Kabanata 10: Ang Salaysay nina Mira at Anthony Pt.2

247 11 2
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Anthony's POV:

"Mga bandido."

"Mga what?" I asked Mira habang tina-try kong makawala sa grasp ng mga bandido sa amin.

----------

"Makawala sa ano?" Sabay na tanong nina Wantuk at Wahid kay Anthony.

Kaloka naman 'tong dalawang 'to.

"Makawala sa paghawak ng mahigpit. 'Yun 'yung ibig sabihin niya," sagot ko sa dalawa.

"Sige, Anthony, tuloy mo 'yung kuwento mo," dagdag ko.

-----------

"Mga bandido. Sila ang mga sinasabi kong mga nilalang sa Encantadia na nandadakip ng mga tao upang maging mga alipin nila," answer sa 'kin ni Mira.

Natakot ako nung sinabi 'yun sa akin ni Mira. Lalo na isa akong tao, and ayaw kong maging alipin nila kaya we tried to get rid of them pero di namin kinakaya ang higpit ng pagkahawak nila sa amin.

"Let us go! Bitawan niyo kami!" Sigaw ko sa mga bandido pero hindi pa rin nila kami pinapakawalan.

"Tumahimik kayo! 'Di namin kayo pakakawalan! Sasama kayo sa akin papunta sa Encantadia!" One bandido said to us.

"At bakit niyo ninanais na kami ay dakpin at dalhin kami sa Encantadia?" Pagalit na tanong ni Mira.

"'Di namin kailangang sagutin ang tanong mo, Diwani. Kaya wala kayong ibang gagawin kundi sumama sa amin!"

After what they said, wala kaming ibang ginawa ni Mira kundi sumuko sa kanila. Pero sa totoo lang, ang naramdaman ko nung time na 'yun eh natutuwa and natatakot ako. I'm happy kasi makakakita ako ng mga magic at mapupuntahan ko ang lugar na pinanggalingan ng crush... 

Oops... I mean ni Mira.

-----------

"Ay, bongga, Anthony, ha? Grabe 'yung sinabi mo. Feeling ko hindi naman 'yun mali, eh," natatawang kinikilig kong sabi kay Anthony.

Hihi, kinikilig lang talaga kasi ako sa sinabi niya tungkol kay Mira.

"A-ano ang sabi ni Anthony, Lira? Paumanhin, hindi ko lamang masyadong maunawaan ang mga huling sinabi niya," sabi sa akin ni Mira.

Ayts, sayang. 'Di niya naintindihan ang sinabi ni Anthony. Akala ko pa naman confession na talaga 'to ng dalawa.

"Ang sabi niya--"

"Ah... eh... Tuloy natin 'yung story. Mira, never mind what I said. Wala lang 'yun," pilosopong palusot ni Anthony kay Mira.

Ampanget naman ng araw ngayon. Hmmp.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon