Kabanata 2: Isang Magandang Umaga

316 10 18
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Good morning! Grabe, nakakaloka 'yung panaginip ko kagabi! Pero hindi ko na 'yun sasabihin sa inyo kasi hindi naman 'yun mahalaga. Anyways, umaga na ngayon. Nagising na ako nang maaga pero nakita ko na tulog pa rin si Inay at wala si Paopao. Hala! Saan na kaya 'yung batang 'yon? Siguro nagising na siya nang maaga at kumain na at baka kasama niya 'yung mga cute na minions.

Umupo lang ako sa higaan. Natandaan ko 'yung nangyari kagabi. May recap tayo ngayon, ha! Joke. Anyways, 'yung mga nangyari nga kagabi. Kapag binabalikan ko 'yung mga chikahan namin, napapa-smile na lang ako kasi ang saya na makakwentuhan mo ang mga parents mo. 

Ay, gising na pala si Inay!

"Good morning, Inay!" Ang bati ko kay Inay. "Magandang umaga rin, anak," sagot naman niya sa akin nang biglang dumating si Itay sa bedroom namin.

"Gising na pala kayo," sabi ni Itay sa amin. Lumapit ako sa kanya at niyakap. "Magandang umaga po, Itay!" bati ko. "Magandang umaga rin, Lira," bati niya. 

"Nakatulog ba kayo nang maayos?" Tanong ni Itay sa amin. "Naku, Itay! Sobra pa sa maayos ang pagtulog namin!" Sabi ko. Nagtawanan kami.

"Ikaw talaga, Lira. Halika na nga, kumain na tayo," Sabi naman ni Inay sa akin. Pero teka lang, kailangan ko munang iligpit ang hinigaan namin. "Teka lang po, Inay, Itay. Ililigpit ko muna 'yung hinigaan natin," ang paghingi ko ng permission sa parents ko.

Medyo weird sa kanila 'yung sinabi ko. Kasi nga, may royal blood kami. At may mga dama-dama rin silang inuutusan. Eh, wala na akong magagawa. Nakasanayan ko na rin kasing mag-ayos at lumigpit ng higaan. Pero pumayag naman sila.

Habang nililigpit ko ang hinigaan namin, tinitingnan ako nina Inay at Itay. Nakangiti rin sila sa akin, at 'yun din ang ikinatuwa ko. Siyempre, ako ang only daughter nila, at marunong din ako sa mga gawaing bahay, kaya iyon din ang nakakapag-happy sa kanila at pati na rin sa akin. Narinig ko rin ang mga sinasabi nila habang nagliligpit ako. 

"Nakatutuwa na makita ang ating anak, Ybrahim," narinig kong sabi ni Inay. "Sana ganito na lang palagi. Sana hindi na lang nagkaroon ng digmaan dito sa Encantadia upang palagi tayong masaya," ang sinabi naman ni Itay.

Naks! Nakakakilig namang marinig ang usapan nila! Pero hindi ako tsismosa, ha! Huwag kayong assuming.

Kahit nga ako, gusto ring may peace-on-earth dito. Ayaw ko na may mga nega na nangyayari sa Encantadia. Siyempre, lahat naman tayo gustong makaranas nang ganoon, 'di ba? Yung kasama mo ang buong pamilya mo at good vibes lang ang mararanasan mo.

Ayan, tapos na akong magligpit.

"Mahal na Hara, Rehav, at Diwani, nakahanda na po ang mga pagkain," sabi ng dama sa amin. "Nakahanda na pala ang mga pagkain. Halina't at kumain na tayo," sabi ni Inay.

Nang makalabas na kami sa kwarto, na-surprise kami nina Inay at Itay kasi ang daming pagkain sa harapan namin!

"Avisala!" Sabay-sabay na pagbati ng mga iba naming kasama. "Wow! Ang daming pagkain! Parang fiesta!" Ang gulat kong sabi. "Talagang pinaghandaan namin ang mga pagkaing ito, dahil nais naming lahat na ipagdiriwang ang muli mong pagbabalik, Sang'gre Lira," sabi ni Lolo Mamaw este Imaw pala.

"Wow, naman. Thank you sa inyo este avisala eshma," ang pagpapasalamat ko sa kanila. "Hindi namin inaasahang gagawin ninyo ito para sa anak namin ngunit avisala eshma," ang sabi ni Inay.

"Siyempre, mahal na hara, ngayon lang ninyo makakasama muli ang inyong anak kaya, kailangang magkaroon tayo ng kasiyahan," ang sabi naman ng isang mayabang na barbaro na si Wahid. Grabe, kung makasalita siya, akala mo siya ang nag-sponsor ng handa! 

Hala, ano 'to!? Hahawakan na lang niya ang kamay ko, hihilahin niya pa ako! Nakaka-irita! Ang pervert talaga nito! Tiningnan ko sina Inay at Itay. Medyo nakasimangot si Inay habang si Itay, nakasarado ang mga kamao niya. Parang gusto niyang suntukin itong si Wahid.

Pero teka lang, bakit hanggang ngayon, wala pa si Paopao? Nasaan na ba siya? "Teka lang, nasaan si Paopao? Saan na naman 'yun pumunta?" Malakas kong tinanong para marinig ng lahat.

"Oo nga, 'no? Nakita niyo ba si Paopao?" Tanong ni Inay sa lahat. "Kasama niya sina Banak at Nakba, mahal na reyna. Hayaan mong ako na lamang ang tumawag sa kanila," sagot naman ni Nunong Imaw. O, hindi na ako nagkamali sa pangalan niya, ha?

"Avisala eshma, Nunong Imaw," sabi ni Itay. Pagkatapos niyan, umalis na si Lolo Imaw para hanapin niya sina Paopao at 'yung mga minions. Infairness, ha, may mga kasama pa siyang kawal.

 My God! Ayan na! Kakain na kami, sa wakas! Gutom na kasi ako, eh.

"Sang'gre Danaya, halika. May hinanda akong upuan para sa 'tin," naring kong sabi ni Kuya Aquil. Grabe, nakakakilig! "Salamat, Aquil," sabi naman ni Ashti Danaya.

Jusko! Hindi na ako makahinga nang marinig ko 'yun! At isa pa! Naghawakan pa sila ng kamay! 

Nakaupo kaming lahat. Nasa gitna ako nina Inay at Itay. Buti na lang hindi ko katabi 'yung duwag na barbarong 'yun. Anyway, 'yung pwesto nga namin. Sina Ashti Danaya at Kuya Aquil, naku! Magkatabi sila! Nag-ngingitian pa sila habang nagkukuwentuhan at kumakain. 

"Inay, boyfriend ba ni Ashti si Kuya Aquil? Kasi ang sweet nila, eh," tanong ko kay Inay. "Hindi naman, anak. Ngunit batid kong may pagtingin sila sa isa't-isa. Hindi lang nila kapwa maamin," sagot ni Inay.

Ay, si Inay, kung makasagot parang hindi rin siya ganun! Joke lang. Huwag niyo akong isusumbong sa kanya, ha?

"Ganun ba? 'Di bale, may plano ako. Pagtitripan ko silang dalawa," patawa kong sabi. "Lira, ano na naman 'yang gagawin mo?" Curious na tanong ni Inay sa akin. 

*******

Malapit na kaming matapos kumain, grabe ang dami kong kinain! Nagkuwentuhan rin kaming lahat. Ang ganda naman ng umaga ko! Sana ganito na lang palagi. 

Pero mamaya, may plano ako. 'Di ba alam niyo naman kung sino ang sangkot dito? Haha. Pero hindi lang sina Ashti Danaya at Kuya Aquil ang kasama dito, pati na rin sina Inay at Itay. O, damay-damay na, 'di ba? Basta maghintay na lang kayo mamaya kasi kailangan ko pang hintayin ang magiging kapartner ko para sa mga plano ko:

Si Paopao.

Say hello to the Operation: Bring DanQuil at YbraMihan Together.









Good morning, guys! Bilis kong mag-UD, 'no? May oras kasi ako ngayong araw na 'to kaya puwede akong maka-UD nang mabilis at maaga. Pero anyways, ano kaya ang plano ni Lira sa DanQuil at YbraMihan? At bakit kaya gusto niya si Paopao ang maging kapartner niya sa plano niya? Mamaya abangan niyo ang UD.

P.S. Handa kayo ng oxygen kasi baka maubusan kayo sa ibang mga chapters. Haha. Pero kung kulang ang extra oxygen ninyo, humingi na lang kayo kasi hiniram ko kay Inay Amihan yung brilyante niya. Hihi.


Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon