Kabanata 5: Ang Pag-Amin ni Ybrahim

289 10 22
                                    

Author's Note

Ang buong kwentong ito ay galing sa POV ni Lira pero may mga pagkakataon din na maaaring ang POV ng ibang mga karakter ang lumabas. Sana masubaybayan at suportahan niyo ang kwentong ito hanggang sa huli nitong kabanata.

*******

Avisala sa inyo, guys! Kumakain kaming lahat ngayon ng lunch este tanghalian namin. Grabe pala ang mga taga-Encantadia, mga vegetarian sila! Hindi 'to biro. Kaya pala ang gaganda ng mga katawan nina Inay, Itay, Ashti, at 'yung iba pang mga encantado. Sayang, akala ko pa naman may fried chicken dito. Pero anyways, medyo nanginginig ako habang kumakain. Ewan ko kung bakit basta nanginginig ako. Bakit kaya?

Ay, oo nga pala!  'Yung YbraMihan! Kaloka naman, muntik ko nang makalimutan. Ang dami ko na kasing iniisip simula kaninang umaga. Itong si Wahid kasi, eh. Ang bastos habang naliligo ako. Nasuntok siya tuloy ni Itay. Ngayon, speechless na lang siya.

Anyway, patapos na kaming kumain. Pero kinikilig ako sa parents ko! YIEE! Magkatabi kasi sila, at ang ganda ng kuwentuhan nila! Nagngingitian pa sila! HOO! Pinipigilan namin ni Paopao na hindi kiligin pero ayaw, eh. Hindi namin mapigilan! Hihingi akong hangin kay Inay mamaya kasi mamamatay ako sa kilig! Charot! Hindi pa ako mamamatay. Haha.

*******

Pati pala dito sa Encantadia, may nap time? Tulog kasi 'yung ibang mga kawal, eh. Pero hinayaan muna namin nina Inay at Itay 'yung mga 'yun kasi siyempre, buong araw silang nagbabantay kaya dapat magpahinga muna sila. 'Yung mga ibang kawal na lang muna ang magbabantay.

Hinihintay ko na lang si Paopao. Again. Pero hindi siya kumakain, ha? Kalaro niya kasi 'yung mga minions este sina Banak at Nakba pati na rin 'yung iba pang mga Adamyan. Okay lang naman 'yun, pagbigyan natin 'yung bata na maging bata. Gets niyo ba?

Ayan, nandito na si Paopao. Nasa kuwarto ulit kami. Wala na kasing lugar na puwedeng maging secret hideout namin. Baka makita at malaman pa ng iba ang ginagawa namin ni Paopao. Kaya kapag walang masyadong tao este nagtatambay sa palasyo lalong-lalo na ang mga magulang ko, sa kuwarto na kami didiretso ni Paopao. 

"Ate Lira, alin ba ang uunahin mo dito? Ang dami kasing nakalista, eh," tanong sa akin ni Paopao. "Hmm, ito na muna ang gagawin natin, Pao," sagot ko sa kanya habang tinuturo ko 'yung napili ko.

"Okay. Pero Ate, sa tingin mo ba, sasabihin niya sa 'yo 'yung totoo?" Tanong niya ulit. Kaloka naman si Paopao. Wala pa nga, ang dami na niyang tinatanong. "Tingnan nalang natin kung ano ang mangyayari mamaya," sagot ko sa kanya.

Sa ngayon, hinihintay ko na dumating dito si Itay habang si Paopao ang nagliligpit ng mga gamit namin para sa mga plano. Alam ko na kung ano ang tinatanong ninyo: bakit si Itay lang ang hinihintay ko at hindi sila ni Inay? Kasi, first stage ito ng plano. Marami pa kasi, eh. Basta mamaya kapag dumating si Itay, malalaman niyo rin ang plano ko. Pero sana hindi niya kasama si Inay. Si Itay kasi mun ang kailangan namin ngayon para magawa namin ang mga plano sa kanila ni Inay.

"Ate Lira, finish na akong magligpit ng mga gamit natin," ang sabi sa akin ni Paopao. Tamang-tama. Dumating na si Itay. Gagawin ko na 'yung plano.

Grabe, kinakabahan na ako! Kalma lang, Lira. Kalma lang.

"Hi este avisala po, Itay," bati ko kay Itay. "Avisala, anak," bati rin niya. "Um, Itay? Nasaan po si Inay? Hindi niyo po ba siya kasama?" Tanong ko kay Itay. "Hindi, Lira. Kasama niya ang iyong Ashti Danaya na nagbibigay ng alay at nagdadasal kay Bathalang Emre," sagot niya. Tamang-tama! Magagawa ko na 'yung plano!

Lira: Ang Matchmaker ng EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon