Kabanata 3: Paghingi ng Tulong

292 8 20
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Grabe, nabusog ako! Hehe, ang dami ko kasing kinain kanina. Ang sarap ng almusal! Hinihintay ko na lang si Paopao na matapos ang kinakain niya. Alam niyo naman 'yung batang 'yun, laging gutom. Joke! Pero kaya ko siya hinihintay kasi may plano ako, 'di ba? Kailangan na matulungan ko sina Ashti Danaya at Inay sa mga feelings nila. Kasi hindi naman puwedeng habang buhay silang ganito kaya habang hindi pala huli na ang lahat, kailangan na mapaamin ko na sila kina Kuya Aquil at Itay.

Sa wakas, tapos na si Paopao kumain. Grabe, ang tagal niya! Parang 30 minutes siya kumain! Charot!

Anyways, lapitan ko nga siya. "Paopao, puwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa bata. "Sige po, Ate Lira. Pero ano ang pag-uusapan natin?" Tanong naman sa akin ni Paopao.

"Huwag tayo dito mag-usap, doon tayo sa kwarto," sagot ko naman. "Okay!" Ang sabi ni Paopao. Grabe, ang cute ng sinabi niya!

*******

Ayan, nandito kami sa kwarto, pag-uusapan na namin ang mga plano ko. Sana naman pumayag si Paopao na tulungan ako.

"So, Ate, anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Paopao. "Paopao, puwede mo ba akong tulungan?" Ang pakiusap ko sa kanya. "Saan, Ate?" Tanong niya. Jusko! Kinakabahan na ako! Baka kasi hindi siya pumayag!

"Paopao, kailangan kong gawin ang mga plano ko para kina Ashti Danaya At Inay. Kailangan ko silang mapaamin sa mga nararamdaman nila kina Kuya Aquil at tsaka Itay," ang explanation ko sa batang ligaw. "Pu-puwede mo ba akong tulungan?" Dagdag ko. Kaba overload ako!

"'Yun naman pala, eh. Ipapaamin mo lang naman pala sina Ate Danaya at Ate Amihan sa mga feelings nila. Bakit kailangan mo pa ng tulong?" Ang tanong ni Paopao sa akin. Kaloka naman 'tong batang 'to! Parang may highblood!

" Eh, hindi naman kasi madali 'yun. Kailangan na winner at tagumpay ang mga plano ko sa kanila," paliwananag ko sa kanya. "Alam mo naman na malaking bagay 'yung mga ganun, kaya sana matulungan mo ako," dagdag ko pa. 

Sana naman, pumayag na si Paopao. Siya lang naman kasi ang mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay.

"Hmm, sige, Ate. Tutulungan kita," sagot ni Paopao. Yes, pumayag na siya! Ang saya-saya ko!

"Salamat, Paopao, ha? Ikaw lang kasi ang puwede kong hingan ng tulong. Eh, kasi 'yung iba, baka ibuking nila 'yung mga plano ko," ang sabi ko kay Paopao. "Huwag kang mag-alala, Ate Lira, wala akong ibubuking sa iba. Total, game ako na mapaglapit silang lahat," sabi sa akin ni Paopao, tinutukoy niya  sina Ashti at Inay. Kaloka naman 'to! Parang mas matanda pang magsalita sa akin!

*******

Kanina pa namin pinag-uusapan ni Paopao ang mga plano ko para sa DanQuil at YbraMihan. O, ang galing ko, 'no? Nakagawa akong loveteam! *Ehem. Anyways, 'yun na nga. 'Yung mga plano ko, pinag-uusapan namin. Pero sa dinami-dami ng mga plano na sinabi ko, si Paopao at pati ako nalilito at naguguluhan na. 

Nakakaloka naman 'to. Hindi puwedeng makalimutan ko ang mga ideas ko para kina, alam niyo na. Ano kaya ang puwede kong gawin?

Ay, tamang-tama! May nakita akong papel at ballpen! Hindi ko lang alam kung anong klaseng ballpen ang ginagamit ng mga taga-Encantadia.

"Ate, gumawa ka ng checklist sa mga plano mo. Para hindi mo makalimutan at para ma-checkan mo 'yan kung mission accomplished ka na sa lahat," sabi ni Paopao. Grabe, ang smart naman ng batang 'to! Talo pa ako!

Anyways, balik tayo sa topic. Sinulat ko na sa papel ang mga plano ko sa DanQuil muna, kasi dalawa pala ang papel na nakita ko. Pagkatapos naman ay sinulat ko na ang mga plano ko para sa mga magulang ko. Ang dami ng plano ko sa parents ko!

"Ate Lira, paano kung dagdagan natin nito?" Suggestion sa akin ni Paopao na sinulat niya sa papel ng YbraMihan. "Ay! Puwede 'yan! Sige, gawin natin 'yan," ang masaya at excited kong sabi kay Paopao. Buti na lang, siya ang pinili kong maging assistant sa mga gagawin ko.

May sasabihin pa sana ako, kaso may naririnig kami ni Paopao na footsteps. Hala, paano namin  itatago 'yung mga papel? 

Ay, mabuti at may box dito. Minadali namin ni Paopao na itago ang mga papel sa box na nakita ko. Sakto at dumating ang tao este encantado na narinig kong papunta dito.

"Lira, nandito ka lang pala. Akala ko'y wala ka dito sa Sapiro," sabi ni Itay. "Hi, Kuya," bati ni Paopao.

"O, Paopao, nandito ka rin pala. Anong ginagawa ninyo at bakit kayo nagmamadali kanina?" Ang nakakatakot na tanong ni Itay. Hala! Anong isasagot ko sa kanya?

" Ay, uh, na-naglalaro lang po kami ni Paopao, Itay," ang pasimple sagot ko kay Itay. "Ah, iyon lang naman pala. Sige na, dito na muna kayo 'pagkat kailangan ko pang magmasid sa buong palasyo upang makasiguro na ligtas tayo sa mga Hathor," sabi sa amin ni Itay.

"Mag-iingat po kayo, Itay," sabi ko kay Itay. "Opo, Kuya Ybrahim, stay safe po," aww, ang cute naman nang pagkasabi ni Paopao!

"Sige, mauna na ako," ang paalam ni Itay. Hoo! Ligtas na tayo.

"Ate Lira, muntik na 'yun!" Ang sabi sa akin ni Paopao. "Oo nga, Paopao. Buti nga na-actionan natin 'yun kaagad," ang sabi ko sa kanya.

"Pero, Ate, ano 'yung sasabihin mo sana kanina?" Ang tanong niya sa akin. "Sa DanQuil muna tayo magsisimula," ang sabi ko. "Una nating igagawa 'yung unang plano sa DanQuil," dagdag ko pa.

"Okay. Pero kailan natin 'yun gagawin?" Tanong ni Paopao. "Bukas ng tanghali, gagawin natin 'yun," sagot ko sa kanya. O, 'di ba? May schedule pa ako!

Anyways, 'yung plano nga namin sa DanQuil ang una naming gagawin. Pero bukas namin 'yun gagawin kasi gusto ko pang mag-enjoy kasama ang family ko. Kaya maghintay ulit kayo, okay?











Hi, guys! Okay pa ba kayo diyan? Hehe. Ang kulit talaga nina Paopao at Lira, 'no? Kaya sila talaga ang pinagsama ko para magawa ang mga gagawin ni lira sa Ashti at Inay niya. Hehe. And by the way, sa next chapter ay maghanda kayo ng oxygen kasi kikiligin kayo doon. DanQuil fan o hindi, I think kikiligin kayo. Hihi. Abangan niyo na lang bukas ang gagawin ni Lira kasi nga, gusto niya munang magkaroon ng more time sa pamilya niya. See you tomorrow!



Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon