Kabanata 8: Ang Mga Panauhin

266 10 7
                                    


Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

MYGHADD, GUYS! Hindi ako maka-move on sa nangyari kagabi! Kinilig talaga ako kina Inay at Itay sa date nila! Nakunan ko pa nga sila ng mga picture at may full video pa nga ako, eh! HOO! Kailangan ko na ng oxygen galing kay Inay! I KENAT BREATHE TALAGA! Tama na nga! Baka masabihan niyo pa ako na isa akong OA. Judgmental kasi ang karamihan ng mga tao, eh! Pero ikaw, hindi. Siyempre, best friend na kita, 'no? Kaya okay lang na kayong mga friends ko ang mag-judge... IN A GOOD WAY. Kasi kung hindi... ayaw ninyo na masuntok kayo ni Itay! Charot! 'Wag niyong seseryosohin, ha? Biro lang 'yun. *Ahem. Lumalayo na tayo sa topic.

Pagkatapos ng date nina Inay at Itay, dumiresto na ako sa kuwarto. Kasi baka isipin ni Inay na may kakaiba sa akin kaya hindi pa ako natutulog. Nag-pretend ako na natutulog na ako. Ang hirap palang umacting na tulog! *Ahem. Anyways, 'yun na nga. Gising pa si Inay at hinintay ko pa siyang matulog kagabi. Tagal niya. Parang 45 minutes pa siyang gising! At sa 45 minutes na na-consume ni Inay, nakatulala lang siya at ang lalim talaga ng inisip niya. May pangiti-ngiti pa si Inay. Siguro iniisip niya 'yung date nila ni Itay!

 YIEE! Kinilig siya siguro! Ang contagious pa nga ng kilig at ngiti niya! Nahawaan ako! Muntik na akong mapasigaw pero buti na lang naalala ko na dapat tulog na ako. Tinahuban ko na lang 'yung sarili ko ng kumot at sa wakas, napahiga na si Inay. At narinig ko na may sinabi siya, pero mahina lang.

"Mahal kita, Ybrahim. Mahal na mahal kita," rinig kong sabi. MYGHADD! PARANG GUSTO KO NANG BUMUHAT AT SUMIGAW KAGABI NUNG NARINIG KO 'YUN! AHH! Parang OA na ako tuloy. 

Anyways, after ilang minuto, nakatulog na si Inay. At ako naman, kinuha ko 'yung cellphone ko. gusto ko kasing tignan 'yung picture nina Inay at Itay sa date nila. Nagngingitian talaga sila! WHOO! Grabe! Kilig na talaga ako! Parang mamamatay na ako kagabi!

At ang pinaka da best na part kagabi ay yung full video nila! Pero dinahan-dahan ko lang 'yung volume kasi marinig at magising si Inay. Kung dinala ko lang 'yung headset ko, ang ganda sana. Pero kilig na kilig na ako sa pinapanood ko! Mala-teleserye talaga ang video! Kulang na lang kung gawing teleserye talaga ito at ang title ay Encantadia. Bongga, 'di ba? Tapos may YbraMihan pa! Ang saya talaga kung teleserye ang world namin pero hanggang pangarap na lang iyon.

Anyways, nandito ako ngayon sa parang living room dito sa isang part ng Sapiro. Binabantayan ko kasi si Paopao. Nakikipaglaro siya sa mga minion na Adamyans. Ang cute nila talaga! Naikuwento ko na rin kay Paopao 'yung lahat na nangyari kagabi. Pinakita ko pa nga 'yung mga picture at 'yung full video ng date ng parents ko. Kinilig din si Paopao, eh! Talagang YbraMihan siya!

Eh, ikaw ba? YbraMihan ka rin ba? Kung oo, kapatid na kita! YIEE!

*******

"Mahal na diwani," bigla akong nagising sa narinig ko. Hehe. Antok na kasi ako, eh. Pero buti na lang ginising ako ni Mamang Kawal kasi baka abutin pa ako ng hapon para magising ako. "Paumanhin kung ikaw ay aking ginambala, ngunit may mga dumating na panauhin," sabi sa akin ng guard este kawal. Nagtataka ako. Sino ba yung tao este panauhin na dumating? At paano niya nalaman na nandito kami sa kingdom of Sapiro?

"Sinu-sino po ba ang dumating? Alam na po ba ito ng mga magulang ko? O si Ashti Danaya?" Tanong ko kay Mamang Kawal. "Hindi pa ito alam ng iyong mga magulang kahit si Sang'gre Danaya sapagkat hindi pa sila dumadating sa kanilang pagmamasid sa Lireo," sagot niya sa akin. Kaloka. Parang ako na ang leader dito!

"Sige po. Susunod na lang po ako," sagot ko sa kawal at tsaka na siya umalis. "Paopao, dito ka lang muna, ha? Huwag kang aalis dito. At mga Adamyan, bantayin ninyo si Paopao," bilin ko. Nag-oo naman sila. Siyempre, kailangan ko silang bilinan kasi baka may mangyari sa kanilang masama. Pero hindi ako advance mag-isip kaya huwag na natin 'yun pag-usapan.

May mga kawal na naghihintay pala sa akin. Parang kanina pa nga kasi mukhang naiinip sila, eh. Pero anyways, kailangan nating malaman kung sinu-sino ang mga visitors namin. Biglaan kasi, eh. At wala naman akong kilala na ka-close nina Inay at Itay.

"Diwani Lira, ipapapasok ba namin ang mga panauhin?" Tanong sa akin ng isang kawal na nagbabantay sa big door ng Sapiro. "Sige. Papasukin niyo na po sila," sagot ko sa kanila. Kinakabahan na ako kung sino ang mga pumunta dito kasi baka mga kalaban ang dumating. Pero nagulat ako na makita ko kung sino ang mga nasa harapan ko.

"Mira?"

"Lira!" Sabi sa akin ni Mira at tsaka nagyakapan kami. "Grabe, akala ko hindi ka pupunta dito. Biglaan kasi, eh!" Sabi ko sa kanya. "Paumanhin, ngunit nais kong bumalik dito sa Encantadia dahil nalaman ko na nagkita na kayo nina Ina Amihan at ni Rehav Ybrahim at lumalala rin ang kaguluhan dito," sabi naman niya sa akin.

My God, nagulat ako sa kasama niya. "A-Anthony?" 

"Mila! Ikaw ba 'yan?" Tanong niya sa akin. "Siyempre, ako 'to! Bakit, halimaw ba ako?" Tanong ko naman sa kanya. "Sorry, Mila. I was just surprised to know na isa kang diwata," sagot niya. Naku, nosebleed ako sa TagLish niya! *Ahem.

"Hehe. Diwata naman talaga ako. Pero teka, bakit kasama ka ni Mira? 'Di ba hindi mo alam ang tungkol sa Encantadia?" Takang tanong ko. Nagugulumihanan kasi ako, eh. Hindi kasi gets. "Mamaya ko na sasabihin sa iyo kung paano nalaman at bakit ko sinama si Anthony sa ating mundo," sagot ni Mira sa akin. 

"Ngunit nasaan si Ina Amihan? Pati na rin sina Rehav Ybrahim at Ashti Danaya?" Dagdag niyang tanong. "Wala sila dito. Nandoon sila sa Lireo. Nag-oobserve este nagmamasid sila doon," sagot ko naman.

"Wait a sec. Bakit nag-oobserve ang mga magulang and tita mo sa isang kingdom? I just don't get it," follow-up question naman ni Anthony. "Alam niyo, pumasok na lang kayo kasi kailangan niyo pang magpahinga at may mga ikukuwento rin ako sa inyo," sabi ko sa kanilang dalawa.  

Pumasok naman sila sa loob ng kingdom ng Itay ko. Pina-stay ko rin sila muna sa kinakainan namin kasi siyempre, kakagaling palang sila sa trip kaya dapat kumain muna sila. Kung umain silang dalawa, akala mo may mukbhang o paunahang maubos ang pagkain! Pero like I said, pagod sila at naglakbay sila ng matagal kaya hayaan muna natin sila. Ako naman, hinihintay ko sina Inay, Itay, at Ashti Danaya kasi dumating na si Mira at kasama pa niya si Anthony. Ano kaya ang nangyari sa Lireo? Sana okay lang silang lahat. Hindi makakayanan ng konsensiya ko kung may nangyaring masama sa kanila. 

At paano rin nakabalik si Mira dito na kasama si Anthony? At ano kaya ang reason bumalik si Mira dito samantalang sabi niya noon na huli kaming nagkita, eh, ayaw naman niya. Medyo naguguluhan na talaga ako. Sa ngayon ay hayaan muna natin sina Mira at Anthony na magpahinga, pati na rin ako kasi pagod rin ako ng kaunti kaya bye-bye muna sa inyo!









Avisala! Medyo naging busy ako kaya hindi ako nakapag-UD agad. Pagpasensiyahan niyo muna ako, busy talaga ako this week. Pero anyways, bumalik nga si Mira pero kasama niya si Anthony. Ano kaya ang dahilan niya? Si Mira ba ang may gusto na sumama si Anthony o si Anthony mismo ang may gusto? Pati nga si Lira naguguluhan, eh. At ano rin kaya ang magiging reaction nina Amihan, Ybrahim, at Danaya na nakabalik si Mira sa Encantadia at may kasama pa siyang tao? Hmm, malalaman ninyo 'yan sa susunod na chapter. At may bagong plano ba si Lira sa YbraMihan? Abangan niyo rin 'yan, mga apwe!

P.S. May gagawin din ba si Lira sa MirAnthony? Mga MirAnthony Fans, abangan niyo 'yan!

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon