kumakain ako, nahahalata ko na kanina pa tingin nang tingin si Kuya Aquil sa unahan. Ano kaya 'yun? 'Yung nakita ko.... Hala! Si Ashti Danaya! May kausap. Ay, si Kuya Muros pala 'yun. 

Ah, alam ko na 'yang mga galaw ni Kuya Aquil. Selos siya. Grabe, 'no? Tumingin ako kay Paopao, na nakasilip sa amin, nag-thumbs up siya. Ang ibig sabihin nun, simulan ko na ang plano. Tumango ako bilang sagot.

"Alam mo, Kuya Aquil, madali lang magpaibig at magpaamo ng mga babae," sabi ko sa kanya. "At alam mo kung paano?" Dagdag ko. "Paano?" Tanong niya sa akin. Kaloka naman 'tong si Kuya Aquil. Excited ng malaman ang sagot.

"Ang sabihin mo sa kanya, I love you," sagot ko kay Kuya. "I... lo-love... you?" Sabi niya. "Oo, I love you, ganun," sabi kong ganun.

"Ano ba ang ibig sabihin ng iyong binigkas, mahal na Sang'gre? Tanong niya sa akin. "Ibig sabihin nun, mahal kita, sinisinta kita, iniibig kita, iniirog kita," sagot ko naman sa kanya. Sana naman gawin niya 'yun kung hindi, gagawan ko ng paraan 'yan. "Napakasimpleng salita 'yun, pero napaka-heavy o mabigat ang meaning nun," dagdag ko pa.

"Um, salamat, mahal na Sang'gre ngunit... hi-hindi ko kayang sabihin iyon," nahihiyang sabi niya sa akin. Grabe, ang torpe naman nito. Sinabi ko sa kanya 'yun, pero speehless lang siya.

Ayan na, tapos na ang usapan nina Kuya Muros at Ashti Danaya. Ang tagal, ha? Siguro future nila ang pinag-uusapan nila. Joke! DanQuil ako, 'no?

Puntahan ko kaya si Ashti tsaka gawin ko 'yung plano ko. "Ashti, bakit bad trip ka este nakasimangot ka?" Tanong ko sa kanya. "Nangangasiwa kasi ako kay Aquil," sagot ni Ashti sa akin. Sungit ni Ashti, 'no? "Kanina niya pa ako tinitignan," dagdag pa niya.

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon