Author's Note
Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.
*******
Hey, guys! Long time, no see, ah! Anyways, kakatapos pa lang nina Mira at Anthony sa kakakain. Pinakilala ko na rin sa kanila si Paopao. Nakukyutan nga sila sa kanya, eh! Paano naman ako? Hindi ba 'ko cute sa paningin nila? Eh, kayo? Sa tingin niyo ba cute ako? Kasi kung hindi, okay lang. Sanay na kasi ako sa mga ganyan, eh. 'Wag rin kayong matakot sa akin kasi hindi naman ako si Haggard este Hagorn. At tsaka hindi ko naman kayo isusumbong kay Inay lalong-lalo na kay Itay. Ayaw kong matulad kayo dun sa pervert na Wahid.
*Ahem. Anyways, ayun na nga. Tapos na silang kumain. Siguro oras na para makipag-chikahan sa dalawang visitors Natin. Curious lang kasi ako kung paano sila nakapunta dito sa Enca.
Yung magsasalita na sana ako, biglang dumating si Wantuk kasama si Pervert (Alam niyo na kung sino yun). Matanong nga kung ano ang gagawin nila dito.
"Oh, Wantuk! Perv- este Wahid! Anong ginagawa niyo dito? Akala ko pupunta kayo sa Adamya kasama si Lolo Imaw para makita ang condition este kalagayan doon," saad ko sa dalawa.
"Wala namang problema doon sa Adamya kaya agad kaming nagbalik dito upang magpahinga," ang payabang explanation ni Wahid.
Ang pervert niya talaga! Ang hambog pa! Pero infairness, ha? Ang cute niya kanina habang nagsasalita siya.
"S-Sang'gre Mira?! Ikaw ba 'yan?!" Tarantang tanong ni Wantuk kay Mira. Lumaki pa ang mga mata niya.
Ang OA naman nito, oh. Tatanong na lang.
"Siyempre, Wantuk, si Mira 'yan! Anong akala mo? Anino mo?" Sabi ko naman sa kanya.
"Paumanhin, mahal na diwani. Hindi lamang ako makapaniwala na dumating si Diwani Mira dito. At teka, sino ang isang 'yan?" Tanong ni Wantuk habang tinuturo si Anthony.
"Oh, sorry. My name is Anthony," ang nakaka-nosebleed na sabi ni Anthony kay Wantuk.
"Ano? Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo," singit naman ng Pervert na Barbaro.
"Ah? Eh, pasensiya na. Hindi kasi ako taga-dito. I'm from, or I mean, galing ako sa mundo ng mga tao," paliwanag naman ni Anthony.
"Teka lang. Ibig sabihin ay isa kang tao?" Tanong ulit ni Wahid.
"Oo. Tao ako. At ang pangalan ko ay Anthony. How about you?"
"Haw awit ano?" Gulong tanong ni Wantuk kay Anthony. Ganyan kasi niya sinabi, guys, okay?
"Ang ibig sabihin niya, ano naman ang pangalan ninyo," translate ko naman.
"Ah. Ganoon pala. Ako si Wantuk. At siya naman si Wahid," ani ni Wantuk.
"Oh, tama na 'yang mga introduction ninyo, ha? Ako naman ang magtatanong. Um, Mira, Anthony, paano kayo nakarating dito? At paano rin nalaman ni Anthony ang tungkol sa Encantadia?" Follow-up question ko naman.
BINABASA MO ANG
Lira: Ang Matchmaker ng Encantadia
FanficAng pag-ibig, kusang dumadating sa mga tao. Ganoon din ang mga encantado't encantada sa Encantadia. Ngunit paano kung mahal mo nga siya, pero hindi mo maamin? Saan ka ba magsisimula? Sino ang maaaring tumulong sa iyo upang masabi mo ang nararamdaman...